Second Part

1.6K 84 10
                                    

Russel's POV

"Russel, bilisan mo! kailangang nasa airport na tayo 2 hours bago mag flight." Sabi ni Tita na lalong dumudurog sa puso ko. Ayoko namang sabihin na buntis ako dahil mahahalatang nagsinungaling ako. Hindi kasi nila alam na tapat sakin si Claud. Kahit maraming beses kaming nabigyan ng pagkakataon para magsex, hindi niya ginawa dahil inaalala niya ang future. Siya ang future ko at wala nang iba. Hindi ba niya maintindihan yun?

Nakasakay na kami sa taxi na maghahatid samin papunta sa 'walang forever' na lugar. Nakakainis. Parang hindi ko kaya. Binibilang ko ang bawat segundo habang nakaupo kami dito at naghihintay ng flight. Parang napakabilis ng oras. "Russel be ready, after 30 minutes, aalis na tayo." Parang iiyak na ako dahil mawawala na ang pag-asang makasama ko si Claudine. Paubos na ng paubos ang oras, hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya. Can't imagine myself habang nasa byahe.

15 minutes..... Hindi ko na talaga kaya. Kinuha ko yung malaking bag ko. Umalis ako dahil nakaidlip si Tita. Papalayo na ako ng papalayo. Nang makalabas na ako ay tumawag ako kay Claud. "Hello Claud."

"Kamusta? Nasaan na kayo?"

"Hindi ako sasama. Tumakas ako."

"Bakit?!! Anong kalokohan yan?"

"Sunduin mo na lang ako at saka na tayo mag usap. Papatayin ko ang phone ko para hindi nila ako makontak. Please, andito na 'to, hindi ko kayang malayo sa'yo. Please!"

After naming mag-usap ay pinatay ko ang phone ko. Hanggang sa nagkita na kami ni Claudine. Niyakap ko agad siya. "Hindi mo ba alam na mapapahamak ka sa ginawa mo! Ngayon ang araw ng alis niyo!" He said while he was hugging me. I know masaya siya sa ginawa ko and I know hindi niya ako papabayaan. I know mahal niya ako and lastly I know, ayaw niya din na umalis ako.

"Claud! Mahal na mahal kita." I said and nakita ko man ang pagkadismaya sa mukha niya, agad naman niyang dinala ang gamit ko. Panay ang halik niya sakin sa kabila nang napakalaking kasalanan na nagawa ko sa Parents ko.

Hindi ko na inisip ang mangyayari pa basta ang alam ko, kasama ko siya ngayon. Hanggang sa nakarating na kami sa kanila. For the last time, nilagay niya sa tama ang lahat. "Hihintayin natin ang oras. Then, umuwi ka sa inyo."

"Ayoko nang umuwi, mapapagalitan ako."

"I know Russel. I know! Pero hindi pwedeng hindi ka uuwi. Kaya kong madamay sa ginawa mo pero hindi pwede 'tong ganito. Umuwi ka, bata ka pa. Tanggapin mo lahat ng galit nila. I'm sure, hanggang doon lang 'yun. Russel! Sundin mo sila, wala na tayong magagawa."

Niyakap ko siya. "Hindi ko kaya Claud! Ayokong umuwi."

"Pag hindi ka umuwi, ako na ang kakausap sa kanila. Hindi naman sa hindi kita mahal kaya gusto kong sundin mo sila, ang akin lang, mas liligaya ka kung iiwan mo ako. Please Russel, hindi ako ang lalake na para sa'yo!" Gusto ko siyang sisihin! Gusto kong magalit sa sinabi niya dahil sumuko siya. Pero nang makita ko na may luha sa mga mata niya, naintindihan kong mahal niya 'kong talaga. Gusto kong umuwi pero hindi kaya ng puso ko. Ayokong mahiwalay sa kaniya, hindi ko kakayanin.

"Tatawagan ko ang Parents mo. Ako na ang kakausap sa kanila." He said nang magdilim na. Hindi ako lumalabas ng kwarto niya. Miski ang Mama niya, nag aalala na din.

"Huwag na!" I said at gusto ko na namang umiyak. "Kung hindi mo na kayang ipaglaban ang pagmamahal mo sakin, ayoko nang madamay ka pa."

"Russel, hindi na natin kaya. Mahal na mahal kita kung alam mo lang."

"I know. Kahit naman anong laban ang gawin ko, sa tama ka parin pupunta at hindi sa mali 'di ba? Alam kong mali ang ginawa ko at mali na suwayin ko sila dahil ayaw nila sa'yo, pero masama bang magmahal? Hindi naman 'di ba?"

The Last 5 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon