"Hmmm. Ang bango amoy bareta."-
Naglalakad ako papunta sa tindahan ni Mang Boy dahil pinapabili ako ni nanay ng ulam. Pupunta ako kela Mang Boy para bumili ng sampung pisong tuyo. Masarap ang ulam namin ngayon, may lasa at may aroma. Kadalsan kasi, toyo o asin lang ang inuulam namin. Pero, dahil sinuwerte ako ngayon, nagkaroon ako ng extrang pera dahil doon sa babae kanina.
Naglalakad ako pauwi na sa bahay namin galing sa pinagtatrabahuan kong gawaan ng uling. Tumigil ako sa isang kanto at umupo sa isang malaking bato doon dahil sobra na akong hinihingal, kanina pa ako naglalakad. Wala naman kasi akong pamasahe pauwi.
Napatingala ako ng may makitang may nakatayong ale sa harap ko. May binunot ito sa bulsa niya at inabot sa akin ang sampung piso.
Nagulat ako at hindi na ako nakaimik, inilahad ko na lang kamay ko para tanggapin ang baryang yun.
"Salamat Lord. May pang ulam na kami." Bulong ko sa sarili ko at naglakad na ulot para makauwi na.
Napagkamalan pa akong namamalimos, siguro dahil sa itsura ko kanina. Mukha kasi akong taong grasa noon, halos naitiman kasi ang katawan ko dahil sa uling. Pero, salamat pa rin kasi, dahil sa kanya may uulamin kami ngayon. Mamalimos na nga rin ako bukas habang naglalakad pauwi baka may magbigay ulit. Sana.
"Tao po? Tao po? May tao po ba?" Tawag ko sa labas ng grocery ni Mang Boy.
"Ano yung bibilhin mo?" Tanong niya sa akin, napakatanda na ni Mang Boy. Sa sobrang katandaan niya, napakabagal na niyang kumilos.
Sa totoo lang, kahit na may kabagalan ang serbisyo dito sa grocery niya, at malayo sa bahay namin ay dito pa rin ako palaging bumibili. Bukod sa, mura ang tinda nilang tuyo ay gusto ko ring masulyapan man lang ang mailap niyang apo na sobrang ganda na nagngangalang 'Mari'.
Minsan ko lang siya nakikita dahil hindi naman siya pala-labas. Pero tuwing naabutan ko siya sa grocery nila ay para akong nababaliw bigla. Iba talaga siya. Tsk!
"Oh, Ruben.....ano....bang.....bibilhin mo?" Tanong ulit ng matanda sa akin. Pati yung pagsasalita niya ay mabagal na rin.
"Ah, oo nga po pala! Bibili nga pala ako. Nakalimutan ko, akala ko tatambay lang ako dito." Natawa ako ng konti at tinuon ulit ang pansin kay Mang Boy.
"Sampung piso hong tuyo. Pwede pong padagdag na rin? Palagi naman ho akong bumibili dito eh." Nahihiya kong sabi sa kanya.
Natawa siya ng konti at tumalikod sa akin para kumuha ng binibili kong tuyo.
Habang hinihintay si Mang Boy, tumingin tingin ako sa paligid. Nakita ko yung sampayan nila mang Boy sa gilid ng bahay nila. Napansin ko maraming damit pang-babae doon, tiyak kong kay Mari iyon, dahil silang dalawang mag-lolo lang naman ang nakatira sa bahay nila dahil yung nanay ni Mari ang OFW, biyudo naman na si Mang Boy at patay na rin ang ama ni Mari.
Biglang humangin ng malakas, pumikit ako saglit dahil natatakot akong malagyan ng buhangin ang mata ko dahil sa lakas ng hangin, may malapit pa namang buhanginan dito dahilan sa may ginagawang bahay. Kinabahan ako bigla noong naramdaman kong may tumakip sa mukha ko.
"Hoy! Wala akong pera, 'wag niyo akong holdapin!" Sigaw ko, wala akong makita dahil nakatakip parin ang tela sa mukha ko at malakas parin ang ihip ng hangin.
YOU ARE READING
Ang Hinangin Na Panty
RandomNagsimula ang lahat noong hinangin ang panty ni Mari. Subaybayan natin ang magiging buhay ni Ruben.