Will you be my Girlfriend? [ONE SHOT ♥]

1.6K 63 17
                                    

Nikka's P.O.V

12:30 a.m na pero nagcha-chat pa rin kami ng bestfriend ko. matagal tagal na kaming magbestfriend. GUY bestfriend ko siya. Lahat lahat ng sikreto ko alam niya maliban sa sikreto kong matagal ko ng kinikimkim na 'GUSTO KO SIYA'.    

hanggang sa may sinabi siya saakin na dahilan ng pagkaguho ng mundo ko.

Miguel: Bespren! Tulungan mo naman ako...

Nikka: Sure. ano ba yun?

Miguel: tulungan mo akong.... mapalapit kay Andrea.. Bestfriend mo naman siya diba?

Matagal ko ng alam na gusto ni Miguel si Andrea. Halos araw araw kinukwento niya saakin to, at araw araw rin akong nasasaktan. At hindi niya yun alam. at ang pinakamasaklap pa doon, ay Bakit Bestfriend ko pa?  

Nikka: S-sure..

Miguel: Ayos! Salamat bespren ha? Bukas ha? Sige bye! Labyou bespren!

Kinikilig ako tuwing nag a-I Love you siya saakin. kahit na alam kong Hanggang MagKaibigan lang talaga kami. 

*KINABUKASAN* 

maaga akong pumasok ngayon. Maaga rin kasing pumapasok si Miguel. Dirediretso agad ako sa classroom. at pagdating ko dun, ayun natutulog sa arm chair niya. Aynaku. kulang nanamn siguro to sa tulog.

"Hoy tukmol! Gumising ka nga jan! Nag puyat ka ba kagabi?" sabi ko dito habang niyuyugyog.

"Ano ba bespren... oo nagpuyat ako kahapon kaya kung pwede wag mo akong disturbohin." sabi nito saakin.  Bat naman to napuyat kahapon? Sabay naman kaming nag-Offline hindi ba?

"Teka teka.. Bakit ka naman napuyat kahapon?" nagtataka kong tanong dito kay miguel.

"Napuyat ako kakaisip sayo..." sabi nito ng mahina. napalaglag panga ako.

"HAH?!" sabi ko dito na gulat na gulat.

"Sabi ko napuyat ako kaka-Temple Run. Tsaka pwede ba? mamaya mo na ako kulitin inaantok na ako.." sabi nito. nagsinungaling pa siya. Pero di nga? Ako? iniisip niya? pero di dapat ako mag Assume. baka mamaya nyan joke lang pala yun. aasa nanaman ako.

Pumunta ako sa kabilang section kung saan andun si Andrea. pagkapasok na pagkapasok ko bigla bigla akong niyakap nito.. "Bes! Namissssssss kita!" matagal tagal ko na ring bestfriend itong si Andrea 2 years lang naman pero si Miguel 3 years na kaming magkaibigan.

"Aww.. namiss rin kita beeeeeeees! Onga pala musta? sorry kung di na ako masyadong nakakapunta dito sa room niyo. Busy ako eh." sabi ko dito.

"Weh? Busy kakaisip kay Timothy?" sabi nito habang nakangiti ng nakakaloko.

"eeeeeh! Hindi ko nga kasi gusto yang si timothy! Infact naiinis nga ako jan eh! Bwiset na lalake!" sabi ko na medyo naiinis. di ko naman kasi gusto si timothy. -___- Yabang yabang nun eh BOBO naman. Tsk.

"Yieeeeee~ Denial!" sabi nito saakin habang kinikiliti pa sa tagiliran.

"STOP IT! Pag ako di nakapag tiis kakalbuhin ko yang pangit mong buhok! Sige lang!" pagbabanta ko dito.

"Wag ka namang ganyan bes. Pinag-effortan ko itong ipa-straight tapos kakalbuhin mo nalang?! Suntok you want? hahaha biro lang bes." sabi nito saakin.

nagkulitan lang kami dun hanggang sa mag-ring na yung Bell. bumalik na ako sa classroom ko. at himala gising na si miguel at may ka-text pa.

"Hoy! Umagang umaga abot langit yang ngiti mo! Sino ba yang ka-text mo bespren?" tanong ko kay Miguel. paano ba naman kung pwede lang umabot yung ngiti hanggang sa tenga kanina pa yun umabot dun.

Will you be my Girlfriend? [ONE SHOT ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon