Chapter 8

32 3 0
                                    

Art Louis Wesley

"Ayusin mo 'yang belt, baka mahulog ka," sabi ko sa kanya at itinuro ang belt na di nakaayos.

"Edi saluhin mo nalang ako kapag nahulog ako," sabi niya na kapit na kapit sa handle.

Hanggang ngayon ba naman di pa din kami tapos dito.

"Pano kung di kita mahawakan at tuluyan kang mahulog?" Tanong ko kaya tumingin siya sa akin.

"It's simple, I'll get hurt," walang emosyon niya na sagot.

Ako na ang nag-abala na ayusin ang belt niya, hindi naman siya na-shock dahil mukhang busy siya sa pag-hawak sa handle.

"Wag kang mag-alala, hahawakan kita ng maigi para di ka mahulog," bulong ko sa kanya at inilagay ang isa kong kamay sa baywang niya.

"Ang sweet naman nila, kainggit," rinig kong sabi ng babae sa likod namin.

"Wala pa ding forever," bitter na sabi ng kasama niya.

Nakita kong natawa si Steph sa narinig.

"Wala daw forever," natatawa niya sabi sa akin.

Napa-iling naman ako, "then let's make it exist," sabi ko at napansin kong napatigil siya.

Stephanie Wesley

"Then let's make it exist."

The exact words that I once heard from him made me froze.

"You okay?" He asked, napansin niya ata na napatigil ako, "joke lang, all I have is an everlasting love, pero 'di sayo, asa ka pa," dagdag niya at bigla siyang tumawa.

Napa-hampas ako sa ulo ko.

"Parang si Art ng Upbeat yung nasa harap natin," rinig kong sabi ng babae sa likod ko sa kasama niya.

Napa-hinto naman si Louis.

"LOUIE, IKAW MAY KASALANAN KAPAG NAHULOG AKO DITO!" Pag-emphasize ko sa name na Louie at napatingin siya sa akin.

Sinenyasan ko naman siya gamit ang mata ko na baka mahalata siya ng mga babae sa likod namin.

"Ay, Louie ata name beb, paasa ka talaga," rinig kong sabi ni girl two kaya naka-hinga kami ng maluwag.

Nag-simulang um-andar ang roller coaster.

At first it was running slow but ...

"AAAAAAAHHHHHHH!" Sigaw ko at sigaw ng mga nasa likod namin.

Ang bilis na kasi ng andar at tila tawa lang ng tawa ang katabi ko na nakawahak sa cap ko.

"KUPAL KA AL!" Sigaw ko at lalong lumakas ang tawa niya. "PAPATAYIN KITA PAG-TAPOS NITO!" Dagdag ko pa habang siya tawang-tawa sa akin.

Lalo akong kinabahan ng mapansin kong malapit na kaming mag 360, paano kapag nahulog ako?

May na-aksidente na ba dito?

Bwisit talaga, dapat di na ako sumama, arrgh.

"WHAAAAAAAA! I HATE YOUUUUUU!" Sigaw ko nung umikot kami tapos napatingin ako sa kanang kamay ni Louis na naka-nakayakap sa akin nang mapansin kong wala na siyang cap ngayon.

Nahulog ata nung umikot kami.

Tumingin ako sa baba at napa-hinga ng maluwag nang makita na busy ang lahat.

--

"I hate you, super," sabi ko kay Louis na naka-HOOD dito sa loob ng ice cream parlor. "Pero dahil binilhan mo ko, 'di na kita hate," sabi ko at pinag-patuloy ang pag-kain ng cream.

Love Yourself [MWM 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon