-ROYAL_wiggles
___________________________________
TENNEE'S P.O.V.
"Guys! Creatures! Di pa ba tayo aalis?"
Napatingin sila sakin nang mag-aya ako. Nakakainip kasi eh! Biruin niyo, 30 mins. wala pa din si Mam! Wala na! Di na pupunta yun! Tsk!
"Oo nga! Tara!" Napatayo na si Suala na nag-aupdate pala ng story namin sa watty.
Paalis na kami nang maramdaman naming hindi pala nakasunod si Gab samin. Nang tingnan namin, andun siya at nakaupo pa din sa bench sa shed na pinanggalingan namin.
"Anyare sa'yo?" -Tatay (Ronald)
Lumapit kasi kami sa kanya, malamang. Nakita naming namimilipit siya sa sakit habang hawak yung tiyan niya. Teka! Parang...
"Uy! Natatae ka noh?!" Sigaw ko habang natatawa.
HAHAHAHA naaalala ko kasi noon, tuwing may lakad kami ng dating barkada namin ni Gab, natatae siya! Lalo na pag kakakain lang namin! Ganyan! Ganyang-ganyan yung itsura niya! Naiiyak na parang natatae na---ay hindi pala PARANG...NATATAE talaga! Hahaha
"H-hindi! Masakit lang yung tiyan ko!" Aniya. Weh?! Di ako naniniwala!
"Hala! Ang lamig ng braso mo, Kapatid!" Sabi ni Mags nang hawakan si Gab. Nang tignan ko ang bibig niya, namumutla siya. Nanindig din mga balahibo niya. Hala!
"Men! Pahiramin mo ng jacket yan!"-Suala
Wahaha parang "bigyan ng jacket yan!" lang! Hahaha
Nung una, umayaw pa si Tatay sa sinabi ni Suala pero sa huli ay wala siyang nagawa kundi ipahiram yung makapal na jacket niya. Partida nagdadabog pa yan! Haha
So sinuot na ni Gab yung jacket at nagsimula na kaming maglakad. Kaso mukhang masamang masama talaga yung pakiramdam niya.
"Uy! Uwi ka na lang kaya?" Suggest ni tatay na medyo galit pa.
"Oo nga, Gab." Baka matae ka pa! Hahaha joke!
"Baka naman natatae ka talaga? Di naman?" Tanong ni Suala. Yan din tanong ko Sual! Haha
"Ang totoo niyan..." nag-aalinlangan siyang tapusin ang sasabihin niya.
"Natatae nga ata ako."
Yun! Napahampas pa ako sa grills! Edi inamin din! Nahiya pa!
"HAHAHAHA" tawa naming lahat.
"Ganyan talaga yang si Gab!" Sabi ko na agad naman nagpahiya kay Gab. Hinimas lang ni Mags yung likod ng kapatid "kuno" niya.
"Yan! Biking pa more! Zip line! Kain! Hahaha" dagdag din naman ni Mags. Ang ibig niyang sabihin ay yung sa status ni Gab nung pumunta silang Campuestuhan at enjoy na enjoy daw siya. Pero ngayon...ayan...NATATAE. bwahahaha
"Tara! Uwi ka na lang talaga! Sabihin dun sa guard na uuwi ka kasi natata---este masama pakiramdam mo." Natawa kami sa sinabi ni Rhane at sumang-ayon din naman.
"Guard, pwde po bang umuwi 'tong kaibigan namin? Masama mo kasi pakiramdam niya eh." Si Mags ang unang nagsalita. Agad naman naming dinagdagan iyon.
"Hindi pwde. Kailangan niyo ng slip na may pirma ng adviser niyo." Sabi ng guard.
Napairap kami habang palayo sa guard na TOMBOY! I'm sure, pag maganda at flirt na mga lower sections ang makikiusap papayagan niya agad! Maganda KAMI...pero di kami FLIRT kaya di kami umubra! At ok lang yun! Atleast...MAGANDA!
BINABASA MO ANG
AT THE MOMENT (ft. B CREATURES)
Dla nastolatkówWe're friends...we're in the same class...we're in TEN-ONE...we're ten...we're one...we're B CREATURES...and we're... AT THE MOMENT.