Honorable

140 4 0
                                    

General POV

"Makipag-usap ka sa mga nanay dito sa Barangay natin, magkakaroon sila ng seminar about sa family planning. Magdikit ka na rin sa kada tindahan ng typewriting na naglalaman ng impormasyon tungkol sa seminar. Makakaasa ba ko na magagawa mo yun secretary?" Utos ng Kapitan na si Vice. Si Jose Marie 'Vice' Viceral, 34 years old ay isang Kapitan sa kanilang Barangay Balakubak. Tatlong taon lamang siya sa pagiging Barangay Kagawad ay naisipan na niyang tumakbo bilang Kapitan ng kanilang Barangay. Hindi naman siya nabigo sapagkat nanalo siya at natambakan niya sa botohan ang dati niyang kalaban na si Jhong, na kanya namang kaaway simula noong pinasok niya ang buhay politika. Ang kanyang sekretarya na si Marielle, ang pinsan naman ni Vice. Pinasok niya si Marielle bilang sekretrya niya sapagkat wala itong trabaho sa ngayon. Si ay kaisa isang anak lamang nina dating Kapitan na si Reynaldo Viceral, ang kanyang ama at ang kanyang ina na si Rosario Viceral.

"Opo Kap, masusunod po." Magalang na sagot ni Marielle saka nilisan ang opisina ni Vice sa Barangay Hall. Kahit magpinsan sila ay pormal pa rin ang pakikipag-usap dito, ngunit kapag wala na sila sa kanilang mga trabaho ay Kuya Vice ang tawag niya dito. Isang tango lang ang sinagot ni Vice bago ituon ang kanyang pansin sa mga dokumento na nasa kanyang lamesa, kasama na dito ang kanilang budget sa taong 2016.
.
.
.
.
.
.
"Ka Helen, pabili po ng dalawang joy powder tsaka upny (dapat downy, eh kabaliktaran ng DOWNy UPny. Ok waley.) Pagbili ni Karylle habang tinutuktok pa ang dala niyang mga barya sa tindahan ni Ka Helen. Nahagip naman ng kanyang mata ang nakadikit na announcement sa may tindahan, tiningnan niya ito at binasa ng mabuti. 'Papupuntahin ko si Iza dito, may dalawa nang anak yun eh.' Isip ni Karylle habang hinihintay ang pag abot sa kanya ni Ka Helen ng mga binili niya. Si Ana Karylle Tatlonghari, 29 years old ay isang anak na hindi nakapagtapos at isang street sweeper sa kanilang barangay. Isa rin siyang kapatid nina Zia at Coco.

"Iha heto na ang joy powder at upny. Pakisabi sa pinsan mong si Ryan TAGAY kamo kami mamayang gabi." Astig na pakiusap ni Ka Helen kay Karylle.

"Sige ho. Mauna na po ko. Tutulungan ko pa po kasi si Nanay maglaba bago ko umpisahan ang pagwawalis." Paalam ni Karylle sabay takbo patungo sa kanilang bahay na akala mo'y hinahabol ng langgam (cheret!) aso pala.

Kinagabihan

"Iza may seminar sa darating na linggo sa Barangay Hall 9am-12pm, tungkol sa Family Planning. Pumunta ka doon ha? Para naman malaman mo kung paano magcontrol. Jusko! Dalawa na ang anak mo, ang masaklap isang taon lang ang agawat. Ang hilig nyo kasi." Pang aasar ni Karylle sa kanyang pinsan na si Iza habang tinutusok ito sa baywang.

"Oh tapos ka na? Dami mong sinasabi dyan, kala mo naman ikaw yung speaker sa seminar. Eh ayun nga Karylle, baka hindi ako makapunta dun. Pupunta kasi kami sa Probinsya ng asawa ko, birthday ng nanay niya eh." Pagdadahilan ni Iza habang nagtitinga pa gamit lamang ang kanyang mga daliri. Kakatapos lang kasi nito kumain ng bubog (chos!) hapunan pala.

"Ay ganon ba? Paano ba yan, eh kailangan pa naman yun sayo kasi ang kati kati mo. Saka may libreng tanghalian yun, sayang naman!" May panghihinayang na sagot ni Karylle. May naisip naman na ideya si Iza.

"May libre pa lang tanghalian, edi ikaw na lang ang pumunta dun, tutal patay gutom ka naman pinsan eh. Sabihin mo na lang sakin ang mga napag-usapan niyo pagkauwi ko." Pambabasag ni Iza sa kanyang pinsan na si Karylle.

"Ha?! Anong ako, nagbibiro ka ba?" Gulat na tanong ni Karylle dahil ngayon lang siya makakaattend ng seminar tungkol sa Family Planning. Sa kadahilanang wala pa naman siyang anak at asawa.

"Seryoso ako, sige na please?" Pakikiusap ni Iza kay Karylle habang hinawakan ang kamay nito (para naman daw kapani-paniwala)

"Hayy sige na nga. Ano pa nga bang magagawa ko. Eh kahit naman humindi ako sayo panigurado kukulitin mo din ako." Pasukong sambit ni Karylle sa kanyang pinsan na si Iza, habang ang huli nama'y ngiting tagumpay.

High and LowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon