Ansaya talaga ng araw na yun. Pagkatapos nyang tumugtog, napansin nya ring late na kami. Kaya ayun, takbo ulit ang drama ko. Wala na nga lang gitara. Sabi nya kasi sya nalang daw magdadala kasi alam nyang mahirap bitbitin yun. Sweet no? :)
Ngayon, ilang weeks na din ang nakalipas. Yung gitara ko, nakita ko nalang dito sa room the next day with a note:
"It is still in good terms. Gamitin mo pa din to ha? I painted it with a new color. i hope you like it. :)"
OH. Nakita kong mukha na ulit syang bago. Ang effort naman nya. :) Hindi pa din sya nagbabago.
We know each other since we were in preschool. Yes! Kami ay dakilang magkababata. We USED TO BE FRIENDS. Now we're not. Because WE ARE NOW C-O-U-P-L-E-S.
JOKE. XD
Umalis kasi sila ng pamilya nya when we were still six. Nakapag decide ang parents nyang pumuntang Canada. His Lola was sick. Being my VERY BEST FRIEND, I CRIED A LOT. And that memory will be always locked in my head...
"Aalis na ko, at di alam kung kelan babalik. Shane, mag iingat ka. Lampa ka pa naman!"
"Loko to! Pero talaga namang lampa ako. Kaya nga ayaw kitang umalis..."
"Ayaw ko din naman eh. Kayalang, wala naman akong magagawa. Papasalubungan nalang kita ng madaming ice cream, DIFFERENT FLAVORS! Para pag uwi ko, madami tayong kakainin! Magpapakabungi tayo!!!"
"A-YO-KO NG ICE-CREAM! SETHHHH! T^T"
"Basta! Tatawagan nalang kita!Tsaka di naman kita kakalimutan eh! BEST FRIENDS DIBA!"
Kung ilang beses akong umiyak sa pangungulila sa best friend ko, hindi ko alam. Nung una binibilang ko pa, hanggang umabot sa puntong nawala na ko sa bilang dahil sa sobrang dami.
Ang alam ko lang, bumalik sya na parang walang naaalala.
"SEEEETH! BEST!" After 8 years.. sa wakas nandito na ulit sya.
"Uy Shane. Kamusta?"
"Okay lang ako. pero namiss kita sobra!! Ikaw kamusta?" Excited kong tanong.
"Okay lang din."
Yan lang ang napag usapan namin. Madami kasi syang kailangang gawin. Pero pakiramdam ko, kahit naman ata wala, wala pa ding patutunguhan ang usapan namin.
2 years na syang nandito sa Pinas. Pero andito nga ba sya? Wala na kasi akong Best Friend na Seth.
Ganun pa man..
Nagpatuloy pa din ang paghanga ko kay Seth. malandi na kung malandi, pero mula pa nung bata kami, HD na ko kay Seth. Hahaha. Joke. Di naman ganun kalala! Hahaha!
Kaya sobrang excited ko nung nakaraang linggo. Pakiramdam ko biglang tumugtog yung "START OF SOMETHING NEW" ng HSM. Spell O-A. Haha.
Simula na nga to. Simula na ulit to.
"Shane, pinapasabi ni Seth kita daw kayo next Saturday. Sa SM Marikina."- Lina
SABI KO NA EH. :)