"Grabe, pinagpawisan ako dun ah. Ang sarap! Sa uulitin ha. Salamat, hehe. Sana mas masarap pa sa susunod."—
Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong, napasakin na ang alam nyo na 'yun. Kinikilig kasi ako kapag sinasabi ko 'yun. Pero sige sasabihin ko na, yung panty niya.
Noong nakaraang linggo, in-stalk ko si Mari. Sinundan ko siya kung saan siya lagi nagpupunta.
Madalas lang siya sa school niya na pribado. Mga mayayaman tao doon, hindi tulad ko na mas mahirap pa sa mahirap. At madalas rin siya doon sa café malapit sa school niya. Yun lang.
Nalaman ko rin na sobrang bait ni Mari. Lagi niyang binibigyan ng pagkain yung mga batang pulubi sa tapat ng school niya.
Nagustuhan ko tuloy siya lalo.
"Uy, brad. Parang napapadalas 'yang pag tingin sa school na 'yan ah. Gusto mo bang bumalik sa pag-aaral?" Sabi ng ka-trabaho sa ulingan.
"Oo eh. Tsaka.." mahinang sabi ko.
"Tsaka ano? Sus pare! 'Wag ka na ngang mangarap na mag-aral diyan. Mas mahal pa yung tuition dyan kesa sa buhay mo." Ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko, "Hindi naman sa minamaliit kita, pero.." tumihil siya saglit "Pero, yun ang totoo. Mahirap lang kasi tayo."
"Oo, mahirap tayo. Pero, gagawa ako ng paraan dahil gusto ko. Para sa sarili ko, at para makita ko na rin lagi si Mari." Hays.
Oh Mari ko, gagawin ko ang lahat para sayo. Kahit ikamatay ko pa. Syempre, loko lang.
Naglakad na kami papuntang ulingan, dahil summer na, siguradong bago pa kami makarating doon ay na-uling na rin kami sa init ng araw. Kabanas.
"Oh, napakatagal niyo namang dalawa? Parang ayaw niyo na yata ng trabaho ah. Pwes, lumayas na kayo!" Kakapasok pa lang namin ay nasigawan na kami agad ni Bossing.
Naku, kung hindi lang talaga siya yung nagpapasahod sa amin, tsk! Basag mukha mong matanda ka.
"Boss, traffic po kasi, kaya natagalan." Palusot ni Bok. Sana naman makalusot yung walang kwenta niyang palusot.
"Anong traffic-traffic? Ang assumero niyo. Eh, naglalakad nga lang kayo. Hangal!" Napakamot na lang sa ulo si Bok.
"Hangal ka rin, gurang." Rinig kong bulong ni Bok.
"Yun nga yun boss eh. Wala ho kaming sasakyan kaya ho natagalan. Hayaan niyo ho, hindi na mauulit." Nagpaawa ako. Sana naman umepekto, ngayon pa na kailangan ko talaga ng pera para makapagaral.
Pinatawad na kami ng bungal naming bossing at nagtrabaho na.
Sabay kaming umuwi ni Bok. At gaya ng nakasanayan, naglakad nanaman kami. Nasira pa yung tsinelas ko, nakayapak na tuloy ako umuwi, at habang inaayos ko ito ay natapilok ako at saktong tumilapon ang tsinelas ko sa kanal na bukas. Ayun, shoot. Amg tanga lang kasi.
Tinawanan pa ko ng kumag, wala na akong nagawa. Tumawa na lang din ako.
"Oy, ang layo pa natin brad. Ang init pa naman ng kalsada, baka pagdating natin sa atin duguan na yang talampakan mo pre." Pag-aalala sakin ni Bok, parang bakla.
"Para kang ano, 'wag ka ngang mag-inaso dyan. Mas makapal pa nga yata 'yung kalyo ko sa paa kesa sa semento na nilalakaran natin. Manahimik ka na lang." Pagbabara ko sa kanya.
Bigla kaming natigil noong may nakita kaming nakaparadang isang magarang sasakyan sa area namin. Wow, perstaym lang nagkaroon niyan dito.
"Oy, Mang Pepe! Angas ng sasakyan ah. Bigtime! Saan niyo nanakaw yan?" Tanong ko sa matandang abot tenga ang ngiti dahil sa nakaparadang sasakyan sa tapat ng barung-barong niya.

YOU ARE READING
Ang Hinangin Na Panty
RandomNagsimula ang lahat noong hinangin ang panty ni Mari. Subaybayan natin ang magiging buhay ni Ruben.