Lumaki sa parehong mundo at estado sa buhay.
Isang babaeng responsable, matalino, masipag, mabait, mapagbigay, maunawain, mapagpasensya at kung magmahal sobra sobra. Kaya nang masaktan natutong maging matapang.
Isang binata na mabait sa pamilya, pala-kaibigan, matalino, responsable at kung magmahal sobra sobra. Kaya pati mahal ng iba mahal din niya.
Kapag kaya pinagtagpo sila ng pagkakataon, magkakaintindihan kaya ang puso nila? O magkakagulo dahil magka-iba ang ibig sabihin ng pagmamahal sa kanila?
…
Naglalakad siya ng biglang mapahinto sa nakitang kagimbal-gimbal na eksena sa daan na nilalakaran niya. "Hala siya! Kailangan talaga dito maghalikan sa labas! Nakakadiri ha." Nasira na tuloy ang araw niya.
Habang nagpapatuloy sa paglalakad may napansin na naman siya. May nase-sense ang ilong niya na kanina pa niya hinahanap.
"Yun, sabi ko na nga ba may nagtitinda ng inihaw dito. Hahahaha ayos to makakakain na naman ako." Yan talaga ang balak niya, maghanap ng makakain.
Nang papalapit na nga siya sa nagtitinda bigla na lang itong may naramdamang kakaiba sa dibdib niya. "Napagod ba ako sa paglalakad? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba nakakainis naman." Hindi na lang niya pinansin yun dahil mas focus siya sa bibilhing pagkain.
Naaamoy na nga niya ang pinaka-aasam na inihaw. Nakalapit na siya sa nagtitinda. At sinunggaban lahat ng tinda JOKE.
"Ate, magkano po sa barbeque?" Pero hindi lang yan ang gusto niyang itanong. Marami pang iba.
"Kinse pesos GANDA!" Sinungaling yung tindera hindi sa presyo kundi dun sa pagsasabi ng maganda. Biro lang ulet. Maganda talaga si Scarlet.
"E dito naman po sa hotdog."
"Sampung piso naman dyan."
"Sige po lima pong barbeque at lima din pong hotdog. Atsaka po pala isaw sampung piraso po." Sabi ko sa inyo ee, nahiya na lang magtanong yan pasimple pa.
Pero hindi sa pagkain naka focus ngayon ang tingin niya. May napansin na naman kasi siya.
Biglang nataranta yung tindera kaya bumalik na ulet siya sa katinuan. "Pasensya na Hija, naubusan na pala ako ng uling. Saglit lang ha ayos lang ba sa iyo na maghintay muna?" Mabait na sabi ng tindera sa kanya.
Ayos lang naman na maghintay siya, kaya yun maghihintay na lang siya. "Oo naman po, ayos lang po sakin."
May tinawag yung tindera para magbantay nung tinda nito. "Anak saglit ka nga muna dito, bibili lang ako sa tindahan." Pumayag naman ang anak nito at papalapit na nga para bantayan muna ang tinda ng kanyang ina.
Nagulat na naman si Scarlet sa biglang pagbilis ng tibok ng puso niya. "Siguro gutom lang ito, Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko." Bigla namang dating ng dalawang lalaki sa harap niya.
Nagulat siya ng bigla ngumiti sa kanya ang isa sa mga ito na biglang kina-bilis ng tibok ng puso niya.
Ang lalaking iyon, parang may koneksyon sa kanya. Parang may kuryente. Parang na-shock siya sa ngiti nito.
Gumanti na lang din siya ng ngiti dito. Pero pakiramdam talaga niya, nagma-malfunction ang utak niya.
…
BINABASA MO ANG
Second Chance
RomanceDo you ever wish you had a SECOND CHANCE to meet someone again for the first time? Is Love enough for you to reunite and pick up the broken pieces. A love story of both broken hearted person. That started a good friendship and turn into a good lover...