Claudine's POV
Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Russel. Oo alam kong hindi kami bagay pero mas alam kong nasasaktan ako ngayon dahil wala na siya. Mula nang hindi siya tumuloy sumakay ng eroplano, hindi ko na siya nakita. Alam ko naman na kagagalitan siya pero hindi ko alam na ganito pala ka sakit. Hindi naman pwedeng magsisi ako, hindi pwedeng itanan ko siya, at lalong hindi pwedeng ipagpatuloy pa namin ang relasyon alam ko. Mahal ko si Russel kaya gusto ko siyang kasama pero bakit gusto kong ilayo siya? Gusto kong maramdaman 'to? Ang masaktan. Bata pa kasi siya, alam kong madaling mapaibig ang mga katulad niya. Ipagdadasal ko nalang na maging maganda ang future niya. Wala akong future dahil huli na ang lahat. Wala nang chance pang maging mataas ako dahil hindi naman ako nakatapos. Kung mag-aaral man ako, wala akong pera para mag-aral sa mataas na kalidad na paaralan.
"Claud!" Tawag ni Mama. Tumingin ako sa pinto. "Lumabas ka naman diyan. Lagi kang nakakulong. Lalabas ka lang pag papasok sa trabaho. Ano ba ang nangyayari sa'yo?"
"Ma! Mamaya na. Wala din akong gagawin sa labas." Napansin na pala niya ang kinikilos ko. Ano kaya ang iniisip niya?
Lagi kong naaalala si Russel. Parang hindi ko kakayanin. May nagtext. Teka, pangalan ni Russel 'yun ah. Natuwa ako nang mabasa ko.
Russel: Pwede ba tayong magkita?
Tumayo agad ako. Nagpaload agad. Nagreply, sinabi niya kung saan. Kung tumakas man siya, wala na akong pakialam basta gusto ko siyang makita. Naligo agad ako. Hay! Akala ko nawala na ang pagmamahal niya sa'kin dahil napayuhan na siya ng Mommy niya. Masaya ako kahit papaano. Nagbihis at nagpunta agad ako kung saan 'yung lugar ng sinabi niya. Napansin ko na may kasama siya. Kinabahan ako, kasama niya ang Mommy niya. "Hi!" Bati ni Russel. Ngumiti ako ng kapiraso. Alam kong galit ang Mommy niya but ngayon, maaliwalas ang itsura nito. Ito na ba ang huli? Ipapakiusap na ba niyang layuan ko si Russel para makasiguro?
Lumapit ako. "Kamusta po." Nagbless ako. Ugali ko kasi 'yun. Walang masama at ayos lang kung hindi siya pumayag. Hindi ako sanay ng hindi nagmamano.
"Totoo palang mabait ka." Ngumiti ang Mommy niya. Nawala ang kaba ko. Pero siguro sinabi niya 'yun dahil alam niyang kaya kong lumayo kay Russel. Napansin kong nakangiti si Russel. Nawala ang kaba ko. Kaibigan nalang. Sige payag ako basta 'wag niyong ilayo si Russel sa'kin, mahal na mahal ko siya. At ako ang masusunod kung sino ang mapapang-asawa niya.
"Pasensya na po sa lahat. Kasalanan ko." Sabi ko kasi naalala ko 'yung malaking kasalanan namin. Hindi pwedeng si Russel ang umako nun kahit ayokong gawin, ako parin ang dahilan kaya siya hindi sumakay ng eroplano.
"Naiintindihan ko." Sabi uli ng Mommy niya. Nakangiti. "Mag-usap muna kayo. May bibilhin lang ako, then after that, kakausapin kita." Kinabahan ako.
Lumakad papalayo ang Mommy niya. "Claud." Sobrang laki ng ngiti niya. "Pasensa na, hindi kasi ako nagparamdam. Kung alam mo lang, natatakot akong magkagusto ka sa iba pero pinigilan ako ni Mommy. Kung mahal mo daw ako, hindi ka agad agad maghahanap ng iba."
Hindi ko maintindihan. Nagawa pang mag-advice ng Mommy niya sa kabila nang may ginawa kaming pagkakamali. "Sobrang miss na miss na kita Russel. Hindi mo din lang alam ang nangyari buhat nung hindi na tayo nagkita."
"Talaga Claud?"
"Oo Russel. Kasalanan ko kasi, gusto kong lumayo ka. Pero ang kapalit pala ay ang lungkot na hindi ko alam kung kailan matatapos." Ngumiti si Russel pagtapos kong magsalita.
"Hindi na tayo malulungkot Claud."
"Bakit?"
"Payag na si Mommy na dalawin mo ako sa'min. Araw araw pa basta may oras ka. Pero..." Lumungkot ang itsura ni Russel. Hindi ako makapaniwala. Nananaginip ba ako? "Patay na si Tita, tanggap na namin 'yun dahil alam namin na may dahilan ang lahat."
"Bakit?"
"Ang eroplabo sana na sasakyan ko--nahulog sa dagat, patay lahat ng pasahero." Nabigla ako. Niyakap ko agad si Russel! Hindi ako makapaniwala na ang eroplanong nabalitaan naming nahulog sa dagat ay 'yun pala ang eroplano na dapat maglalagay kay Russel sa kamatayan.
"Salamat!" Naiiyak ako sa hindi sa tuwa, dahil sa takot. Hindi pa nakukumpleto sa isip ko ang lahat.
"Pero may kapalit naman kahit namatay si Tita. Ikaw ang nagligtas sa'kin kaya payag na si Mommy na maging boyfriend kita." Niyakap na rin niya ako.
Hindi ako makapaniwala. Kaya pala nangyari ang lahat. Pero kinalulungkot kong kailangang may magsakripisyo ng maraming tao para sumaya ako. Parang nawala ang ngiti ko. "Ipagdasal natin sila."
"Oo Claud. Dahil sasaya ako habang buhay, habang buhay kong tatanawin na utang na loob 'yun sa mga namatay, specially kay Tita. Siya ang may idea na isama ako para ilayo sa'yo. Kung hindi dahil sa kaniya, wala na tayo ngayon dahil anumang oras, baka may gawin si Mommy. Kahit siguro hindi niya sabihin kay Mommy, mamatay din siya dahil 'yun din naman ang eroplanong sasakyan niya kahit anong mangyari, kasama ako o hindi."
"Kinalulungkot ko Russel."
"Wag mo nang damdamin 'yun. Alam kong malulungkot ka talaga. Ilang araw din namin siyang nilamay kahit walang bangkay. Sa tabing dagat kami namalagi kasama ng mga Anak niya. Kaya hindi muna kita ginambala. Panatag kasi akong magiging tayo na. Kahapon lang siya nilibing kahit hindi na nakita ang bangkay niya. Iyak ako ng iyak sa huling gabing lamay namin sa tabing dagat. Mahal ko ang Tita ko. Parang Anak na niya ako kaya gusto niyang makasama ako sa ibang bansa para narin ilayo sa'yo. Pero ngayong Angel na siya, alam kong alam na niya ang mangyayari. Dahil nagpayo pa siya sa'kin. 'Wag daw ako humanap ng iba para sa pagbabalik ko, tayo parin. Boto yata siya sa'yo pero bata pa ako. Kaya sana Claud, huwag mong sirain ang tiwala ni Mommy."
Matapos kaming mag-usap, nakausap ko ang Mommy niya. Sinabi lahat ng rules. Kayang kaya ko kaya panatag ako. Mabait pala talaga ang Mommy niya kaya sa tuwing magdedate kami ni Russel, kasama siya. Sobang saya ko dahil nagkaroon ako ng pangalawang pamilya. Mabait si Mama kaya alam kong magkakasundo sila ng Mommy ni Russel. Ang huling limang araw sana namin ni Russel ay nauwi sa pang-habang buhay. Nabigyan ako ng tiwala ng Mommy niya na matagal kong inasam kaya sisiguruhin kong hindi ko sisirain 'yun. Ilang araw lang nawala si Russel, nabaliw na ako kaya ayoko nang mawala pa siya sa'kin. Pangako 'yan.
END!
BINABASA MO ANG
The Last 5 Days
Short StoryWhat if within 5 days, you're going to leave him just because of 1 reason?