Chapter Eight: Para-Paraan Lang

28 0 0
                                    

Lumipas na ang mga araw. Dumating na ang Monday.

Abalang-abala mommy at tsaka daddy ko kasi sasama daw sila.

Shooting day na nga pala ngayon. Can you believe it?

Dati-rati, palagi ako pinagtatabuyan ng mga tao...

...Ngayon, kailangan na nila ako. Kinaiinggitan pa nga ako eh. HEHE.

OKAY. MASYADO NA AKONG PROUD. Teka...

...Ang tagal naman mag-ayos ng parents ko. Kanina pa sila ah?

"Maaaaa! Paaaaa! Bilisan niyo po!"

"Oo, anak! Sandali na lang!"

"Bilisan niyo po! Baka malate po tayo.."

"Pababa na!"

At ayun nga. Bumaba na si mama. Si papa, wala pa.

"Nasan si papa?"

"Nag-aayos ng suot niya. Sandali na lang yun."

"Okay."

At hindi nagtagal, nandyan na nga si papa.

Naka-polo shirt pa at tsaka naka- wax ang buhok.

Mukhang siya pa yata ang isasali sa commercial at hindi ako.

"Papa, ang sosyal naman ng suot mo?"

"Eh siyempre! Malay mo, ma-discover rin ako!"

"Si papa talaga!"

And right at that very moment, may narinig kaming busina sa labas.

Tinignan ko sa may bintana kung ano meron. Nakita ko sasakyan ni Andrew.

Bumukas yung door sa front seat. Si Andrew nga. Ihahatid yata kami?

Papalapit na siya sa may gate ng bahay namin, magdodoorbell.

Inunahan ko na siya. Tumakbo ako papunta sa labas sa may gate.

Binuksan ko agad-agad bago pa mag doorbell si Andrew.

"Good morning! Sabay na kayo sa'min!"

"Ah, s-sige.. :)"

Tinawag ko na si Mama at tsaka si Papa. Lumabas na sila.

Nag chikahan nang konti at umalis na kami.

-------

Nakatulog ako sa sasakyan. At ginising na lang ako ni Andrew pagkadating namin.

Pagkalabas ko ng sasakyan, nakita ko yung isang malaking building.

Nakalagay dun sa building: ABS-CBN Studios. No turning back. Nandito na kami.

Na-eexcite ako na kinakabahan na ewan. Parang ayoko nang gawin na gusto ko.

Ganito kaya yung feeling ng mga dating artista nung mag- aaudition pa lang sila?

Kung oo, ramdam na ramdam ko yung feeling nila!

"Kinakabahan ka?" tanong sa'kin ni Andrew.

"Ano ba sa tingin mo?"

"Hindi yaaaan.. Tiwala lang sa sarili. ;)" sabay hawi ng buhok ko sa likod.

"Ano baaa?" hinawi ko sa harap yung buhok ko. XD

"Kaya mo yan! Ikaw pa! Mackie yan ihh. Haha. :D"

"Ewan. :) Saan ba tayo pupunta? -.-"

"Dun lang."

"Ganda ng sagot ah. 'Saan tayo?' 'Dun lang'. Maganda yan. Good yan."

"Hahaha! Basta. Masaya 'to. :D"

God Gave Me YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon