2

147 52 38
                                    


ZORN IVANLY WIRHAM comes from a broken family. He loves to read. He loves hanging out with his friends. He cares for others. HE'S A PLAYBOY.

His name sounds cool. Kaya pala masyado s'yang affected kapag may babaeng umiiyak kasi may history sya. He loves to read? Parehas sila ni Kaxier, my ex. Siguro kaya mahilig syang sumama sa mga friends nya kasi he feels na wala--

"ARAY NAMAN KUYA! MAG-AYOS KA NAMAN NG TINATAKBUHAN MO HINDI NAMAN 'TO PLAYGROUND FYI SCHOOL PO KAYA 'TO"

Tinulungan naman nya ako sa mga papers na hawak ko. Ugh! Kapag nakita nya yung info ni Zorn baka isiping stalker ako nun.

"Are you my stalker?"

Ang kapal nya. Sasagutin ko sana sya kaya lang lahat ng dugo ko umakyat ata sa mukha ko. Ready na ko sa kahihiyan na aabutin ko.

"Hey! Speak up. I don't have all time to wait for you until you explain this," sabi nya habang hawak hawak yung papers na tungkol sa kanya.

Bumalik naman ako sa wisyo ko. Ang gwapo nya. Normal lang ba na tumibok ng mabilis yung puso ko para sa kanya kahit mahal ko pa si Kaxier?

"O-ok I just want to say sorry sa sinabi ko sayo last time. I didn't know na ganun pala. Kung itatanong mo kung bakit ako kumuha ng info sayo kasi malay ko ba kung masamang tao ka so I'm sorry."

Nakayuko ako habang nanghihingi ng sorry. I really feel bad for him. Hindi ko alam kung anong mukha ang maihaharap ko sa kanya kasi brining up ko pa sa kanya yung about sa family nya tapos nasabihan ko pa syang ng kung ano ano kahit concern lang naman sya sakin.

"Hahahahahahahaha"

Tumingin ako sa kanya. Sinamaan ng tingin. Seryoso ako dito tapos tatawa tawa sya. Ang sarap nyang tadyakan.

"Baliw ka?"

Lalo na namang lumakas yung tawa nya. Oo nga baliw nga 'to. Aalis na ko sayang lang oras ko dito.

"WAIT. Stay still."

Lumapit sya sa akin. He lean on me tsaka nagsmirk. This time hindi ko na alam ang gagawin ko. Sabi sa akin ni Walter, kasinungalingan lang daw na magkaroon ng slow motion habang nakatitig ka sa isang particular na tao pero bakit nangyayari iyon sa akin?

"You're cute. I'll pick you up after the class," he pinched my cheeks tsaka umalis.

*-*-*-*

"Ok ka lang Posh?" Tanong sakin ni Walter

"A-ah oo naman," nauutal kong sagot habang hindi makatingin sa kanya

"Ako pa lolokohin mo 'wag Posh. Immune na ko dyan."

Sinuntok ko lang sya ng mahina habang tumatawa. Dumating na yung teacher namin kaya pumunta na sya sa upuan nya.

"Get one whole sheet of paper and describe what is love for you. 5 pages to be pass next Friday. Class dismissed."

Bumuntong hininga ako. Ang common naman ng essay ni maam. Love love love. For sure madali lang 'yon search lang sa google ayos na.

"Una na ko Posh ah," sabi ng habang nakangiti ng nakakaloko. Anong nangyari dun?

"Hey! how's your school?"

Ayan na naman s'ya kaya sinamaan ko na lang sya ng tingin pero wala pa ring effect, ngumiti lang sa akin. Lagi pa talaga syang nakangiti?

"Oh chill ka lang naman tara samahan mo kong kumain."

Siya na yung nag ayos ng mga gamit ko tsaka hinila nya ko paalis. Hindi na ko nakaangal. Dinala nya ako sa isang food chain tsaka umorder.

"I realized wala pa tayong formal na pagpapakilala," sabi nya habang nakakunot ang noo

"So?" nakataas ang kaliwang kilay ko sa pagsagot

Ngumiti lang sya tsaka inilahad ang kamay sa akin.

"Hi I'm Zorn Ivanly Wirham. Single but I think I'm ready to mingle."

"Hahahahaha"

Tumawa ako ng malakas. Para s'yang aso manyak ng sinabi nya yun. Akala ko matatakot ako pero hindi ko alam na ganun ang magiging reaksyon ko. Tumingin ako sa kanya, nakakunot na naman ang noo.

"What's so funny?"

"You"

Nagpout sya bigla. Cute.

"Nangangawit na yung kamay ko ah" iritable nyang sabi

Kukuhain ko ba kamay nya? Kapag kinuha ko kamay nya it means friends na kami kapag hindi araw araw syang mambwibwiset sa akin.

"Ano na!" Sabi nya

"Kapag ba kinuha ko yan titigilan mo ko?"

"What?"

"Kapag kinuha ko yan hindi mo na ko bwibwisitin?"

Tumahimik lang sya na parang ang lalim ng iniisip. Kinuha ko na yung kamay nya.

"Porcelain String Zaavedra" sabi ko ng nakangiti

Inilapit na nya yung mukha nya sa akin tsaka ngumiti. Bakit sa tuwing ginagawa nya yan bumibilis ang tibok ng puso ko? Bakit sa tuwing ginagawa nya yan yung sinasabi nilang kasinungalingan, nangyayari sa akin?

"Porcelain? Cute"

*-*-*-*

Nakita ko si Walter sa bahay. Bukod kasi sa bestfriend ko sya, pinsan ko rin sya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"So harsh naman Posh! Mag-oovernight ako dito"

Hinayaan ko na lang sya tsaka umakyat na ako sa kwarto ko. Sinundan naman ako ni Walter.

"Ok ka lang?"

"Kung ok lang na bumilis yung tibok ng puso ko sa ibang lalaki habang alam ko na nagmamahal pa ko sa isang lalaki then I guess I'm ok" buntong hininga kong sagot

"Alam mo Posh minsan akala mo mahal mo pa sya pero ang hindi mo alam you're just used to it"

Hindi ko pinansin yung sinabi ni Walter. Am I cheating to Kaxier?

"Walter, I felt it."

"Felt what?"

"The slow motion thingy."

Ok lang naman di ba na iconsider na love yung crush? Kinuha ko yung one whole ko.

xxxxxxxxxx

Love can control time.

Sabi ni Einstein "Gravity is not responsible for the peole who's falling in love." He's right! Kasi the moment na nakita mo sya, walang gravity ang hihila sayo pababa o pataas. When you see your man parang sya lang ang makikita mo at wala ka ng paki sa ibang tao. Hindi ka makakagalaw sa pwesto mo, mararamdaman mo yung bilis ng tibok ng puso mo at you're hoping na sana tumigil ang oras. That's what drama tells us. Yung slow motion na sinasabi nila.

xxxxxxxxxx

Zorn's POV

"Pare, sinong tinitignan mo d'yan?" Marco asked. He's my mate in basketball.

"Do you know that girl?"

"Ah si Posh? Oo naman bakit?"

"Is she dating with someone?"

"Sa pagkakaalam ko wala naman"

"Good"

Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon