Chapter 1: Small meets Big

85 12 9
                                    

Ang Love ay parang trahedya, dadating ng di mo inaasahan.

*ASHLEY'S POV*

Limang minuto na lang at alas tres na. Nakakainip naman! Ang tagal mag alas kwatro. Atat na atat na akong umuwi. Nakakaantok kasi yung nagtuturo. Yung parang nasa slowmotion ka palagi. Tapos ang hina hina pa ng boses. Ang hirap talaga pag letter Z ang simula ng apelyido mo. Bat ba kase uso ang Last name alphabetical arranged? Pede namang simulang letter ng First Name. Para Ashley. O diba. Kahit hindi ako mismo ang nasa unahan atleast may chance! Tapos opposite seats pa. Yung boy girl boy girl.

Zanches!

Edi may chance na magkatabi kami ni Crush nun? Omoo.

Ms.Zanches.

Tama! Ang Ms.Zanches makakatabi si Mr.Keton. omygosh!

Ms.Zanches! Are you listening to me?

Pagkatapos pag recess,aalukin nya ko ng pagkain. Teka! Parang ang patay gutom ko naman nun. Edi eto na, aalukin na nya ko. Syempre papakipot ako kunwari.Yung bang hanggang sa sabihin nyang "Halika, subuan kita" Tapos dadating yung boyfriend ko? Juskoo. Tapos magsasapakan sila ng crush ko? Grabe na ituuuuu.

*pakkk!*

"Ay may impakta sa harap ko!"
Sigaw ko sa gulat.

"HAHAHAHAHAHAHA"
Mga classmates ko.

"Shut up!" Nangagalaiting sabi ni Mam.

Nasa harap ko na pala si Mam nakakaantok. Tapos nakapamewang at may hawak na patpat. Jusko. Nasabi ko ba yun?

"Mag usap tayo mamaya pagkatapos ng klase or else ibabagsak kita. Understood?"

What? Ibabagsak nya ko? Pano na future namin ng boyfriend este ng crush ko? No no no way!

"Yes Mam. I understand." Sabay ngiti ko.

Nakakahiyaaaaaa! Nakita ng butihin kong crush. Wala na! Turn off na sya sakin. Di na. Yaan mo na. May boyfriend naman ako eh! Imaginary Boyfriend Sus.

"Ayan. Kung sino sino kase iniisip. Di mo kami gayahin. Kunwaring nakikinig. Kunwaring may natututunan" Si Brenda. Ang bestfriend ko. Siya ang lagi ko katabi since 1styr hs. Parang kapatid ko na nga yan e.

Tumingin ako sa wristwatch ko. Jusmiyo ni nicholas! 3:45 pm na!! Yung kaninang atat umuwi e di na atat ngayon. Ikaw ba nmang sabhan ng After class, maguusap kayo ng teacher or else ibabagsak nya ko? Ganun din ang pakiramdam ng pumasok ka sa horror house. Scary. Awooo! May mumu sa tabi mo. Nagsusuklay sya at may hawak na papel at lapis. Awoo. Ancorny.

"Pwede na kayong umuwi, then Ms.Zanches! Come here and sit"

Eto na ba yun? Dug dug. Kinakabahan akooo. Baka kase pagsquatin nya ko o di kaya takbuhin ang buong school ng tatlong beses o magsulat ng Makikinig na po ako klase.

Lord,pinagsisisihan ko na pong di ako nakinig sa teacher ko kanina.

"Ms.Zanches, Bakit ka tulala kanina. Do you think-"
"Ahm. Sorry po. Di napo mauulit, Pasensya na po. Promise kopo bukas makikinig na po ako, wag nyo lang patatawagin mama ko. Sigurado magagalit po yun tapos di na poko pag aaralin, gusto nyo po ba yun Mam?" Iiyak iyak kopa. Okay na ba acting ko guys?

"Hindi yun ang ibig kong sabhin. Gusto ko sanang-"

"Mam!" Sabay yakap ko sa hita nya. "Yung nasabi ko kanina, nagulat lang po talaga ako" Iyak ko. "Wag nyo po ako ibagsak Mam."

Sana naman umeffective nmn yung acting ko. Ang hirap kaya!

"Tumayo ka na dyan!"
"Yes mam" saka ako tumayo.

Please! Be MINE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon