Finally We Met

2 2 0
                                    

Second Chance by DJP

" Mas gusto kong malaman mo na ang hirap sobrang hirap… na kalimutan ka."
-

Clared Daryl Aleje


Masasabi ko na mas masarap magmahal sa pangalawang pagkakataon. Yung pakiramdam na mas kilala mo na siya at mas ramdam niyo na ang pagmamahalan ng isa't isa.

At sa maikling panahon na nakasama niya ito ay mas nalaman niya ang tunay na kahulugan ng salitang "Mahal Kita" at mas nalaman nito na mas mahalaga ang matagal na pagsasama kesa sa saglit na kaligayahan ng pagtataksil sa taong walang pagod na sabihan ka na mahal ka niya.

Kaya paano niya pa ba maibabalik ang dating pagmamahalan na meron sila kung siya mismo ang sumira noon.

Paano pa nga ba maibabalik ng isang lalaking masyado kung magmahal, pati mahal ng iba minamahal din niya.

Si Clared Daryl Aleje ang lalaking ubod daw ng gwapo pero totoo naman. Pero saksakan naman ng babaero, pero nakahanap ng katapat na nagngangalang Scarlet Tiffany Samaniego na nagpabago dito.

Pero sinaktan din nito ang puso ng babaeng nagmahal sa kanya ng totoo.

At ngayon lang niya napagtanto na wala na siyang iba pang kailangan kung hindi ang babaeng nagbigay kahulugan sa walang kwentang buhay na meron siya.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon