Mr. IGOP
kriiiiiiiiiiiinnnng
I stood up and grabbed my books and went outside the classroom.
Habang naglalakad ako may kumalabit sa balikat ko.
"Miss." napahinto ako sa paglalakad nang bigla akong nakarinig ng boses na lalaki. Wow! Ang husky ng voice niya. Nilingon ko mula sa likod ng nakataas ang dalawang kilay ko.
"A-ano pong kailangan mo?" Maang-maangan na tanong ko.
"Ehem." Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Saan po ba iyong grade 10 dito?" biglang tanong niya. Napatulala lang ako sakaniya sabay kaway niya sa harapan ng mukha ko para matauhan ako. Natinag ako ng bigla niyang hinarangan ang kamay niya sa mukha ko. "Hello."
"Ah hello din." Sabi ko habang nakatingin sakaniya. "Okay ka lang ba miss?"
"O-oo. Okay na okay." Nauutal na sabi ko ng nakangiti ng pilit. Nilingon ko yung paligid kung may mga estudyante na nakatingin sa amin.
Beshie, tingnan mo oh. sabay turo sa amin habang kinakalabit niya yung kasama niya. Agad napatingin din siya sa amin.
Oh ang gwapo naman yung kasama niya. sabi ng kasama niya na kaniyang kinalabit kanina. Pinasadahan ako mula ulo hanggang paa habang naglalakad sila.
"Miss, saan po ba iyong grade 10 dito?" Nagulat ako ng bigla siyang nagtanong.
"Aah doon po sa dulo." bilis na sabi ko sabay turo ko gamit ang isang daliri ko. "Ah sige salamat."
"Hehe." tumawa ako ng mahina. Hinawi ko yung buhok ko na nakaharang sa mukha ko.
Ay tama pala nakalimutan kong magtanong kung ano yung name niya.
"Wait!" aalis na sana siya ng bigla akong nagsalita. "What's your name?" ang weird ng tanong ko. -______-
"RJ."
"What? RJ?"
"Kailangan pa bang ulitin?" tanong niya. Tumawa siya ng mahina. Umiling ako habang nakangiti. Oops, may iniisip ako. Hindi ba niya alam kung saan ang grade 10 dito? Baka siguro transferee 'to. Makitanong nga. tsk
"Sandali lang. Last na lang. Transferee ka ba?" nakakahiya naman tanong ng tanong ako sa kaniya tapos alam kong nagmamadali siya. Ano ba ako reporter?? Feel ko tuloy naging reporter na ako dahil putak ng putak ako sakaniya tapos parang iniinterview ko siya. Pareho lang naman ang interview at magtatanong ng kung ano. Tsk. Ang boba ko talaga.
Nagdadala pa ako ng libro tapos hindi nagbabasa ng aklat?? Nakakahiya naman 'pag ako yun. Baka pagsabihan pa nila ako ng Feeling Nerd may pasuot-suot pang glasses.
Tumango naman siya. Ah kaya pala. "Sige na ha. Aalis na ako." ngumiti siya sa akin. Ang ganda ng ngiti niya. Tapos ampula ng lips niya. Napatango naman ako sakaniya. Alam ko na yung ngiti palang niya pamatay na! Nahihimatay na ako sa kilig eh pero hindi ko pinapahalata. Ayaw ko nga! Baka pag-isipan nila na isa pala akong slut na nakikipaglandi kay crush.
BINABASA MO ANG
One Shots Compendium
RandomHello Readers, this is my ONE SHOTS COMPILATION and of course this is my own story. I didn't copy to others and I also wrote this. I don't like to keep my feelings in my heart & mind. So, I just did this to show what I can be. So guys, hope you rea...