Para Sayo

451 69 51
                                    


Porcelain String Zaavedra

Isang beses pa lang ako nagmahal kaya ibinigay ko lahat ng kaya kong ibigay. Isang beses pa lang ako nagpapasok ng lalaki sa buhay ko na hindi ko kaanu-ano. Isang beses pa lang ako nagkatiwala ng buong-buo sa isang lalaki. Isang beses lang dinurog ng lalaking iyon ang puso ko. Ngayon, hahayaan ko ba ulit ang isa pang lalaki na gawin ulit sa akin ang mga bagay na iyon?

Zorn Ivanly Wirham

I used to be a self-centered guy, a happy-go-lucky guy and a nobody cares guy but that was before until this beautiful lady came. She teaches me how to socialize, how to be loyal, and she teaches me what love is. Only a jerk wants to leave her if you'll already reach her right? Sad to say, I'm a jerk.

Kaxier Iñigo Marquez

I like her. I love her. I court her. I treasure her. I throw her like a trash. Kung maibabalik ko lang ang oras, I'll treasure her every second pero parang wala e, may nagbago na kasi. Hindi na tulad ng dati na ikaw at ako lang kasi ngayon meron ng ikaw at siya. Sa tingin ko, kung papapiliin ka between 'ikaw at siya' at 'ikaw at ako' hindi ka mag-aalinlangan na sabihin mo ang una kong sinabi.

Glycerin Johnson

Magmula noon, may gusto ako sayo. Simula pagkabata natin, sayo na nakabaling ang atensyon ko. Lakas loob kong sinabi sayo na gusto kita pero anong ginawa mo? Ngayon, nakahanap na ako ng bagong mamahalin ano na namang ginagawa mo? Kung ipagtatabuyan mo lang ako ulit please wag mo na kong pulitin. Tama ng siya lang ang nakikita ko.

Walter Xian Vien

Minsan naiinis na ako sa mukha ko. Gwapo naman ako di ba pero bakit hindi mo pa rin ako napapansin? Nandito ako sa harap mo pero bakit sa malayo ka pa rin nakatingin? Ginawa ko naman lahat pero bakit hindi mo pa rin magawang maniwala sa akin? Ganoon ba kahirap maniwala sa isang loko-lokong tulad ko? Kahit maloko ako, mas gugustuhin kong magseryoso basta maniwala ka lang.

*-*-*-*

Sa buhay natin may mga taong dadating at iiwan tayo kung kailan nakagawa na sila ng malaking parte sa puso natin. May mga tao rin na biglang magbabago at aalis tapos iiwan tayong clueless. Ang unfair lang di ba?

'Tatlong taon na ang nakakalipas ngunit ginugunita ko pa rin ang mga sandaling merong TAYO'

Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon