7

74 35 12
                                    

Walter's POV

Tignan nyo yung dalawang 'yun. Iniwanan na ko dito sa coffee shop, sabagay masyado kasi akong hot kaya hindi na nila kayang makasama ako e. Pagkatapos nilang maglabing-labing nakalimutan nila na nandito ako.

"Can I take a seat?"

Lumingon ako sa babaeng nagsalita. Grabe Walter! Idol na talaga kita! Isang hot babe gustong maki-upo sa harapan ko. Nginitian ko si hot babe, ginagamit ko yung Walter's killer smirk. Napansin ko namang namula si hot babe kaya umupo na sya.

Inilahad ko ang aking kamay sa kanya.

"Walter" sabi ko

Agad naman nyang tinanggap yung kamay ko. She smiles seductively.

"Franzine"

She winked at me. Tss easy-to-get. Kinuha ko naman ang kamay ko atsaka lumabas sa coffee shop. Umupo na lang ako sa bench sa likod ng puno na malapit sa coffee shop. Ayoko ng babaeng easy-to-get pero puro flings ako hahaha syempre sayang naman DAW yung kagwapuhan ko kapag walang nakikinabang.

Nakatanaw lang ako sa coffee shop habang nakikinig ng music. Naalala ko na naman sya, hindi ko alam kung makikita ko ulit sya.

Noon, hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang love at first sight pero mukhang ganun nga yung nangyari sa akin. Sa lahat ng babaeng nakita ko, sya yung unang natandaan ko agad. Yung tipong kapag nakita mo sya, she will leave you speechless.

Simple lang naman sya. Walang special sa kanya pero merong part sa kanya na hindi ko maalis sa isip ko. Naiintindihan nyo ba ako? Naranasan nyo na ba yung sinasabi ko? Isang beses ko pa lang siyang nakita pero gusto ko ng maging bahagi ng buhay nya.

Maya maya nakita ko yung babaeng kausap ko kanina na lumabas. Dali dali naman akong pumasok sa loob ng coffee shop. Minsan talaga nakakatakot maging pogi kasi maraming susunod sunod sayo.

"Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid
To fall"

Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Nakayuko yung babae habang may nakasaksak na earphone sa mga tainga nya. Mahina lang yung pagkanta nya pero sapat na para marinig ko.

"But watching you stand alone
All of my doubt
Suddenly goes away somehow
One step clo---"

Napatigil sya sa pagkanta at napatingin sa akin. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Lumaki ang mga mata. Siya yun.

"Tinitingin-tingin mo?" sabi

WADAPAK. Hindi man lang sya tinablan ng charms ko. Hindi sya umiwas ng tingin at namula ang mukha nung nakatitig ako sa kanya. Walang ngiti-ngiti. Hindi Walter, pakipot lang yan. Lumapit ako sa kanya.

"You're voice sounds good" pagpupuri ko sa kanya

"It's sounds amazing" proud na sabi nya

"Yes. It's sounds amazing" nakangisi kong sabi

Hindi nya ako pinansin at binalik ang tingin sa librong binabasa nya. Natuwa ako nung makita ko kung ano ang binabasa nya.

"Apostle Thirteen? Wow! Nabasa ka na yan e"

"Ang astig nyan di ba?"

"Ang cool ni Virgo 'no?"

Salita ako ng salita dito, ni hindi man lang nya magawang tumingin sa akin. Kinuha nya lang yung cappucino nya atsaka uminom habang nakatingin pa rin sya sa binabasa nya.

"Nakikinig ka ba sa akin?" sabi ko

Hindi siya nagsalita kaya lumapit ako sa kanya at kinalabit sya. Hindi pa rin ako pinapansin kaya kinalabit ko ulit hanggang sa tumingin sya saken.

"Ano bang problema mo?"

Ngumiti ako sa kanya ng malawak at inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Walter Xian Vien at your service"

Tinignan nya lang yung kamay ko na nakaharap at naghihintay na tanggapin nya pero tumingin ulit sya sa binabasa nya.

"Walter Xian Vien at your service" pag-uulit ko pero hindi nya na naman ako pinansin.

Paano nya nagagawang tanggihan ang kagwapuhan ko? Ibang klaseng babae 'to ah.

"Alam mo kapag may taong nagpapakilala sayo dapat hindi mo sya pinapahiya, you know that's rude" pangongonsensya ko sa kanya

Hindi nya na naman ako pinapansin. May mali ba sa akin? Inaamoy ko yung sarili ko, mabango naman ako. Tumingin ako sa cellphone ko, wala naman akong dumi sa mukha at maayos naman yung buhok ko. Ano ba talagang problema sa akin? Bakit hindi nya ko pinapansin?

"Glycerin Johnsons"

Napatigil ako sa pagsscan ko sa sarili dahil nagsalita sya. Isinara nya ang librong binabasa nya at matiim na humarap sa akin.

"Alam mo rin ba na bawal akong kausapin kapag nagbabasa ako?"

Tumayo na sya at kinuha ang mga gamit nya. Lumapit sya sa babae na cashier at kinausap ito. Mukhang magkaibigan silang dalawa. Maya-maya ay nagpaalam na si Glycerin at lumabas ng coffee shop. Sinundan ko naman sya.

"Bakit ka ba sumusunod sa akin?" halatang naiirita na sya sa presensya ko

"Dito rin yung way ko"

Binilisan nya ang paglalakad nya. Nasa likod nya lang ako habang sinusundan ko sya.

Wow! Ang galing naman neto. Parehas pa kami ng subdivision. Tsk. Ang gwapo mo talaga Walter. Dagdag pogi points 'to.

"Wag mong sabihin na sa subdivision na ito ka rin nakatira?"

Iritado nyang tanong pero hindi ako umimik.

"Ano? Bakit hindi ka nakapagsalita dyan?"

"Sabi mo kasi wag ko sabihin e"

Napahilamos sya ng mukha at mukhang nagpipigil na sapakin ako. Tumawa ako.

"Anong nakakatawa?" nakataas na kilay nyang sabi

"Ikaw"

Hindi sya sumagot at huminto sa isang malaking bahay. Binuksan nya ito at pumasok.

"Glycerin!"

Lumingon sya sa akin na nakakunot ang noo. Halatang naiinis na sya sa akin. Nginitian ko sya, yung Walter's breath taking smile.

"Welcome to my life"

Tumakbo ako palayo sa bahay nila Glycerin. Wtf?! Anong nangyayari sayo Walter? Bakit ka tumatakbo? Napahawak ako sa dibdib ko. My hearts beats so hard. Winelcome ko lang naman sya ah. It feels so great.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?"

Nagitla ako dahil hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si mommy.

"P-paano ka napunta dito 'my?"

Tanong ko sa kanya. Binigyan nya lang ako ng kindat tsaka ngumiti.

"May super powers ako 'nak" sabi nya habang natatawa

"Nice joke 'my" sabi ko na rin at napatawa na rin

"Sige na Walter umuwi na tayo at naghihintay na daddy mo sa bahay"

Sumunod ako sa paglalakad nya pero may nakita ako na nakatingin sa harap ng bahay nila Posh. Tumalim ang mga mata ko. Bakit sya nandito?

"Mommy una ka na po may kakausapin lang po ako" tumango na lang si mommy

Agad akong lumapit sa kanya. Nakita kong lumaki ang mga mata nya ngunit agad itong napalitan ng ngiti.

"Long time no see Walter"

"Anong ginagawa mo dito?"

"I'm back"

"Sumunod ka sa akin, let's talk"

Bakit sya bumalik? Ok na lahat e

Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon