"Baka nakita niya pa yung kulugo ko sa paa."
—Tulad ng napagusapan, hindi namin nakalimutang dumaan sa mamahaling school na pinapasukan ni Mari.
Paano ko kaya mapapa-ibig sa akin si Mari? Kung gayumahin ko kaya?
"Ayan na siya, ayan na siya!" Mas excited pa yata siya sakin.
"Huwag mong sabihin sa akin pre, na gusto mo rin si Mari?" Tinignan ko siya ng masama, at halata namang natakot siya. Dapat lang.
"Kalma lang naman. Hindi no! Yung lagi niyang kasama yung trip ko. Ayun oh, napakaganda. Shet." Napangisi naman ako sa sinabi niya. Pumapag-ibig narin pala ang loko.
"Hindi ka magugustuhan niyan, maligo ka muna ng 100 times." Nginisian ko pa lalo siya na parang ang gwapo gwapo ko.
"Dadaan sila dito brad. Check mo na hininga mo, baka makapatay ka pa!" Nagulat ako sa sinabi ni Bok, totoo ngang dadaan sila dito sa kinataaayuan namin.
Ano ng gagawin ko?
Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko at hiningahan ko iyon. At sininghot ang hininga ko, okay pa naman, di naman nakakamatay - nakakahilo palang.
"H-hi Mari?" Nabigla ako, hindi ko mapigilang hindi mautal.
Ito ba ang sinasabi nilang senyales ng pag-ibig?
Yung nauutal, mabilis na tibok ng puso, pawis na pawis, parang natatae, parang tangang nakangiti ng nakakaloko, at yung 'di nakakapagtoothbrush kakaisip sa kanya? Ito na ba 'yon?
Napansin ko namang kumunot ang noo niya, at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Kaya, tinignan ko rin ang itsura ko.
Ayos naman, hindi naman masyadong madumi. Konti lang. Baka nakita niya pa yung kulugo ko sa paa. Punyemas.
"Omg. Kakilala mo yan?" Halatang diring-diri ang kaibigan niya at natatawa pa ito. Hindi agad sumagot si Mari. "Yuck, may kakilala ka palang rugby boy. Iw." Kung hindi lang siya kaibigan ni Mari, baka nasapak ko na 'tong maarteng babaeng 'to.
Tinignan ko si Bok, at nakita kong halos matunaw na yung maarteng yun sa malagkit na tingin sa kanya ni Kupal.
"Hindi ko siya kilala. Tara na." Walang ka-emosyon emosyon niyang sabi at nakita ko na lang na naglalakad n asila palayo sa amin.
Tama naman, hindi niya ako kilala. Oo nakatira siya doon kasama ang lolo niya malapit sa squatters area na tinitirhan ko, pero malayo pa rin ang pagitan sa estado namin sa buhay.
Pero, kilala naman niya ako sa itsura 'diba?
Oo nga't mahirap kang abutin, Mari. Ikaw ay isang bituin habang ako ay isang hamak na putik lang.
Pero, sinisigurado ko na balang araw..
Ipagsisigawan mo sa buong mundo kilalang-kilala mo ako. Pangako yan, Mari.
***
"Thank you, fans! Mahal ko kayo." Kumaway ako sa nagkakagulo kong fans, ang laki na talaga ng pinagbago ng buhay ko, yung dating mas mahirap pa sa mahirap, ngayon eh tinitingala at hinahangaan pa.
"We love you, Ben!" Sabay-sabay na sigaw ng mga fans ko.
Kinawayan ko sila, kaya naman lalo pang nagwala ang crowd. Ampogi ko na, shit na malupit.
"Aray!" Napahawak ako sa ulo kong hinampas.
"Tangina mo, Ruben Mantika ka talaga matulog. Tumayo ka na nga dyan, nagsesebo na pawis mo. Napakadugyot mo, nangangamoy ka na." Pwede niya naman ako sigurong gisingin ako sa maayos na paraan diba?
YOU ARE READING
Ang Hinangin Na Panty
AcakNagsimula ang lahat noong hinangin ang panty ni Mari. Subaybayan natin ang magiging buhay ni Ruben.