Chapter 6 (shooting)

20 4 2
                                    

Jenivieve POV

"Congrats Jennie!!!!"

"Nice jen! matutupad na mga pangarap mo!"

"We're so proud of you Jen!"

"Honey, you did a great video, I also watched it!"

halos humagulhol na ko sa tuwa, di ko man lang ma-explain yung saya na nararamdaman ko ngayon, ikaw nga? makapasok ka sa audition, sinong di matutuwa. napayakap ako ng mahigpit kay mama. di ako makapag salita grabe! tapos kumalas na ako sa yakap kasi may bumabati pa sakin na ibang katrabaho ni mama, sila tita Janice, Mika, at tito Eung, nakita ko naman si Mr. Soe na natutuwa siya sa naging reaction ko.

alam kong panget ako umiyak pero wala na akong pakelam basta masaya ako sa balitang natanggap ko ngayon. simula palang ito at marami pa akong pagdadaanan. at sa pag uumpisa kong ito, lahat ng tinago tago kong talento ilalabas ko na alang alang dito. nakita ko si Mr. Soe na may dalang Envelope at lumapit muli siya sakin.

"This is your form, nandiyan na lahat ng kailangan mong papeles papunta ng Seoul Korea" sa pag banggit palang ng SEoul, ang dami ng pumapasok sa isip ko, lahat sila napa 'woooow' at kitang kita mo sakanila yung excitement para sakin. "mabilis ang naging proseso ng pag po-promote ng video mo, pinanuod namin ang mga ila ilang mga video na mag a-audition, at di ko makaka- ilang ikaw yung bukod tanging nagingibabaw sa lahat ng Video presentation na pinanuod namin, kahit ako ay totaly humanga sa angking talento mo." di ko talaga alam kung anong gagawin ko, basta ang tanging tumatakbo sa isip ko ngayon ay magkakaroon na ako ng bagong yugto sa buhay. excitement. saya. kaba. hawak hawak ko ang braso ni mama habang nakikinig kay Mr. Soe. tiningnan ko si mama at nakita kong sumenyas siya kay Mr. Soe na para bang sinasabe na -go-sabihin-na-look.

"Pero bago ka makapunta ng Korea, you have one mission" natigilan naman ako sa sinabe ni Mr. Soe. Mission? OMG! as in, ngayon palang magtatrabaho na ko?? "There's a boy kpop group na nandito sa pinas at dito namin napag isipan na i-shoot ang bago nilang Album". what the? wag niyang sabihin na BTS yun, Oh. MY. God. " kasama ka sa shoot na iyon at ikaw ang magiging leading lady nila sa gagawin nila Music Video, the group called bangtanBoys, are you familar with those boys?"

O_O

paki-ulit nga? 

ano daw?

bangtan boys????

AS IN BANGTAN SONYEONDAN????

eottoke

eottoke!

narinig nyo yun????

ANO BANG MERON NGAYON AT NAPAKA SWERETE KO NGAYON HA? HA? SABIHN NYO NGA? di ko nanaman napigilan yung sarili ko kundi mapasigaw sa tuwa at  maging si mama ay napasigaw na rin.

"Next week na ang shooting at kapag nagawa mo ito ng maayos madadagdag iyon sa star list mo" . eh? star list?

"ano po yung star list?" tanong ko kay mr. soe.

"iyon ay basehan namin kung kailan puwede na ang isang trainee, kung handa na ang trainee na making kpop Idol. kailangan mo magkaroon ng 10k star or more than that , para mabuo iyon aabutin ka pa ng 3-5 years, pero kung napabilis mo iyon at maganda ang naging performance mo maaaring mapromote ka agad within 2 in half years"

10 thousand star? in 3-5 years. sounds easy pero alam kong mapapatagal pa bago ko maabot yung pangarap ko. nakaupo na kami ngayon sa look like living room sa office ni mama, malaki kasi iyon at knowing na si mama ang President ng company na ito.

nalaman ko na habang nag t-training ka, marami kang makakasabay na makatraining, halo halong mga skills ng mga tao ang makikita mo, at doon mo makikita ang rank mo sakanila kaya kailangan mo maging active at maging magaling dahil pagalingan roon., mahigit 100+ kayong lahat at saka nila kayo susuriin, hahatiin pa kayo by group ayon sa mga trainers,mag tatanggal at mag tatanggal sila hanggang sa makita nilang magagaling na talaga ang mga trainees at doon na iipon ipunin lahat ng star list nyo, saka na sila bubuo ng grupo at doon mo na masisiguro na magiging kpop idol ka na, at kung may grupo na raw kayo ay doon na magsisimula ang totoong training.

The Magic Of Love[BangtanBoys love story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon