MANG-AAGAW

7 0 0
                                    


MANG-AAGAW

"Ang swerte mo Velik."

Kasalukuyang nandito kami sa bench kasama ko ang aking matalik na kaibigan, siya ay si Delik.


Hindi ko lubos maisip kung ba't pareho kami ng pagkatao sa isa't-isa at ang mas ikinagugulat ko magkatugma ang aming pangalan ngunit iba lang ang aming unang titik.


Bagama't aksidente lang ang nangyari sa aming dalawa. Simula nung pumasok ako sa paaralan wala akong kaibigan, wala akong kausap at ako lang ang mag-isa.


Madalas na akong pinag-aapihan ng mga estudyante pero nagpakatatag ako at dahil pagod na akong paglaruan hindi ko na kaya. Alam kong malapit na maubos ang aking pasensya ngunit hindi ko kayang gawin iyon dahil naisip ko hindi ko kailangan sayangin ang oras para lang makiusyoso sakanila at alam kong wala namang kwenta ang pinagagawa nila sa akin. Kinuwento ko lahat sakanya tungkol sa boyfriend ko.


Oo may boyfriend ako, hindi naman ata masama kung ikwento ko sakanya diba? Pero syempre kaibigan ko siya ngunit hindi ko kayang magsinungaling baka magalit siya kapag di ko sinabi. Komportable ako kay Delik at hindi ko maiwasang tumahimik kaya sobrang saya ko na siya ang lagi kong nakasama.




Minsan doon ako sa boyfriend ko para makapag-usap kami para sa JS Prom. Siya ang magiging kapartner ko.


"Sige, aalis muna ako."


Sabi ni Delik at binigyan niya kami ng matipid na ngiti. Ilang sandali, napakunot ang noo ko. Ba't ganun siya? Nung isang araw nagulat ako sa inasal niya.


Hindi ko alam naging ganyan siya pero wala naman akong nagawang kasalanan sakaniya kaya hinayaan ko na lang siya. Napansin ko ngang pinagmasdan ni Zufer si Delik habang naglalakad ng palayo mula sa amin at parang nalilito ako, ganyan din si Delik.


Minsan, napapansin ko ang pagtingin niya kay Zufer kaya parang may kakaiba. Ilang linggo na ang nakalipas at JS Prom na namin ngayon. Halo-halong kaba, saya at takot ang nararamdaman ko pero binabawela ko lang.


Baka kulang lang 'to sa tulog. May sinabi si Zufer sa akin na isusundo niya ako dito sa labas ng gate at kanina pa ako naghihintay dito. Tiningnan ko ang orasan at tatlumpu't-lima na ang nakalipas at hindi pa siya dumadating. Hindi ako mapakali at nag-abang nalang ako ng taxi at sumakay na. Pagkarating ko sa paaralan, dumiretso ako kung saan ginanap ang JS Prom.


Saktong pagkapasok ko sa loob at kitang-kita ko ang mga estudyanteng nakikipagsayawan sa gitna. Bagama't isa lang nasa isip ko ang boyfriend ko at si Delik. Malakas ang kutob ko na may hindi magandang mangyayari. Hinahanap ko sila ngunit hindi ko sila makita dahil sa dami ng mga estudyante at nakamaskara pa sila.



Gayunpaman, pumunta ako sa likod na kung saan kami ni Delik nagtatambay habang walang klase. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at halos sumabog na dahil sa sakit na naramdaman ko ngayong gabi.



Isang hindi ko inaasahang mangyayari ang hindi ko dapat makita. Tama nga ang hinala ko na malakas nga ang kutob ko kanina.



Hindi ko namalayang dumilim na ang paningin ko.

"PAK!"


isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sakin kasabay ng pagtulo ng luha ko. Alam mo ba?



Naghahalikan silang dalawa sa harapan ko! Hindi siya umimik at ngumisi lang ito. Isang malakas na sampal muli ang nakuha niya sa kabila ng pisngi niya at ang mas ikinagugulat ko tinulungan siya ng boyfriend ko at kitang-kita ko ang pag-aalala niya kay Delik.



"Ba't mo ginawa to?! Babe, ayos ka lang ba?" usisa niya kay Delik. Ano? Babe?



Napailing ako sa sinabi niya kay Delik. Pareho nga kami ng pagkatao, may gusto din siya kay Z-zufer. Nagbabadya na ang luha sa mata ko.



"Anong pinagsasabi mo? Ako ang boyfriend mo." Aniko.



"Velik! Hindi mo na siya boyfriend. Ako na ang boyfriend niya ngayon at hindi ka na niya mahal!" sigaw niya sakin.



Napatingin ako kay Zufer sabay iling ko.



"Ba't mo to ginawa sakin, huh?" tanong ko sakaniya ngunit hindi niya ako sinagot. Nilingon ko ang isang babaeng nakangisi.




Akala ko mabait siya, pinagkatiwalaan ko pa naman siya.






Hindi ko akalain—agad ko siyang sinampal ng malakas. "MANG-AAGAW!"


One Shots CompendiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon