Chapter 1 - Let's Begin

198 3 5
                                    

Isang tahimik na lugar.

Naglalakad ako papunta sa kanya, kay Seth. Ang man of my dreams. Nakangiti sya. Nakangiti sya ng napakaganda. Haaay. Ang sarap tingnan, or should i say pagmasdan. Complete set of white teeth, matang singkit, maputing complexion at dark brown na buhok.

Langit.... Eto na nga yata ang langit. :)

"Nasa langit ka nanaman babae! Hahahaha!"

AY LANGIT! sino ba ang pangahas na yun??

"Ano ba yan Liya, bat ka ba nanggugulat? Kita mong naka focus ako sa pagbabasa eh!" Kaasar ha. Busy ako eh. Hehe.

"Kita ko nga. Sobra kang focus sa pagbabasa ha. Pagbabasa ng mukha ni Seth. Ilang nunal ba meron sya? Nabilang mo??" 

"Hmm.. sa totoo lang mga pit-- HA? Hindi ko tinitignan si Seth! >_< Nagbabasa yung tao eh. " Pero pito talaga. Swear. ^^

"Tigilan mo na yang pasulyap- sulyap mo. Old School ba nag drama te? Di na uso yan! Ganto uso oh. Twin! Lika dito bilis!" Si Lina yan. Twin ni Liya. matingnan nga pinag mamalaki nito.

"Ahmm.. Liya, ikaw si Seth kunwari ha." At dramatization pa talaga? Game naman tong si Liya. Kakaloka! >_<

"Seth.." with matching beautiful eyes "..bituin ka ba?"

"Bakit?" Sinubukan pa ni Liya na palakihin yung boses nya.

"Kasi...ahm.."

"Ano?"

"Ahm.. ano kasi.."

"Ano nga?"

SILENCE.

After a decade..

"Ano nga ba yun? Liya, ano yun? Tingnan mo nga sa cellphone ko, nakalimutan ko eh.. >_<"

Patay. =___= 

"Ewan ko sa inyo!" sabay tayo ko. Kaloka tong mga to.. Babanat na nga lang di pa aayu--

"ARAY!"

May bumunggo saking pader. Teka, kelan pa naglakad ang pader? Nalaglag tuloy yung mga libro ko. >_< Grr... 

"Sorry Shane.. " Sabay pulot sa mga gamit ko. "Hindi kita nakita. Nagmamadali kasi ako eh. Pasensya na.. >.< Treat nalang kita para makabawi naman ako sayo." Kasabay nun, binigyan nya ko ng magandang ngiti. Nakakatunaw. :)

"Uhm."  Pakipaalala nga sakin kung pano huminga   "...Sure."

"Great. Kita nalang tayo mamayang break sa mini stop. :) See you later, Bye."

"Sige. Bye din..

...Seth :))"

Nabalik ako sa katinuan ng biglang may sumigaw..

"OLD SCHOOL NGA! PERO INFAIRNESS, EFFECTIVE! Hahahah!" Sabay apir nina Lina at Liya.

---:) Wala kasi akong makitang Autocad file, kaya ayan. XD

Hahaha. Salamat kay Simplyloveme na nagvote at comment. XD

The First Cut is the DeepestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon