Lalakeng naka barong tagalog at naka-Itim na pantalon
by Janz RodriguezLast year, we went to Bukidnon for our Medical mission. After ng work namin inimbita kami ng sa bahay ng boss naming babae. While nakaupo kami with my friends sa sala set nila sa sala and watching movies, na curios akong lumingon at tumingin sa taas ng hagdan nila na medyo madilim at may nakita akong lalakeng naka barong at pantalon na itim na nakatinigin sa akin.. napatalon ako sa takot and I kinon-confirm ko sa aking kasama sa trabaho na may third eye at sabi nya na meron talagang multo and exact yung description ko. Then nung ni share ko sa familiy members ng ma'am ko na may nakita ako ang sabi ng step father nya na Tatay nya yun nakita ko at yun ang last suot nya bago siya inilibing.
Kinda nakakatakot yung bahay nila kasi merong punuan ng santol sa loob ng bahay na hindi pinutol at maraming mga manikin na nakakatakot kasi ang mama nya ay Mananahi ng Gown.
Tagu-Taguan Maliwanag Ang BuwanBy Shy Ed
Lahat tayo namatayan, umiyak, nagdalamhati at nalungkot. Pero ang nangyari sakin ng mamatay ang isang kamag-anak ko ang hinding hindi ko makakalimutan. Sa probinsya namin sa Benguet malamig at sariwa ang hangin. Gabi noon, pitong taong gulang palang ako ng una akong makakita ng multo ng isang batang babae.
Nagkatuwaaan naming mga bata na maglaro sa may pine trees malapit sa bahay ng patay kaysa manggulo or tumitig kami sa mga nagku kwentuhan ng mga matatanda. Sa lahat ba naman ng laro-- taguan talaga ! Ayun yung ang mga batang lalaki para lumiwanag ng konti raw gumawa sila ng apoy mula sa tuyong dahon at branches ng kahoy.
1-----2-----3---------10 dapat nakatago na kayo !!!
Swerte ko at hindi ako ang taya. Walang katakot takot kaming naglaro ng oras na yun dahil wala namang mga masasamang tao sa lugar namin. Except nga lang sa nangyari sa akin! Ayun naghanap na kami ng magandang pwesto para hindi mahuli. Mga tatlo kami binalak namin sa taas banda ng kakahuyan ng pine trees magtago. Pero biglang sumulpot ang pang apat na tumatawa at nagtago sa isang likod ng pine trees. Maalala ko pa nakaputi sya na bestida halos kasing edad lang namin. Nung halos natagpuan na lahat pati kami. Nagtaka ako sabi nila ibang laro ulit pero sambit ko, "May hindi pa kaya nahuli yung nakaputing bestida na babae!".
Nakatingin sila lahat sakin dahil sa takot at pagtataka. Hanggang kinompirma nila na wala namang batang babae na kasali noong una pa! OMG! Ayun sigawan lahat at may nagpayo isang matandang lalaki na patayin na namin ang apoy kasi lumalakas raw. Hirap na raw nakaka akit raw ng multo. Syempre pati ako na gulat napatakbo pabalik sa bahay ng patay.
Dahil din sa layo ng bahay namin sa bahay ng patay. Nagpaalam ako sa lolo ko na makikitulog muna ako sa pinsan ko. Ang bahay lang nila ay baba ng bahay ng patay. Tatlo kami noon na batang babae sabi ng pinsan ko star gazing raw muna kami bago pumunta sa bahay nula. Habang titig na titig kami sa buwan at tahimik ang paligid except for sure sa itaas dahil maraming nagku kwentuhan. May napansin akong bungo na unti unit lumulutang sa may ndi kalayuaan namin at sa baba nya ang maitim na tela. Sa takot at kaba ko dahan dahan kong tinanong mga kasama ko kung may nakikita sila sagot naman nila wala raw. Pinikit ko mata ko kasi feeling ko demonyo na yun. Nanalangin ako na sana lumayo na at imahinasyon ko lang ang lahat.
Salamat na lang pagdilat ko wala na! YES !
Napa utos tuloy ako na pumasok na kami sa bahay ng pinsan ko dahil sa takot. Pero hindi pa doon natapos ang lahat. Akala ko kung sino ang nasa tabi ng daan malapit sa bahay ng pinsan ko. Sa medyo malayo parang maitim na batang lalaki sya na naka upo at nakayoko. Ako naman ang nasa hulihan na naglalakad. Kitang kita ko nilagpasan lang ng mga kasama ko yung tao na yun. Medyo iba ang pakiramdam ko that time habang ako naman ang lalagpas sa taong yun. Ayan na malapit na malapit na talaga ako that time ko na realize para lang syang shadow ! Saktong napatapat ako sa kanya tumayo at kitang kita ko na walang mukha ! Napasigaw talaga ako at napakabilis na tumakbo na wala sa oras. Nauna pa ako sa kanila na pumasok sa bahay nila. Sa loob ng bahay doon ko kinuwento sa kanila ang lahat at nagtaasan talaga ang balahibo ng mga kasama ko. Haay isipin mo bata pa kami noon. Nang matutulog na kami talagang nakatalukbong kami habang nanalangin na huwag sanang kumatok o sundan kami nung anino o yung bungo man. Late na kasi umuwi ang mga magulang ng pinsan ko kaya kami lang ang tao sa bahay ng pinsan ko that time.

BINABASA MO ANG
Philippine Scary Ghost Stories
De TodoThis is a compilation of experience, ghost stories, urban legends, engkanto's (fairy), mythical being here at the Philippines. Enjoy reading guys! Remember do not dare to read at night being alone. It may cause you nightmares! We never know whose be...