Ilang oras na akong paikot ikot sa kama hindi pa rin ako makatulog, kaya napabangon na ako. Kailangan ko ng hangin kahit hindi fresh air, pwede na rin siguro ang hangin sa labas. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naglakad diretso aa dulo ng pasilyo, nakita ko kanina na may balcony sa dulo nito.
Dala ang hindi kagandahan kong cellphone nagpatuloy ako sa paglakad. Huminto ako nang matanaw ang balcony, sabi ko na nga ba mas makakalanghap ako dito ng sariwang hangin. Tanaw mula dito ang magandang fountain nila, kung ganon nasa harap pala ang mga kwarto dito sa kaliwa.
Napatingin ako sa aking cellphone, bago na ang aking number at si mommy palang ang nakakaalam ng number nito, kahit si Astrid hindi ko pa rin naitetext. Ayaw kasi ni mommy na magkaroon ako ng contact sa mga kakilala ko sa Nueva Ecija.
Napatingin muli ako sa labas, maganda talaga dito kina mommy. Talagang mayaman ang mga Dela Francia at napakabait pa ng mag-asawa, sana nga tama ang pagtanggap ko sa proposition niya.
Ang napagkasunduan namin ni mommy, pag-aaralin niya ako at ang kapalit.. magpapanggap ako bilang kanyang anak. May matatanggap rin akong pera buwan buwan dahil ipinag-open niya ako ng savings, ang sabi ko nga ay huwag na dahil sapat na sa akin ang pagpapaaral at pagpapatira niya sa kanyang bahay. Ngunit mapilit siya, para ko daw iyong personal savings. Kahit pa nga napag-usapan na nila kaninang mag-asawa na pwede ko na daw gamitin ang trust fund ni Venus.
Isang beses pa akong lumanghap ng malamig na hangin galing sa labas, bago ko napagdesisyunang bumalik sa aking kwarto. Halos mapasigaw ako sa gulat nang malingunan ko ang isang bulto na nakatayo malapit sa akin. Bahagya itong nakasandal sa gilid ng balcony, madadaanan ko siya kapag umalis ako dito. Kahit medyo madilim sa parteng iyon, pinilit kong maaninag siya.
"Can't sleep?" malalim na boses ang narinig ko at nakumpirma kong si Cast iyon.
"Hmm, medyo namamahay lang.." mahina kong sagot.
"I see.." pumamulsa siya. "You know what.. I wonder how you did manipulate mom and dad. But you can't fool me.." mahina ngunit matigas ang kanyang tinig.
"Wa-wala akong alam sa sinasabi mo!" kinakabahang sagot ko. Patay paano niya nalaman?!
"Deny all you want.. but I'm pretty sure you're not my sister." kaswal niyang sagot sa akin at iniwan akong tulala at hindi alam ang gagawin.
Naisipan kong tawagan si mommy pero baka naman tulog na siya sa mga oras na ito. Parang lumulutang akong naglakad pabalik ng kwarto ni Venus.
Halos madaling araw na bago ako dinalaw ng antok, kaya kinabukasan antok akong gumising.. Nag-alarm ako para magising ng maaga, ayoko naman magbuhay prinsesa dito. Naligo ako bago nagbihis.. at ang biniling dress ni mommy ang isinuot ko, isang emerald green dress ang isinuot ko para sa araw na iyon. Nang muli kong tiningnan ang oras malapit ng mag-alas otso, medyo natagalan yata ako sa pagpili ng dapat isuot.
Sina mommy at daddy ang naabutan ko sa dining at mukhang hinihintay nila ang pagbaba ko.
"Good morning, hija.." si mommy ang unang bumati sa akin.
"Good morning din po mommy." humalik ako sa kanya. "Good morning po da-daddy." humalik rin ako kay daddy.
"Maupo kana hija at ng makakain na tayo, hindi sasabay ang kuya Cast mo dahil natutulog pa iyon. Mauna na tayo." wika ni daddy at ibinaba na ang newspaper na binabasa niya.
Nagsisimula na kaming kumain nang marinig ko ang baritonong boses ni Cast. "Good morning, everyone." kaswal niyang bati at naupo na sa pwesto niya.
"Mabuti naman at naisipan mong gumising ng maaga Cast, unang beses muli nating magkasabay na apat sa breakfast.. after so many years. Thank you, hijo." naiiyak na sabi ni mommy.
BINABASA MO ANG
The Hired Daughter (Completed)
RomanceHow far can you go for your dreams? Kaya mo bang gawin ang lahat? Matupad mo lang ang iyong mga pangarap. Ako, i am willing to do anything and everything.. just to make my dreams possible. Even though achieving my dream means letting him go.