Masaya kong itinabi ang aking unang sahod sa ilalim ng aking kutyon kasama ng ipon ko, nasa limang libo na ito ngayon. Dito ko itinatabi ang aking pera na iniipon, madalas kasi itong mawala noon kapag sa cabinet ko inilalagay. Nag-abot ako ng isang libo kay ninang at limang daan kay tito Mario. Ipinangako ko kasing magbibigay ako sa kanila sa unang sahod ko palang, binigyan ko rin ng dalawang daan si Dianne at inirapan pa ako imbes na magthank you. Ang natira naman sa sahod ko ay itinira ko para sa aking pamasahe at pagkain na rin, namili rin ako ng konti para dito sa bahay.
"Sheina, pakilinis mo naman ang ating sala at may darating na bisita si Dianne, umalis siya para sunduin ang mga kaibigan niya." tawag ni ninang sa akin mula sa labas.
Mabilis akong lumabas ng aking kwarto para makapaglinis na, may pasok pa ako ngayon pero may oras pa naman para makapaglinis pa ako.
"Sige po ninang, ako na pong bahala."
Agad akong nagsimula sa paglilinis para matapos ko kaagad, dahil ayoko namang malate pagkatapos kong sumahod kahapon.
"Ninang, alis na po ako." nagmamadali na akong lumabas at pumara ng tricycle.
Nagpalit kaagad ako ng uniform pagkarating ko palang, dahil kapag nagbagal ako ay malamang kapusin na ako sa oras.
"Thank you, Sir! Enjoy your meal!" ngiti ko sa customer pagkatapos ibigay ang order niya.
"Good afternoon Ma'am, may I take your order?" ngiti at bati ko sa sunod na customer, nangunot ang noo ko nang mamukhaan ang may edad ng babae.
"Two pieces of chicken and pineapple juice." ngumiti siya sa akin.
"Okay lang po ba na maghintay kayo ng eight minutes?" tanong kong nakangiti sa kanya.
"It's alright hija, I am not in a hurry." tipid siyang ngumiti sa akin. Kinuha ang tray na may order niyang juice.
Mabilis natapos ang araw ko, kahit pagod nakangiti pa rin akong bumati kina ninang at tito Mario. Si Dianne naman ay wala pa, napatingin ako sa aking relo halos alas siete na ng gabi at wala pa si Dianne.
Diretso kwarto ako para makapagbihis at ng makapagluto na rin ng makakain namin. Chopsuey ang niluto ko at porkchop dahil iyon daw ang gustong ulam ni tito Mario. Nang matapos akong magluto, tinawag ko na sila para makakain na kami. Pagkatapos naming kumain, nagsimula na akong magligpit. Habang naghuhugas ng plato, narinig ko nang dumating na si Dianne dahil dinig ko pa ang tuwang tuwa na si ninang sa kung anong pasalubong sa kanya ni Dianne, pati na rin ang masayang pasasalamat ni tito Mario.
Pagkatapos kong maghugas, sumilip ako sa sala para makita si Dianne na masayang nagkukwento sa mama niya ng pinuntahan nila ng mga kaibigan niya pagkagaling nila dito kanina.
Pumihit na ako pabalik sa aking kwarto, hindi na ako aasa na may pasalubong rin sa akin si Dianne dahil napaka imposible non. Mas posible pa na manalo ako sa lotto kaysa magkaroon siya ng pasalubong sa akin.
Nahiga na ako sa aking higaan, naalala ko na naman ang pagpasok ko sa college.. bigla akong napabangon at naisipang i-check ang aking ipon sa ilalim ng kutyon. Kinapa ko ito at nangunot ang noo ko nang wala akong wallet na makapa, mas itinaas ko pa ang foam para mas makita ko ito ng mabuti. Lumakas ang lagabog ng dibdib ko ng wala na akong wallet na makita. Nawala ang antok ko at mabilis na inialis ang lahat ng nakalagay aking higaan, pero wala akong makitang itim na wallet. Sumilip ako sa ilalim ng higaan ngunit wala rin, nanginginig ang mga kamay kong naghanap sa aking cabinet. Inilabas ko na ang lahat ng laman noon ngunit wala akong matagpuan.
Huli ko ng pag-asa ang aking bag, itinaktak ko ito sa kama ko ngunit wala talaga akong makitang itim na wallet. Naiiyak akong lumabas ng kwarto at naabutan ko pa silang tatlo sa kusina at masayang nag-uusap habang si Dianne naman ay kumakain.
BINABASA MO ANG
The Hired Daughter (Completed)
RomanceHow far can you go for your dreams? Kaya mo bang gawin ang lahat? Matupad mo lang ang iyong mga pangarap. Ako, i am willing to do anything and everything.. just to make my dreams possible. Even though achieving my dream means letting him go.