Seenzoned
Nilapag ko na yung bag ko sa upuan. Nandito na ako sa loob ng kwarto ko kakauwi ko lang bago matapos ang last period namin sa ICF. Dali-dali akong dumiretso papunta sa computer table ko at agad binuksan ko ang computer ko kasi atat na atat na ako. Naalala ko tuloy ang payo ng ina ko. Ang sabi niya, magstudy muna ako bago magcomputer.
Kapag nagstudy ako walang pumapasok sa utak ko. As in wala talaga! Dahil daming nagsisink-in eh.. Kapag nagstudy ako puro fb, twitter, youtube lang ang laman ng utak ko at halos hindi ko maiiwasang umayaw. Grabe noh?
Kaya nga ang laki-laki na iyong eyebags ko dahil tagal matulog.
WIFI just be strong. The reason why I have an eyebags.
Nag-open ako ng tab at nagtype ng Facebook sabay loading. Tsk ang hina! Paasa talaga iyong internet.
Maya-maya ay biglang bumilis. "Yes!" Makakafb na ako! Yehep!
Pagkatapos kong maglog-in agad bumungad sa akin iyong newsfeed ko. Napanganga na lang ako sa daming nagpost sa newsfeed pati yung notifications, chats at friend requests.
Hala paano na 'to! 6,325 notifications, 2,955 chats and 4,888 friend requests. What the? Ganito na ba ako kafamous??
Huwag na kayong magtaka, tagal ko na 'to di nabuksan. Ilang taon ko na ata 'to hindi nabuksan eh kaya daming nag-aadd, nagchachat sa akin at nagfloodlikes ng pictures ko.
Hindi kasi ako mahilig magchat sa mga hindi ko kakilala at hindi din ako marunong magchat sa mga pangit.
Wala naman akong ibang nakikita na gwapo dito sa fb eh. Kaya masyadong boring at wala akong ganang makipagchat.
Ang gusto ko yung gwapo ang machat ko. Ayan tuloy pinagsabihan na nila akong snobber!
Halimbawa kapag sinabihan ka nang snobber hindi ka magagalit, matatawa ka lang sa mga sinasabi nila tapos kapag dadagdagan pa nila ng dalawang words mas maiinis ka talaga 'pag sinabihan ka ng FEELING MAGANDA!
Gusto mo bang pagsabihan ka ng SNOBBER! 'Kala mo naman ang ganda mo. Feeling Maganda!
Gusto mo ba iyon?! Nang ganun ganun na lang?? Hindi diba?!
Hindi ko muna binuksan iyong notifications ko. Nagbasa muna ako sa post nila. Pagscroll ko, may nakita akong lalaki sa the people you may know.
Napanganga naman ako ng sobra. O to the M to the G! Ang cute niya plus POGI points pa! Kyaaaaaah!
"Mark Sceven Mendoza. Wow!" siya pala si Mark Sceven Mendoza? Ang gwapo naman niya.
Agad pinindot ko iyong DP at pumunta sa wall niya. OMG! Ang gwapo niya! Wow! Famous si gwapo! Charot!
Narinig kong kumatok si Mama sa pintuan. "Drixie, nagstudy ka na?" Hala patay! Nag new tab ako at tinype ko ang Google atsaka kunwari nagsearch. "Yes mama!"
Hinintay ko lang na makaalis si mama. Dinig na dinig ko yung apak niya.
Huminga ako ng maluwag. "Haay. Makibalik nga." Bumalik na ako sa fb ko at nagstalk kay Mark Sceven Mendoza.
BINABASA MO ANG
One Shots Compendium
RandomHello Readers, this is my ONE SHOTS COMPILATION and of course this is my own story. I didn't copy to others and I also wrote this. I don't like to keep my feelings in my heart & mind. So, I just did this to show what I can be. So guys, hope you rea...