Chapter 1 The Transferee

5 0 0
                                    


[ A I - The Transferee ]

Hoyy bumalik ka dito !!!

Nandito ko sa school ko, at hinahabol ako ng mga guards. Binuhusan ko kasi sila ng mga basura.

Mamaya niyo na itanong ang pangalan ko basta isa akong sexy, matalino at magandang babae. Ang magreklamo patay kayo sa akin .

Nandito kami sa likod ng school, ang sweet nga eh pati guard hinahabol ako, ang ganda ko noh ? Hahaha

Hoyy bumalik ka dito !! Patay ka sa amin kapag nahuli ka namin ! Guard 1

Kung mahuhuli niyo ko ! Bhelat ! Pagkatapos kung sabihin yun, balik kami sa habulan .

Takbo

Takbo

Takbo

Takbo

Tak--

Aww wala na nahuli na ko .

Pasaway ka talaga bata ka ! Pinagod mo kami ! Hingal na hingal pa sila habang sinasabi yan .

Ang babagal niyo nga eh . Nakakatamad kayong kalaro . Pout. Totoo naman eh ang babagal nila tumakbo, hindi sila masayang kalaro .

Ang dami mo pang sinasabi ! Sumama ka na lang sa amin .

Kanina niyo pa nga ko kinakaldkad eh .

---Principal Office---

Nagtataka siguro kayo kung bakit principal office agad ang punta ko ?? Syempre takot na sa akin yung mga taga guidance councilor, linggo linggo ba naman nandun ako parang yun na nga ang classroom ko.

HINDI KO NAGUSTUHAN ANG RECORD MO SA SCHOOL NA TOH ! LAGI KA NA LANG DINADALA SA GUIDANCE DAHIL SA MGA KATARANTADUHAN MO ! NAKIKINIG KA BA ??!!

hindi talaga ko nakikinig, nakakabingi kasi yung boses niya. Ang liit liit niya tapos ang laki ng boses.

Hindi, just tell me if your done reciting your nonsense long speech Ms Princepal . Rolled eyes . Magalang pa ko sa lagay na yan ah, buti nga napipigilan ko pa na wag mag wala dito sa loob ng principals office .

Hindi ko talaga alam kung paano ka tuturuan ng mabuting asal. Bring your parents tom--

Nasa ibang bansa ang mga magulang ko, masyado ka naman atang special para pag aksayahan ka pa nila ng oras at panahon. Oo tama nasa ibang bansa ang mga magulang ko pati mga kapatid ko, ako lang ang naiwan dito sa Pilipinas .

Hindi mo ba alam na pwede kitang ikick out kahit anung oras ko gustuhin, pero dahil mabait pa ako, suspen--

Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya, tumayo na ko at naglakad palabas ng Principal office pero syempre sa ang mga kontrabida hindi agad umaalis ng walang iniiwang salita .

Dapat ba magpasalamat pa ko sayo ?? Pero sorry ka na lang, ayokong magkaroon ng UTANG NA LOOB sa katulad mong GURANG, HINDI MO NA KO KAILANGAN BIGYAN NG SUSPENSION AKO NA MISMO ANG AALIS SA PAARALANG ITO .

Pagkatapos ko sabihin yun tuluyan na kung umalis. Habang nakangiti kung bakit ?? Dahil dito . . .

Aaaaa!!!! Nakakainis kang bata ka ! Gurang ! Hindi pa ko gurang !!!! Ayon halos mag wala si Ma'am sa sobrang inis hahaha gurang naman na talaga siya ehh .

***************************************

Pagdating ko sa bahay. . .

Buti naman at naisipan mo pang umuwi. Tumawag ang principal ng school mo at sinabing gumawa ka na naman ng katarantaduhan !!! Siya ang Tita ko, bale sa bahay niya ako umuuwi. Kung sa tingin niyo masama na ko ?? Kamusta naman siya ?? Mas masama ang ugali niya sa akin. Feeling ko nga kakambal niya si Lucy, yung anghel na ibinagsak sa langit .

Accidentaly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon