9

44 19 2
                                    


"Hi Sandara how are you?"

"Hello po, ok lang po ako"

Bumaba si Zorn upang maging ka-level nya si Sandara. Hinawakan nya ang ulo nito at ginulo-gulo ang manipis nitong buhok.

"Good, may kailangan ka pa ba?"

"Wala na po salamat po"

"Sandara!" tawag sa kanya ng batang lalaki na nakatakip ng mask ang kanyang bibig.

Nagpaalam naman sa amin si Sandara at agad pumunta sa lalaki.

"Gaano mo katagal na nakilala si Sandara" tanong ko kay Zorn habang tinitignan lang sa malayo si Sandara

"3 years ago"

Napatango ako. Ang tagal na pala. Tumingin ako sa kanya.

"Gusto mo ba ako?"

Gusto kong tanungin sa kanya iyong mga katagang iyon ngunit wala ni isang lumabas sa aking bibig.

"Ok ka lang?"

"Ha?"

"Ok ka lang? Parang may iniisip ka ah"

"W-wala, punta muna ako kay Tita Aph di ba sabi nya mag-uusap daw kami"

"Yes, tara samahan na kita"

Aalalayan na sana ako ni Zorn upang maglakad kaya lang bigla kong tinabig ng mahina ang kamay nya at lumayo sa kanya.

"A-ako na lang"

Hindi ako tumingin sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi nya ako gusto so bakit nya ako binibigyan ng mga sweet gestures. Natatakot ako dahil baka umasa na naman ako. Baka lokohin na naman ako. Knowing na may history si Zorn ng pagka-playboy, baka past time nya lang ako.

"Are you ok Porcelain?"

"Yes po Tita"

Pumunta kaming dalawa sa garden ng bahay nila. Walang masyadong tao dito dahil lahat ay nasa main garden nila.

"What did you do to my son?" maotoridad nyag tanong

"Po?"

"You seems so simple girl and yet you've changed him"

Hindi ako nakasagot kay Tita. Narelieve yung kaba ko dahil sa sinabi nyang 'you've changed him.

"You know Zorn is a great guy. He doesn't likes girl's tears."

Naalala ko noong first time kaming nagmeet. Ayun yung time nasabi nya sa akin yung tungkol sa mama nya.

"But then, he likes to play with the girls"

Yeah, he is a playboy after all.

"Everytime he went to the bar and enjoy his nightlife"

Playboy? What do I expect? Hinawakan ni Tita yung mga kamay at diretsong nakatingin sa akin.

"Until you came, you change him and I'm so thankful for that"

"Tita, you're always welcome. Sa totoo lang po, wala naman po talaga akong ginagawa kay Zorn e"

"So you thought that you did nothing? I see"

Tumango-tango lang si tita. I change him? Hindi naman bacause himself change him. Wala naman akong ginawa para magbago sya.

"Ngayon pa lang Porcelain I want you to welcome to the family"

Nilahad nya ang mga braso nya at lumapit sa akin upang yakapin. Kahit awkward man ay napayakap na rin ako. Hindi ko sila maintindihan.

Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon