Bite

328 13 7
                                    

General POV

"Brad, mukhang ang lalim ng iniisip mo dyan ha" Sabi ng maputing lalaki na may katangkaran na nagngangalang Vhong.

Kasalukuyan silang nasa terrace ngayon ng kanilang mansyong magkakaibigan. At isa na nga dito si Vhong.

"Oo brad, si K kasi inaalala ko. Baka mapahamak sya kapag nalaman ng aking ama na nakikipagrelasyon ako sa kanya. Alam kong mali at delikado pero di ko talaga mapigilan ang pagmamahal ko sa kanya. Siguro naman ganoon din sya sa akin". Pagsagot ni Vice sa kanyang kaibigan habang ang mga kamay nya ay kuyom na. Alam nya na kasi na sa pagkakataong ito, magtatalo at magkakapikunan sila. Kabisado na nila ang isa't isa sapagkat kapag pinag uusapan nila ang bagay na ito ay nauuwi sila sa pisikalan.

"Alam mo naman pa lang mali at delikado, tinutuloy nyo pa. Makipaghiwalay ka na". Sagot ni Vhong na may halong pang aasar. Alam nya na kasi na sa mga oras na ito, ay napipikon na ito sa kanya lalo na't sa tono nya, ay para bang wala lang ito at walang pakialam sa nararamdaman nya.

"Gago ka ba?! Nang iinis ka ba talaga o nagseselos ka? If I know, mahal na mahal mo sya mula noon. Wag ka na umasa brad, akin na sya. Di ba nga ayaw nya sayo, bakit? Kasi wala ka nang inatupag kung di yang pagkagat kagat mo ng kung sino-sino". Sagot ni Vice sa kaibigan habang nakikipagtitigan dito.

"Talaga ba? Oh sige sabihin na nating tama ka. Pero tingin mo ba maiiwasan ko ba 'yon? Tayo. Baka nakakalimutan mo, Bampira tayo, hindi tayo ordinaryong tao lang". Pagsagot ni Vhong kay Vice habang nakatitig dito. Medyo napikon naman sya sa kaibigan sa kadahilanang totoo ang mga sinabi nito. Gusto nya talaga si Karylle dati pa, pero naunahan lang sya ni Vice.

Tama. Bampira sila, gusto man nilang kumawala sa ganitong anyo ay hindi nila magawa sapagkat pinanganak na silang ganito. At ang ikinatatakot nga ni Vice ay malaman ng kanyang ama na nakikipagrelasyon sya sa isang tao. At iyon ay si Karylle Tatlonghari.

Flashback

Nakilala ni Karylle si Vice noong sya ay nasa kolehiyo pa lamang. Pauwi na sya noon galing sa bahay ng kanyang kaklase nang may nahagip ang kanyang mga mata. Isang nilalang na may mga matatapang na mga mata at mapupulang labi. Doon nya lang napagtanto na isa itong Bampira, sapagkat sa bandang paanan ni Vice ay may isang walang buhay na tao at ito ay may kagat sa bandang leeg. Pag angat nya ng kanyang mga mata ay nakita nya ang labi ni Vice na puno ng dugo, tanda ng pagkakakagat sa isang walang buhay na tao. Tatakbo na sana sya ng bigla sya nitong hilahin sa may puno na nakapuwesto sa madilim sa bahagi ng kanilang lugar. Sisigaw na sana sya para humingi ng tulong ng biglang takpan ni Vice ang kanyang bibig.

"Sshhh! Wag kang maingay. Hindi kita sasaktan ok? Just calm down". Sabi ni Vice sa dalaga habang unti unting tinatanggal ang pagkakatakip ng kanyang kamay sa bibig ni karylle.

"Anong just calm down?! Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Halos atakihin na ko sa puso dito dahil sa nakita ko tapos sasabihan mo ko ng just calm down?! Hibang ka ba?!" Sagot ni Karylle kay Vice habang ang kanyang mga litid sa leeg ay halos mapatid na dahil sa kanyang kaba at galit.

"Wag ka sabing maingay. Ang kulit. Kulot kasi". Sabi ni Vice na halos pabulong na noong sinabi nya ang salitang 'kulot'.

"Ano may sinasabi ka? Pinapatagal mo lang 'tong pag uusap natin, eh bandang huli kakagatin mo din naman ako tsaka papatayin katulad ng ginawa mo dyan sa lalaki na yan". Sagot ni Karylle habang nakaturo sa lalaking wala nang buhay dulot ng pagkakakagat ni Vice.

"Mapagkakatiwalaan ako. Mabait akong bampira, di ako basta basta pumapatay ng kung sino sino lang. Kaya ko pinatay yang lalaki na yan, dahil marami ng pinagnakawan yan. Dapat lang sa kanya yan no". Sagot ni Vice kay Karylle na may pairap pa dahil di nya talaga makayanan ang kadaldalan ng babaeng kaharap nya ngayon.

High and LowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon