Chapter 3

13 1 0
                                    

Crush din kaya ako ng crush ko?

-chapter 3-

Nakauwi nako kanina pa at nakahiga na ako ngayon sa kama ko. Nakatingin lang ako sa taas at nag iisip isip. Tama ba ang gagawin ko? Nakakahiya naman kasi pag ginawa ko kung ano man yung nasa isip ko.

Tinawagan ko sya at dalwang ring palang ay sinagot na nya. Natuwa naman ako.

"bakit?"

"a-ah w-wala naman. Anong ginagawa mo?" haaay -_-

"nagdodota ako. May sasabihin kapa ba?"

"wa---" toot toot toot

Argh! Nakakainis! Tama ba namang patayan ako? Para sa dota?

Ang hirap magkagusto sa adik sa dota. -_-

Pero kahit ganun sya parin ang gusto ko. Sya lang, si Niccolo lang.

Naalala ko lang yung pinag-usapan namin kanina nung ex boyfriend ko.

*Flashback*

Ayoko sanang sumabay sa kanya pag-uwi kaya lang wala din naman akong kasabay, eh 6 na at nakakatakot umuwing mag-isa kaya pumayag na ako.

"kain muna tayo?" tanong nya. "wag ka nang tumanggi dahil minsan lang to."

Makakatanggi pa ba ako? Saktong gutom narin ako. Tumawa na lang ako. Bakit kahit dalwang taon na ang lumipas, iba pa rin ang saya ko kapag kasama ko sya?

Sa malapit na resto na lang kami kumain.

"yung tanong ko kanina, may boyfriend ka ngayon?" seryoso sya kaya sinagot ko sya ng seryoso

"wala, alam mo naman ang dahilan kung bakit diba?"

Nalungkot naman ako sa sagot ko. Haha. Bakit ba kasi kailangan ganun pa ang tanong nya. Nakakawala ng energy haha.

"ikaw? Kamusta kayo nung girlfriend mo?"

Oo tama kayo, may girlfriend na sya at ang alam ko magkasama sila sa bahay kaya kampante akong hindi nya kami makikita at kung makikita man nya kami ay sigurado akong wala kaming ginagawang masama.

"okey lang, masaya kami."

Bakit may naramdaman akong kirot? Diba dapat wala nakong mararamdaman na sakit. For pete's sake! It's been two f*ckng years. Bakit ba ako nagagalit? Bakit ba ako nagkakaganto?

"good to hear." yun nalang nasabi ko. "tera na? 7 na at 8 na tayo makakauwi, gagabihin tayo ng sobra."

Tumayo na kami at sabay naglakad papuntang sakayan ng jeep.

"ayun! Sakay na tayo dali."

Pumara na kami at sumakay.
May nakatabi syang babae sa right side nya at ako naman sa left side nya. Wala na akong katabi sa left dahil andun nako sa dulo. Pag sya ang kasama ko pagsakay sa jeep lagi nya ako dun pinapaupo. Ewan ko kung bakit, basta ang alam ko safe ako pag sya ang kasama ko.

Napatawa nalang kami parehas ng makita namin yung babaeng katabi nya na busyng busy using her phone, yun pala naglalaro lang ng snake. Nakakatawa lang haha.

Namiss ko yung ganto. "Anong nangyari?" nabigla ako sa tanong nya.

"ha? Anong ibig mong sabihin? Kanino?" tanong ko.

"satin." napatingin ako sa kanya at iniisip kung anong gagawin ko, o kung anong sasabihin ko. Dapat pabang balikan to?

Napahinga ako ng malalim. Umiwas ako ng tingin at di pinansin ang tanong nya. Natahimik kami parehas.

una nakong pumara sa jeep dahil unang dumaan samin. Nagpaalam nako sa kanya sa isang simpleng ngiti. At tuluyan ng bumaba.

*end of flashback*

Tinext ko si niccolo.

"Bakit ka ba ganyan? Di ka naman ganyan sakin before ah? Ano bang problema?" -sent

Bumalik ang isip ko sa ex ko. Sya si Arjhon Austria, ang oh so hot, handsome at oh so kind kong ex boyfriend.

3rd year high school nya ako niligawan, and after 1 year sinagot ko na sya. Naging kami for 8 months. Masaya kami. Sobrang saya, yung parang perfect na ang lahat pag magkasama kami.

Until one day, we broke up. Kakasimula pa lang namin sa college. Mag kaiba kami ng school kaya hindi kami nagkasundo.

Ang alam nya nakipagbreak ako dahil magkaiba kami ng school at ayoko na munang magboyfriend habang nasa college pa, pero syempre hindi yun. Ang unreasonable naman diba? The real reason is that, someone told me he saw arjhon sleeping with another girl beside him.

And it really hurts me. Maybe it's my fault for not letting him explain. Pero napagtanto kong wag na lang at mag give up nalang.

Ayokong marinig ang mga kasinungalingan nya.

That night tinext ko sya. Sabi ko. "sorry, break na tayo. I need to study hard for my better future. At ayokong ikaw maging dahilan para masira ang mga pangarap ko. Sorry. Sana maintindihan mo."

Ang dami nyang messages after that, mapa fb o sa text. Natawag din sya pero in-off ko na ang phone ko at nagdecide na palitan na ang number ko.

After that di ko na sya nakita, may mga nababalitaan ako sa kanya pero kinalimutan ko na talaga sya.

Hanggang nalaman ko na nag-transfer sya nung first sem dito sa school na pinapasukan ko.

Siguro nga dapat na namin tong pag-usapan para may closure na din. At para narin parehas kaming maging masaya.

Dahil aaminin ko, hanggang ngayon nakakulong parin ako sa nakaraan na alam kong hindi na kaylanman pwde pang balikan.

Tama kakausapin ko sya bukas para matapos na to.

Pumikit nako at matutulog na sana ng mag beep yung phone ko. Alam kong si niccolo yun.

"sa tingin ko walang problema sakin. Baka sayo meron."

Tingnan mo nga naman tong lalaking to, kung di ko lang to...

"Haaay nako. I-dota mo na lang yan. Goodnight. Tutulog nako nicco. Wag masyadong magpuyat ah? See you in my dreams." -sent

Pumikit nako at tuluyan ng natulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush din kaya ako ng crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon