Limang araw na lang at maghihiwalay na si Claudine at Russel. Nagmamahalan sila pero wala silang magawa. Nag uusap sila sa isang sikretong tagpuan. Unang nagsalita si Claudine. "Alam mo naman siguro kung gaano kita kamahal Russel!" Hawak niya ang pisngi ni Russel.
Sumagot si Russel. "Mahal na mahal kita Claudine."
"Alam ko." Nagyakap sila at naiiyak si Russel sa pwedeng mangyari. Wala siyang magawa pero ayos na ang lahat ng papeles para makapunta siya ng ibang bansa. Wala nang atrasan.
"Hinding hindi kita malilimutan Russel. Let me show you my love in the rest of our days together."
"I'm sorry Claud. Ginawa ko na ang lahat. 'Wag kang mag alala, ibibigay ko ang sarili ko ng buong buo sa'yo." Niyakap niya si Claudine. "Gagawin ko ang lahat basta maghihintay ka."
"What do you mean?" Tanong ni Claudine dahil nagtaka siya sa sinabi ni Russel.
"Ibibigay ko ang virginity ko dahil mahal na mahal kita. Ayokong iba ang makakuha nito, gusto ko, ikaw lang." Alam niyang concervative si Claudine pero sobrang nalulungkot niya sa nalalapit nilang paghihiwalay.
"But I can't!" Hindi kayang gawin ni Claudine na gawin kay Russel ang gusto nito dahil bata pa. At isa pa, naaawa siya dahil maghihiwalay din sila matapos ang ilang araw. Hindi na napilit pa ni Russel si Claudine kaya umuwi siya sa kanila.
Nakita ni Russel ang Mommy niya kaya kinausap siya nito. "Ano?! Sige, pakasaya ka na! Ilang beses na kasi namin na sinabi sa'yong hiwalayan mo na si Claudine dahil hindi kayo para sa isa't isa."
Umupo siya bago nagsalita. "I know Mom! Sinusulit ko lang naman ang ilang araw na natirira ah." Umirap siya. Hanggang ngayon kaaway niya parin ang Mommy niya. Nakakainis kasi siya. Mahal na mahal niya si Claudine pero para lang mahiwalay ito, pinapaalis nila ito ng bansa. Ganoon sila kadisidido na ihiwalay si Claudine kay Russel.
"Ang future mo ang nakataya dito. Magalit ka na sakin pero maiisip mo din ang lahat pag nalimutan mo na siya. Baka ipagpasalamat mo pa sakin ang lahat pag nakakita ka ng karapat dapat na lalaki para sa'yo. Yung hindi mababa ang kabuhayan. Yung ipagmamalaki mo!" Sagot ng Mommy niya at nainis si Russel kaya sumagot siya.
"What?! Mababa? Kayo lang ang nagsasabi niyan. May pangarap kami ni Claudine. Ano pa ba ang gusto niyo? Eto na nga 'diba? Within 5 days aalis na kami ni Tita? Hindi ko ipagpapasalamat sa'yo ang lahat Mommy dahil hindi ko malilimutan si Claud--" Sinampalaiya ng mommy niya dahil pinagtaasan niya ito ng boses. Umiyak siya pero hindi siya lumingon.
"Kailan mo pa natutunan na sagutin ako ha?!" Sabi ng Mommy niya at nakatingin lang siya kay Russel. "Pumasok ka sa kwarto mo!" Pumasok ng kwarto si Russel. Iyak siya ng iyak.
Kinabukasan. Makikipagkita uli siya kay Claudine. Sinita siya ng Mommy niya nang paalis na siya. "Where are you going?" Tanong nito.
"Makikipag kita kay Claudine! 'Wag kayong mag-alala. Hindi si Claudine ang tipo ng iniisip niyo na manyakis! Mahal niya ako!" Pero parang walang narinig ang Mommy niya.
"Wala akong pakialam kahit siya pa ang pinakagentleman sa buong mundo. Ang gusto kong mangyari ay iwan mo siya. Kailangan niyo nang maghiwalay." Umalis si Russel pero nagsalita pa ang Mommy niya. "SIGE! PERO SIGURADUHIN MO LANG NA SUSUNDIN MO KAMI AH." Narinig ni Russel pero hindi na siya lumingon.
Apat na araw na lang ang natitira kaya sobrang haba pa para sa kanila yun. Maaaring maiksi na lang pero ito na yata ang madamdaming sandali sa pagitan ni Russel at Claudine sa loob ng dalawang taon nilang magkasama. "Sure kang walang problema sa inyo ngayong araw na to?" Tanong ni Claudine.
"Wala naman silang pakialam na dahil kumpleto na ang lahat lahat. Very sure na ang pag alis ako." Niyakap ni Russel si Claudine. Sa ngayon nasa kwarto sila ni Claudine dahil gusto nilang ubusin ang mga huling araw na magkasama.
BINABASA MO ANG
The Last 5 Days
Short StoryWhat if within 5 days, you're going to leave him just because of 1 reason?