Bite II

152 7 1
                                    

General POV

Kasalukuyang kausap ni Kim ang kaibigan ng kanyang anak na si Vhong.Seryoso ang kanilang pag uusap nang biglang nagbiro si Vhong na hindi naman nagustuhan ng huli.

"Gawin mo ng maayos. Ayoko ng mga pumapalpak." Diing utos ni Kim sa kaibigan ng kanyang anak na si Vhong.

"Oh edi ikaw gumawa, ayaw mo pala ng pumapalpal eh. Ikaw na magaling siiiiiir!" Hyper na sagot ni Vhong sa ama ng kanyang kaibigan habang tumataas taas pa ang mga kamay nito.

Sa halip na sumagot si Kim ay tinitigan nya lang si Vhong ng masama na para bang pinapahiwatig dito na "Umayos ka"

"Joke lang po sir. Pasensya na" Hinging paumanhin ni Vhong sa kanyang kausap.

"Basta gawin mo ng maayos at kailangan walang makakaalam nyan bukod sa ating dalawa." Pag uutos ulit ni Kim sa kaibigan ng kanyang anak na si Vhong.

"Mas mainam sir kung samahan nyo na lang ako sa pagdukot kay Karylle. Para naman mas maayos talaga, di ba sir?" May pataas taas kilay na sagot ni Vhong kay Kim.

"Oh sige na sige. Para lang matahimik ka. Para kang bakla sa kadaldalan mo." Pang iinis ni Kim sa kaibigan ng kanyang anak na si Vhong.

"Huh! Ako sir bakla? Halikan kita dyan, baka ikaw ang mabakla dyan." Pang bawing inis ni Vhong kay Kim.

"Banatan kita dyan?! Tara na at tingnan na natin kung nasaan na ang babaeng 'yon." Pag aaya ni Kim kay Vhong upang hanapin nila kung nasaan na naroroon si Karylle.

Nasaan na nga ba ang ating mga bida?
.
.
.
.
.

Kasalukuyang nasa ilalim ng malalaking puno ang magkasintahang Vice at Karylle. Dito sila madalas magkita sa kadahilanang baka may makakita sa kanila, lalo na ang kanyang ama.

"Alam mo ba-" Hindi pa tapos ang sasabihin ni Karylle nang biglang sumingit si Vice.

"Hindi ko alam. Di mo ko ininform eh" Pambabarang sagot ni Vice kay Karylle.

"Ah ganoon ba? Sige aalis na ko, baka ibang inform ang sabihin ko sayo. Alam mo yung salitang BREAK? Baka ayun alam mo, para naman mainform kita ano po?" May halong inis na sagot ni Karylle.

"To naman, di mabiro. Love na love kaya kita. Ano nga ulit yon?" Pagbawi ni Vice sa kanyang sinabi habang hawak hawak nito ang kamay ng dalaga.

"Si Vhong kasi nakita nya ako habang naglalakad ako kanina ta-" Hindi na naman naituloy ni Karylle ang kanyang sasabihim ng biglang sumingit si Vice. (Bastos)

"Oh?! Anong ginawa nya sayo? Sinaktan ka ba? Kinagat ka? Pinagsalitaan ka ng hindi maganda? Ano Karylle sabihin mo?!" Sunod sunod na anong ni Vice sa kasintahan habang inaalog nito ang mga braso ng huli.

"Teka nga Vice patapusin mo nga muna ko pwede?! Kahit kailan talaga napakaOA mo." Iritang sagot ni Karylle sa kasintahan.

"Ay sorry sorry. Ano nga ulit yon?" Ngiting tanong ni Vice kay Karylle.

"Isa pang putol mo sa sasabihin ko, iba na ang puputulin ko sayo." Panakot ni Karylle sa kasintahan.

Dahil na rin sa takot ay isang tango at hawak sa kanyang (ehem) lamang ang naisagot ni Vice.

"Ayun nga, nakita ako ni Vhong habang naglalalad ako papunta dito. Natakot lang ako kasi ang sama ng tingin nya sakin eh. Para bang ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya, samantalang dati malapit naman kami sa isa't isa." Malungkot na pag kukwento ni Karylle habang ang huli naman ay nanatiling nakikinig sa kanya. Ilang sandali pa ay sumagot na rin si Vice.

"Hayaan mo sya, hindi naman ako papayag na saktang ka nya. Nandito ako, poprotektahan kita sa kanya, sa lahat ng nang aaway sayo." Pagkukumbinsi ni Vice sa kasintahan habang yakap yakap nya ito.

High and LowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon