Chapter 1

27.7K 463 0
                                    

Nakangiti ako sa camera habang nagpopose para sa Graduation namin. At last, nakagraduate rin.. ano kayang mahahanap kong raket para kumita naman ako ngayong summer. Mag-apply kaya ako bilang service crew? waitress? E, kung samahan ko ng pagbebenta online ng mga dresses para mas kumita ako?! Napabuga ako ng hangin. Kayanin ko kayang pag-aralin ang sarili ko sa college?

"Sheina!! Ano na? Hindi ka ba sasama sa amin?" tanong ni Astrid sa akin.

"Sandali lang ako sa inyo baka hanapin ako nila ninang, alam mo na marami pa akong gagawin." inunahan ko na si Astrid, makikikain lang naman ako sa kanila.

"Oo, alam na namin yon.. Kasi baka hanapin ka ng magaling mong evil godsister." pinaikot pa niya ang kanyang mga mata.

Mabait ang ninang Barbara ko, pero ang anak niyang si Dianne.. Ayon sobrang kabaliktaran niya kaya minsan napapagalitan ako ni ninang dahil palagi akong ipinapahamak ni Dianne. Idagdag mo pa si tito Mario ang asawa ni ninang Barbara na minsan mabait, madalas namang galit sa akin.

"Astrid, mauna na ako sa pag-uwi baka hanapin na ako sa bahay. Isang oras lang ang paalam ko kay ninang." paalam ko. "Tsaka salamat dito sa mga take-out ko." ngisi ko sabay pakita sa plastic bag na bitbit ko. Mag-uuwi kasi ako ng mechado at lumpia para kina ninang at Dianne.

"Oo naman, ikaw pa.. sige na at umuwi kana.. Text text nalang kung saan tayo mag-aapply sa monday. Anyway, congrats sa atin!" ngiti niya, sabay yakap sa akin.

"Sige, bye na." kumaway pa ako bago pumara ng masasakyan na tricycle.

"Kuya, sa unahan lang po ng Sta. Cruz." wika ko kay manong at nag-abot ng bente.

Sayang sana ang benteng pamasahe pero pagkain naman ang kapalit kaya pwede na rin. Kung normal na araw lang ngayon, siguro naglakad nalang ako pauwi.

Sobrang pagtitipid ang ginagawa ko sa araw-araw, para lang may matira sa baon kong trenta pesos kada araw na ibinibigay ni ninang. Nasa three thousand na yata ang naiipon ko simula pa noong mangarap akong magcollege.

Binibigyan ako ni ninang ng trenta pesos kada may pasok ako, pero ang katumbas naman noon ako ang gumagawa ng lahat sa bahay. Mula sa paghuhugas ng mga plato, paglilinis, paglalaba at pagluluto. Wala naman akong reklamo doon dahil halos limang taon na akong nakikitira kina ninang.

Thirteen palang ako ng mawala ang aking mga magulang, pareho silang namatay sa isang aksidente noon. Papunta sana sila sa Manila para dalawin ang mga pinsan ni mama, pero nagkaroon ng trahedya at namatay sila pareho sa isang road accident.

Napahinga ako nang maluwag, mabuti nalang at mas nauna akong nakauwi kay Dianne, kung hindi magagalit na naman iyon. Nagpapahinga si ninang ng dumating ako kaya hindi ko na siya inistorbo pa, naglinis nalang agad ako. Ganito tumakbo ang buhay ko sa loob ng halos limang taon sa poder nila ninang, pagkagaling sa school diretso uwi sa bahay para makagawa ng mga gawaing bahay. At kapag natapos ko na ang lahat saka palang ako makakapag pahinga.

Hindi si ninang nakapunta sa Graduation ko dahil ayaw ni Dianne, nagkatampuhan pa silang mag-ina dahil doon noong nakaraang araw kaya naman hindi ko nalang pinilit pa si ninang. Ang nangyari, mag-isa lamang akong umattend ng aking Graduation. Isa ito sa pinaka masaya at malungkot na araw ng buhay ko. Masaya dahil sa wakas ay nakatapos na ako ng high school, pero malungkot rin dahil wala naman sila mama at papa para masaksihan ang araw ng Graduation ko.

Nakahiga na ako nang maalala ko sina mama at papa. Noon every sunday palagi kaming kumakain sa labas pagkatapos magsimba, nakagawian na namin iyong gawing magpamilya. Hindi naman kami mayaman, plain house wife lang si mama at isang accountant si papa sa isang bangko sa bayan. Ang alam ko may nakuhang insurance noong namatay si papa, kaya nga kinupkop ako ni ninang. Sila ang tumulong sa aking makuha ang pera para magamit sa pagpapalibing sa mga magulang ko at kaya rin pinag-aral at pinatira niya ako sa kanilang bahay.

The Hired Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon