Chapter 6

43 3 0
                                    

Stephanie Wesley

I asked him kung ano ang gagawin niya kung sakaling mahal ko pa si Zach.

He froze for a second pero napangiti din naman ng nakakaloko. "Ikaw ah, two timer ka," umiling siya ng nakayuko at hindi ko sinasadyang mapansin ang kalungkutan sa mga mata niya.

He faced me again at tumayo. He cupped my cheek, "if ever na magka-ayos kayo sabihin mo lang sa akin para maayos natin ang divorce papers, kaso mag-aantay ka pa ng one year kasi yun yung nasa kasunduan," sincere na sabi niya sa akin at umalis sa kwarto.

Pipigilan ko sana siya para sabihin na nagbibiro lang ako pero nakalabas na siya ng pintuan.

I might be confused right now pero alam ko na di ko kayang mawala si Louis.

He was always there. At di ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya.

He's the best guy friend I ever had.

Art Louis Wesley

I'm such a coward.

Nag-punta ako sa pool sa likod ng bahay namin dahil sinabi sa akin ni yaya na nandoon daw nakatambay sila Liam.

This could be us but you playing, (Money make your girl go down)
This could be us but you playing, (Money make the world go round)
But shit, that's all I was saying, (Money make your girl go down)
(And that's just how it goes)

I saw Ethan and Anj dancing while Liam and Quin are drinking some alcoholic drinks.

Lumapit ako kila Liam at nagtanong kung anong meron pero Liam just shrugged.

Tiningnan ko yung dalawang nasayaw na mukhang tipsy na.

Kumuha na din ako ng alak sa lamesa at uminom.

"KUYA!"

Napatingin ako sa likod ko at nakita si Lian, nakatingin ng masama sa amin. Kasama niya din si Harry na nakapamulsa ang kamay at nakangiti.

Lumapit ako sa kanila, "Harry, musta bro?" Sabi ko at nag bro fist kami.

"Anong trip niyo at nainom kayo dito sa bahay?"

"I'm fine naman kuya," sagot ni Harry sa akin at tumingin kay Lian, "bawal dito kj, pumasok ka nalang sa kwarto mo," pagtataboy ng binata sa kapatid ko na ikinatawa ko.

"Yeah sis, doon ka nalang sa kwarto mo, bawal dito kj," dagdag ko kaya hinampas niya ako sa braso.

"Ang epal mo kuya, I'm going to stay," pagd-deklara nito at pumunta doon sa kambal niya para maki-upo.

Inakbayan ko si Harry at naglakad na din kami papunta kila Liam.

"Kamusta kayong dalawa?" I asked, man to man.

"Okay lang naman, close pa din, pero kuya wag mo akong sisihin kung sakaling ma-fall ako sa kanya, it'll be her fault," natatawa niyang sabi habang nakatingin sa kapatid ko.

I can see sincerity in his eyes. Matino din naman 'to si Harry kaya di ako tutol.

Nahagip ng mata ko si Ethan na lalo naging hyper sa pag-sayaw. Baliw talaga.

Tinanggal ko ang pagkaka-akbay ko kay Harry at nag-punta kay Anj na nasayaw pa din habang may hawak na alak.

I stole her drink at ininom ito. Napatigil naman siya at hinampas ako.

"Why'd you do that, bad Lulu," parang bata niyang sabi sa akin at napa-buntong hininga nalang ako.

"You're drunk Angelica," sabi ko sa kanya at hinawakan siya sa kamay para hilain papunta kila Liam pero inagaw niya ang kamay niya.

"Hoy tsansing ka sa kamay ko ah, tsaka tipsy lang ako," paliwanag niya at naglakad ng tatlong hakbang. "See, matino pa ako mag-lakad," naka-ngiti niya pang dagdag.

I almost laughed at her. Baliko nga ang lakad niya e tapos sasabihin niyang okay pa siya.

"Shooooooooo!" Taboy niya sa akin.

Hinayaan ko nalang muna siya at pumunta sa kinaroroonan nila Quin.

"Boss, ang kj ng kapatid mo, ayaw painumin si Harry," sumbong sa akin ni Quin habang naglalagay ng JD's sa mga baso namin. "Oh," sabi niya sabay abot ng baso sa akin.

Ininom ko ito ng diretso at katulad ng inaasahan ko, gumuhit ito sa lalamunan ko.

Kumuha ako ng juice at ininom iyon.

"Sasakit tyan niyo mamaya, halo-halo iniinom niyo," paalala ni Lian sa amin.

Binigyan din ni Quin si Harry ngunit hinarang ni Lian ang kamay nito.

"I can handle it," sabi ni Harry na minsan lang talaga uminom at kinuha ang baso sa kamay ni Quin para inumin ito.

Nag punta sa pwesto namin sila Anj na pawis na pawis na.

Tumabi sa akin si Anj na halata na ang bra dahil basa na ang plain white t-shirt niya.

Tumabi naman si Ethan kay Quin at sumandal sa balikat nito.

"Hey, punta tayo ng guest room, palit ka ng damit," bulong ko kay Anj na umiling lang sa akin.

"I want more," lasing na sabi ni Ethan kay Quin at kinuha ang bote ng Jack Daniel's para inumin ito ngunit pinigilan siya ni Liam.

"You're drunk, stupid, that's a major turn off," dagdag pa nito at mukhang natauhan bigla si Ethan pero kinuha pa nito ang baso na may lamang alak at ininom ito.

"Sleepy," napikit-pikit na sabi nito kaya itinayo na siya ni Liam at ipinaalam na ipupunta sa guest room para makatulog na.

"Pwedeng patikim?" Lian asked at pinanlakihan namin ng mata ito.

"Hindi!" Sabay na sabi namin ni Harry.

"OA ah?"

Nilingon ko si Anj na busy pa din sa pag-inom.

"Hey, sasakit ng sobra ang ulo mo bukas 'pag di ka pa tumigil," banta ko sa kanya ngunit di niya ako pinansin.

She was about to drink again when I stole it and drink it instead.

"Ipunta ko na din muna 'to sa guest room," paalam ko sabay buhat kay Anj na panay ang hampas sa akin.

Hirap kong binuksan ang pintuan sa guest room na katabi ng kwarto kung nasaan si Ethan.

Pagka-pasok ko ay dumiretso ako sa kama at inihiga siya doon.

Napatitig ako sa kanya.

"I-isa paaaa," parang bata siya na nahingi pa ng alak.

"Matulog ka na jan," sabi ko at aalis na sana ako ng ipinulupot niya ang kamay niya sa leeg ko.

"You stay here," then she kissed me, in my lips.

--

Love Yourself [MWM 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon