TAYO NA?! ❤ (One Shot)

1.5K 34 21
                                    

Michelle's POV

Kasalukuyan akong nandito sa tapat ng classroom namin. Unang araw ng pasukan namin ngayon kaya namimiss ko na ang mga kaibigan ko. Hindi kami nagkita nitong bakasyon dahil may kanya-kanya kaming pinuntahan.

"Mich!" Natanaw ko sa malayo ang mga kaibigan ko na hinihingal pa dahil mukhang tumakbo papunta dito.

"Mich! Omg namiss kita girl!" Bati saakin ni Lucy sabay hampas pa sakin ng mahina sa braso ko. Siya ang pinakabata samin kaya mahilig din yang magpacute samin.

"Akala namin late na kami kaya tumakbo na kami. Nakakainis napawisan na tuloy kami. Nakakainis ka! Hindi ako nakasama sayo sa Paris!" Nagtatampo pang sabi sakin ni Marie. Dapat ay sasama siya saamin kaso nga lang ay hindi diya pinayagan ng parents niya dahil may sarili silang lakad.

"That's true. Masyado kang nagsasarili." nakapout pa na sabi ni Pat. Siya naman ang pinakamatanda saamin kaso parang siya pa ang pinakaisip bata. Sila ni Lucy.

"Yaan nyo na. Parang di kayo nagbakasyon sa Amsterdam, Europe at Korea ah." Kadayaan din naman kasi nila. Dapat magpapapicture pa kami dun sa bench sa Amsterdam kung saan umupo sila Gus and Hazel Grace. Kaso nauna na 'tong si Lucy.

"Geez! Ang ganda talaga dun. Dapat next time magkakasama na tayo dun." Pero okay lang kahit hindi ako nakapunta pa sa Amsterdam. May next time pa naman.

"Ikaw lang yung less padama samin nung vacation.. Nakakatampo ka."

"What's important right now is nandito tayo!" Ang dami pa nilang sinasabi e tapos na naman yun.

Nagring na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase namin. Nagsipasukan na ang lahat dahil si Ms. Terror ang adviser namin ngayong year na 'to. Sana naman ay hindi na siya masyadong strikto dahil seryosong nakakatakot siya. Pagpasok namin sa room ay nakita ko kaagad si Lance Patrick Chua. Namiss ko siya kahit hindi naman talaga kami close. Hindi naman kasi niya ako pinapansin simula palang nung 1st year HS kami. 3rd year na kami ngayon at wala pa ding nagbabago.

Pinatayo muna kaming lahat ni Ma'am at aayusin daw niya ang seating arrangement namin. Oh geez. Ang ayoko sa first day of classes ay yung seating arrangement at yung pagpapakilala. Buti nalang at hindi uso kay ma'am ang pagpapakilala sa harap ng klase.

May pinasulat lang saamin si Miss Terror dahil sabi niya ay first day palang daw naman. Himala nga at nasa mood ata siya ngayon. Nahihili nga ako kina Pat e. Paano naman kasi ay ako lang ang napahiwalay sakanila. At ito pang si Lance ang nakatabi ko. Nakakainis lang.

Early dismissal ang nangyari sa first period namin kaya ibig sabihin ay recess na.  Nilingon ko sina Lucy at ang mga babaeng yun, iniwan na pala ako. Naglakad nalang akong mag-isa sa corridor papunta sa canteen namin. Ang daming tao dito aish.

"OMG! Bakit kaya sila nandito?!" Sigaw nung isang babae na nakasalubong ko.

"Baka dahil ni Lance?!" Sagot naman nung isang katabi niya. Para silang mga kiti-kiti kung gumalaw.

"OMO! Ang gagwapo talaga nila!" sigaw din nung isa pang bakla na nakadanggi sakin. Hmmm, anong meron?

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad dahil wala akong balak na makipagsiksikan sa mga babaeng nagkakagulo doon. Liliko na sana ako kaso nga lang ang may humila sakin. Si Bryan pala. Yung isa sa mga kaibigan ni Lance. Anong masamang hangin naman ang nagdala sakanya dito? Magtatanong pa sana ako kaso nga lang ay tinakpan niya ang bibig ko ng kamay niya at hi ila papunta sa parking lot ng school.

"Asan ba tayo?!" Sa wakas ay natanong ko na din siya. Ipinasok niya ako sa kotseng nandun at nakita ko din yung ibang kaibigan niya.

"Kanina pa kita kasama tapos ngayon mo lang tinanong?" Natatawang sabi ni Bryan. Kung hindi lang 'to gwapo baka nasapak ko na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAYO NA?! <3 (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon