Chapter 9 (Taehyung)

35 5 0
                                    

Jen's POV (Jenivieve)

alam nyo ba kung nasaan ako? saan pa ba? nakatayo lang ako dito sa sulok habang pinapanuod sila mag shoot, nandito lang ako muntanga na nakangiti, ewan ko ba kung bakit di ako mapagod pagod sa kakangiti dito, nakatitig lang kasi ako sakanila habang naka cross arm, nakasandal ako sa wall at habang si Tintin naman, ayon palihim na pini-picturan si Jimin, tsk. tsk. kabaliwan niya talaga.

buti pa ako, pangiti ngiti nalang, kuntento naman na ako na malapit lang sila sakin, na nakaka-usap ko sila kahit papano na kung minsan nagmumukha na kong sabog sa harap nila.

  "Miss Jenivieve, coffee nyo po" may nag abot sakin na isang staff dito pati si Tintin binigyan ng coffee, ahm I think she's a Filipino kasi nagtagalog eh.   

actually it's 12 midnight na, himala nga eh hindi pa ako inaantok ,  kanina pa sila diyan, iba't ibang angulo kasi yung kailangan para mabuo na yung music video nila at pagkatapos niyan ay next music video naman yung susunod na isho-shoot nila , papalit palit sila ng costume, siguro mga ika apat na costume na itong suot nila ngayon.


"hhhmp-!" nakanangteteng naman oh, napaso yung dila ko huhuhuhu T^T eh sinong di mapapaso eh biglang tumingin sakin si Suga.


like HELL!! BIG DEAL YUN SYEMPRE! omeged, kinilig ako dun ah x)


"Maam ok lang kayo?" tanong sakin ng kaninang nag abot sakin ng coffee. nag thumbs up nalang ako saka ngumiti sakanya. tumingin ulit ako sa direction niya pero di na siya nakatingin sakin. 

wala na sana akong balak inumin pa yung coffee kaso kailangan ko rin to eh para di ako antukin hihigop na sana ulit ako ng kape ng ....


"suuurrp-prffft!"

ANAK NG TOKWA! BAKIT ANG TANGA TANGA KO NGAYON AT NAPASO NANAMAN AKO?! shit lang.

sa makikita ko eh parang nag aalala na natatawa na yung staff sakin.


"maam ok lang po ba talaga kayo?"


for the second time eh napaso nanaman ako, bakit? puchang gala kasi eh, si Jungkook naman ngayon yung napatingin sakin, yung totoo??? muntikan ko pa namang madura yung kape kanina , nakakahiya na ah.

nung iinom na ulit ako ng kape eh di nanaman nag paawat yung mata ko at tumingin nanaman ako sa kanila at...... ayun nakahigop naman na ako ng maayos. salamat naman~ sa susunod nga di ko na gagawin yun, buti nalang wala ganong tao sa harap ko kundi nakakahiya na talaga.

pero maya maya pa eh napansin kong tumabi sakin yung staff, teka di ko alam pangalan eh, actually ang ganda promise, nakapusod yung buhok niya tapos may pagkasingkit pero mukha parin siyang pinay, medyo maputi siya di naman ganun ka itim sakto lang. tapos medyo matangkad siya sakin.

"Grabe ang laki na ng improvement nila no?", napatingin ako sakanya.

"Oo nga po eh, unti-unti na nilang naaabot yung pangarap nila" tugon ko naman sakanya, ngumiti siya sakin, yung ngiti niyang pamilyar, kaninong ngiti ko ba to nakita? ahmm....

"totoo yan, dugo't pawis nila yung pinuhunan nila diyan para lang maabot yun, at alam kong darating din yung araw na mas sisikat pa sila" sinasabe niya yan habang nakatingin sa pitong lalake pero agad din siyang tumingin sakin. "Ikaw? naririnig ko kasi na nag audition ka sa company, is that true?" tanong nito.

The Magic Of Love[BangtanBoys love story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon