Chapter 1.2

272 8 0
                                    


"Mukhang napalaban ka na naman, ah?" Nakangising biro sa kaniya ni Jakob saka pinisil ang mga baby fats niya.

Tinampal niya ito ng mahina sa braso. "Tse! Ang aga-aga mong mang-asar." Kunwa'y nagtatampo niya itong tinalikuran.

Sumunod na siya sa mga magulang niya papuntang garahe. Doon niya nakasalubong ang kaniyang Ninang Monica at ina ni Jakob; kasunod nito si Thore na bunsong kapatid naman ng binatilyo. Elementary pa lamang sila noong namatay ang Daddy ni Jakob. Ang pagkakaalam ni Kathleen ay namatay ito sa isang uri ng sakit sa baga na namamana. Nakuha daw iyon ng Daddy ni Jakob sa amang Norweigian.

     
Bago tuluyang sumakay ng sasakyan ay hinarang siya ng bestfriend niya. Sinapo nito ang nakasimangot niyang mukha at tinitigan siya. As he stared at her, his friendly eyes suddenly changed into sadness. "Joke lang 'yon. Para namang hindi mo alam na cute na cute ako sa'yo. Sorry na, please?"

     

Her heart was began to skip a beat. Ganito ang epekto sa kaniya ng pagkakalapit nilang dalawa ni Jakob. At hindi niya alam kung bakit. "S-sige na nga. Pasalamat ka at linggo ngayon, bawal magalit."

      

He opened his arms. "Then hug me..."

     

"Mamaya na lang sa church. Kapag nagbigay ng kapayapaan." Biro ni Kathleen saka ito binunggo ng kaniyang tiyan kaya napaatras ito ng kaunti.

      

Napakamot ito sa ulo. "Grabe! Ang powerful talaga ng tiyan mo, cute."
"Talagang cute ako. Bakit? May ganito ba silang tiyan?" Pagbubuhat niya ng sarili bago gumiling-giling.

    

Malakas ang loob niyang magloka-lokahan kung si Jakob ang kaharap niya. Nakakalimutan niya ang insecurities sa katawan kapag ito ang kasama niya. Lalo pa't alam niyang si Jakob lamang-bukod sa pamilya niya-ang nakakakita ng tunay niyang kagandahan. Kunwari lang siyang nagtatampo kapag inaasar ni Jakob dahil ang totoo ay sanay na siya sa pagiging alaskador nito. Alam din naman kasi niya na paraan lang iyon ng kaibigan niya para lambingin siya. Dahil katunayan, ito pa ang tagapangtanggol niya kapag may nanlalait sa kaniya.

     

"Oo na po! Wala ng kokontra diyan." Pagsasang-ayon niJakob bago siya inakbayan.

     

 

Maya-maya pa'y sakay na sila ng kanilang van. Ganito sila tuwing linggo, sabay-sabay na nagsisimba. Hindi man sila tunay na magkadugo ay para na rin silang iisang pamilya. Matalik kasing magkaibigan ang kanilang mga magulang.

     

 

"Guwapo na ba ako,cute?" Tanong sa kaniya ng kaibigan bago sila pumasok sa simbahan. Inaayos nito ang buhok na nanigas dahil sa inilagay na hair wax.

     
 

She simply frowned at him. Alam na niya kung bakit ito nagpapa-pogi. Kasi crush ni Jakob ang bago niyang kasama sa choir na si Briella. Maganda at sexy ang dalagita kaya hindi na siya nagtataka kung bakit ito nagustuhan ng bestfriend niya. Iyon nga lang ay parang may kakaiba sa babae na hindi niya maipaliwanag kung ano. Para kasing sumasakit ang dibdib niya kapag nakikita niyang kasama ito ni Jakob. Minsan nga ay nasusungitan pa niya ito ng walang dahilan.

    

"Kamukha ko na ba si Peeta?" Tanong ulit nito. Ang tinutukoy nito ay si Josh Hutcherson na isa sa mga bida ng The Hunger Games movie.



That Thing Called "LOVE and DESTINY" (COMPLETED)[Soon To Be Published Under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon