A/N : Ayieee, this will be the first chapter. I decided to post it kasi may reads naman na XDD So sana magcomment kayo thank you :)
Gerd's POV
"Sandra. Please I'm begging dont do this to me you know how much I love you. Alam ko ginagawa mo lang to kasi sinabi nila Tito pero ang totoo naman mahal mo pa din ako at ayaw mo talagang magkahiwalay tayo."
Nahihirapan na kong magsalita patuloy lang ang pag agos ng mga luha ko sabihin ng bakla pero wala akong pakialam. Nagmamakaawa lang ako sa taong pinakamamahal ko.
"Nagkakamali ka, walang kinalaman ang parents ko dito sarili kong decision ang makipagbreak sa'yo. Gerd I'm really sorry the truth is never kitang minahal sa loob ng six years nating relationship. Napilitan lang ako kasi pinilit ako ni Dad na makipagcommit sa'yo for the sake of our company. Ang family mo lang ang makakatulong samin para mag improve ang business namin. But it seems like ayaw talaga ng family mo na tulungan kami. So there's no reason for me to stay by your side, we're over just live with it."
"No. I can't let you go. All of my life ikaw lang ang gusto ko sa loob ng six years ikaw ang kasama ko wala na kong hiniling na iba kundi ikaw lang, kaya please wag naman ganito. Kaya kong magmakaawa kila Dad na tulungan ang family niyo kung kailangan ko mag rebelde para lang matulungan nila kayo gagawin ko para sa'yo."
Kaya kong gawin ang lahat para lang sa kanya, siya lang ang mahal ko at mamahalin ko. Hindi ko kayang mawala siya sakin. Tama nga ang sabi nila kahit gaano ka pa kacold at ayaw na ayaw mong makikita ng ibang tao na nasasaktan ka. Pag dating sa love wala ka ng magagawa. Para kong tanga dito na umiiyak at nagmamakaawa habang ang babaeng pinakamamahal ko ay nakatingin lang sakin na para akong isang taong di nag eexist sa mundo. Ang sakit, SOBRA.
"Sorry. I just can't take this anymore Gerd may sarili din naman akong buhay. I want to be with someone I love but I can't because I'm stock with you. So please hayaan muna lang akong maging masaya."
"No. Palagi kong kinoconsider ang happiness mo Sandra you know that. But yung kasiyahan na hinihiling mo ngayon, hinding hindi ko kayang ibigay."
"I'm sorry."
Hindi totoo ang lahat ng sinabi niya I can feel it, kita ko sa mga mata niya na gustong gusto niya na kong yakapin. At alam kong sa pagtalikod niya kasabay noon ang pagbagsak ng mga luhang kanina niya pang pinipigilan. Mahal niya ko, mahal ka niya Gerd.
Gustong gusto ko siyang habulin. Pero parang ang hirap, hindi ko maaccept na hindi niya ko kayang ipaglaban na hinayaan niya na lang na mag decide ang parents niya about samin. Na kahit ngayon lang, hindi niya ko magawang protektahan sa sakit na nararamdaman ko.
Kringggggggggggggggg.. Kringggggggggggggggg.
Walang gana kong pinindot ang answer button ng cellphone ko..
(Gerd. Pare ano nagkausap ba kayo? Did you find her ha, ano kamusta? Hindi pwedeng hindi kayo magkaayos ngayon kasi aalis siya Gerd pupunta silang Russia ngayon ding gabi.)
Hindi ko na alam ang gagawin ko, agad kong inend ang call at tumakbo na papuntang car park. Wala akong pakialam sa dinadaanan ko patuloy lang ang pagpatak ng mga luha ko. I can't imagine myself crying this hard.
Coleen's POV
Yan. Nabobored na naman ako at dahil nga sa pauwi na ako at bored ako may nadaanan akong astig na car at sobrang cool grabe.. HAHAHAHA Spotted ka patay ka ngayon sakin, kinuha ko na yung mga tools ko sa car ko at agad na sinimulang idestroy ang mga tires ng cool na cool na Red Porsche Cayenne Turbo. Bwahahahahaha evil laugh mga dude XDD
Ito na lang kasi yung natitirang car dito sa car park sorry na lang ang owner nito HAHAHAHAHA .. Nagulat ako kasi may bigla na lang isang napakagwapong nilalang ang sumulpot sa kawalan at hingal na hingal sobrang wet ng face niya at parang kakagaling lang niya sa iyak. Pero ng makita niya ang ginagawa ko agad na naningkit ang mga mata niya at hinila ang collar ng damit ko.
"What the hell are you doing to my car? Who the hell are you? Who gave you a permission to touch my precious car???"
SHIBAL !!! Wahhhhh, help grabe ngayon lang ako natakot ng ganito yung boses kasi at yung face parang kakain siya ng tao para siyang WOLF yun ang correct word na ipandescribe sa kanya..
"Ahehehehe.. Sa'yo pala tong car, uhmmm sorry kasi may nag utos lang sakin oo tama napag utusan lang talaga ko wala akong alam na sa'yo pala hehe napag utusan lang talaga ko. Oo, may nag utos nga sakin."
Biglang lalong sumama yung timpla ng face niya, lalo siyang nagalit at bigla na lang tumulo ang mga luha niya. Ganun ba ka big deal yung car niya? Omo mukha naman siyang kasing rich namin so no need to worry about the car. Pero promise nakakaawa siya na nakakatakot.
"Kung sino ka man, sana hindi muna lang ngayon pinagtripan yung kotse ko sana sa ibang araw na lang. Kasi sa ngayon may napakaimportanteng tao ang dapat kong habulin. Alam mo ba yun ha??? Hindi mo kasi alam, ang tanga tanga mong hayop ka!!! Sana hindi ngayon, sana hindi ka umeksena, sana hindi ka dumating, sana hindi mo ngayon to ginawa.. Paano ko pa mapupuntahan ang taong mahal ko ha alam mo ba yun ha????"
Nagulat ako, sobrang galit na galit siya at puno ng galit bawat words na binibitawan niya patuloy pa din ang pagdaloy ng mga luha niya. Hindi ko alam kung matatakot ako o maawa, pero mas lamang sa puso ko yung iblame ang sarili ko.. Kasalan ko kung bakit hindi niya maabutan yung taong sinasabi niyang mahal na mahal niya.
"S-orry. *huk huk huk* S-orry talaga hindi ko naman alam na ganun pala ang nangyari sa'yo, sana pala nga di ako nantrip ngayon. May motor ako gusto mo samahan kita dun sa tong hinahabol mo? Mabilis akong magpatakbo expert ako sa motor racing tara na sundan na natin yung mahal mo."
Tiningnan niya lang ako na blanko at yumuko at sa pag angat ulit ng mukha niya bigla na lang siyang napahagulhol. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak ng ganito, siguro napakahalaga talaga ng taong hinahabol niya. Naawa ako sa kanya at nagagalit ako sa sarili ko dahil kasalanan ko.
"S-a t-ingin mo may maitutulong ang sorry mo ha? Letse kang babae ka lumayas ka sa harapan ko at wag ka na ulit magpapakita sakin. Kasalanan mo to."
Kringgggggggggggggggggg. Kringggggggggggggggggggggg..
Nagulat ako ng biglang nag ring ang phone niya walang gana niya itong kinuha at sinagot ang tawag. Saktong nakaloud speaker ang phone niya kaya narinig ko ang sinabi ng nasa kabilang linya na nagpatigil sa buong mundo ko.
(G-erd. I'm sorry, this will be the last.I k-now mahirap tanggapin pero wala na talaga I'll g-ive up. Please wag ka ng mag make ng move na alam mong hindi ko magugustuhan.. Makakamove on ka din, please hayaan mo naman akong sumaya. W-ag mo kong susundan kung saan man kami pupunta. Please G-erd last na to, let's end this. Thank you for loving me.)
Kasalanan ko kung bakit hindi niya nahabol ang SANDRA na iyon. This is all my fault, dahil sa pagka boring ko nakasira ako ng isang relationship. Oo at ayaw na nga ni girl pero babae ako alam ko ramdam ko sa boses nung tumawag na sobra siyang nasasaktan. Kung siguro nahabol pa siya nitong Gerd na to siguro may chance pa na maging maayos ulit sila, Pero HINDI na nangyari nang dahil sa katangahan ko. Ano bang dapat kong gawin??? T^T
"S-orry talaga hindi ko sinasadya kung sana di ko ginawa to sa tires mo sana siguro nagkaroon pa kayo ng chance na maging okay. Sorry talaga kasalanan ko kung bakit."
"P-wede ba iwan mo na ko. W-ala ka namang naiitulong sa condition ko. OO ikaw talagaang may kasalanan nito kaya maghintay ka lang pag babayarin kita. Sa ngayon, umalis ka na sa harapan ko., Please lang.!!!!!."
Puno ng hinanakit na sigaw niya sa akin. Minabuti ko ng umalis pero ang totoo nagtago lang ako sa may poste sa may car park. At once na umalis ako sa harapan niya bigla na lang siya umiyak ng umiyak. Once in a lifetime lang ako nakakita ng ganito siguro sobrang mahal niya yung Sandra na yun kaya siya nagkakaganyan.
GERD, I'LL DO EVERYTHING TO PAY MY DEBT. I WILL MAKE SURE THAT YOU'RE GOING TO BE HAPPY AGAIN..
