Chapter 11

28 3 0
                                    

Art Louis Wesley

Malapit ng matapos ang concert pero feeling ko gusto ko pang ituloy.

Sobrang saya mag-perform sa harap ng mga taong nandito dahil ang hyper nila.

Lalo na nung kiniss ako ni Anj sa cheeks pero naka-tingin siya sa crowd.

Well, it was part of the show daw eh.

"Pwede bang 'wag muna natin 'to tapusin? Feel na feel ko pa eh," sabi ni Quin kahit medyo hinihingal na siya.

Kumuha ako ng face towel sa lamesa at ipinang-punas sa mukha ko na pawisan na din.

"Pero ang pangit mo na, haggard ka na oh," asar ni Lian kay Quin tapos lumapit sa kambal niyang naka-upo lang sa may tabi.

She took the towel on Liam's hand at ipinunas ito sa kambal niya.

"Thanks," malumanay na sabi ni Liam, masyado kasing nagpaka-hyper yan tuloy pagod na pagod.

"Welcome," sabi ni Lian at tumingin kay Quin. "Tingnan mo 'tong kambal ko, kahit haggard gwapo, eh ikaw mukha ka ng ... nevermind," asar niya pa.

Na-shock ng konti si Quin, "ang hot ko kaya sa wet look kong 'to," bawi niya na ikina-tawa namin.

"Pagod ka na nga talaga bro," sabi ko sa kanya at napa-iling nalang siya.

"Bully," sabi niya at tumayo na para mag-palit ng damit.

"Yuck, tumalikod ka nga Quin," sabi ni Lian at nag-takip ng mata.

"Hala siya, dalawa kapatid mong lalaki tapos 'di ka sanay sa makakita ng katawan?" Pagta-taka niya at tinanggal naman ni Lian ang kamay na pinang-takip niya sa mata niya.

"Kay kuya kasi at Liam puro abs, sayo tabs," panga-asar niya ulit dito saka mabilis na lumabas ng room.

"Boom," nalang ang nasabi ni Ethan na kanina pa tahimik.

After a few minutes lumabas na ulit kami ng stage kung saan naghi-hintay ang WB.

"Hey bro," masiglang bati ko kila Jared. We even bumped our shoulders.

"Hi guys!" Bati namin nila Quin sa audience and we got an uproar in exchange.

"Okay pa ba kayo jan?" Malakas na tanong ni Liam na naging dahilan ng pagwa-wala ng mga tao lalo na ng kababaihan.

"First of all, we would like to thank you guys," pa-unang sabi ni Nickolai.

"Because of you, we were able to make this concert," dagdag namin.

I can't pretend to know how you feel
But now that I'm here
Know that I'm real

Say what you want or don't talk at all
We're not gonna let you fall

Reach for my hand 'cause it's held out for you
Our shoulders are small but can cry on 'em too
Everything changes but one thing is true
Understand, we'll always be more than band
Yeah, yeah, yeah, yeah

Zachary Smidth


"Hey!" Tawag ko kay Sophie at nilingon naman niya ako.

Kasama niya ang anak niya at yung kapatid ng asawa niya.

Lumapit ako sa kanya, "can we talk?" Tanong ko sa kanya at tiningnan yung kasama niyang babae.

"Go ate, ako nalang bahala kay kuya," rinig kong sabi nung babae kaya binigay muna ni Sophie ang anak niya sa babae.

Nag-lakad lang siya hanggang sa maka-layo kami.

Love Yourself [MWM 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon