Chapter Thirteen: Something In Between

19 0 0
                                    

"Uh.. Since magsisimula na kayo, Bry, aalis na muna ako. Baka makaabala pa ako sa inyo.." sabi ni Alaine.

"Sige, Alaine. See you tomorrow." sabi ko.

Nang umalis na si Alaine, nagkaroon ng isang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Bry. Mahirap man paniwalaan pero si Bry nga. Si Bry ang magmula noon hanggang ngayon na guardian angel ko. Siya ang palaging nandito para sa akin kahit na hindi ko napapansin. Siya pala. All along.

At that point, nagreresearch si Bry about festivities and such sa personal laptop niya. Yung laptop na pinakielaman ko kanina na may desktop background na mukha ko. Maya't maya hangga't hindi pa ako kinakausap ni Bry, hinugot ko ang journal na binigay sa'kin ni Drew mula sa bag ko. Kinuha ko na rin ang favorite ballpen ko, nilipat ko sa blankong pahina ang journal ko at nagsulat ako..

"Drew,

Mag best friend pala kayo ni Bry dati?

Pinag awayan niyo pa 'ko.. Eh, ano ba meron sa'kin?

Isang hamak na pangit lang naman ako ah!

At tsaka, bakit hindi mo sinabi sa akin ito before?

Drew, don't you trust me?

Alam mo? Mahal kitang, g**o ka.

Bumalik ka na nga dito. Miss ko na kakulitan mo eh.

Mackie"

Sinara ko na ang journal at nilagay ko sa bulsa ng maong pants ko yung ballpen. Nakatitig lang ako sa journal na binigay sa'kin ni Drew na nasa desk sa harap ko. Nang tinago ko na rin yung journal, tinapat ni Bry yung laptop niya sa akin.

"Tignan mo 'to. Maganda ba?"

Nakita ko sa screen isang napaka eleganteng damit para sa isang babaeng mayaman. Mukhang pang araw araw na pananamit ito ng mga mayayamang teenagers.. Di tulad ko.

"Para kanino po ba yan?"

"Sa yayayain ko para sa Pairs' Fest. Gusto kong ito ang suotin niya kahit na alam kong kapag ibibigay ko sa kanya ito, tatanggihan niya 'to."

"Ha? Eh ang ganda ganda eh. Sino naman tatanggi niyan?"

"Huh..Tanungin mo sarili mo. Sino nga ba tatanggi diyan?"

"Uhm, ako?"

"Oh di ba? Ibig sabihin, hindi pa rin pwede yan!"

"Ha? Eh iba naman kasi expectations ko sa mga damit. Hinfi yung mga ganyang sosyalin.."

"Eh ano ba type mong damit?"

"Yung simple lang. Walang arte. Walang kung anu anong ka ekekan. Tshirt, maong pants at sneakers.. Pwede na yun! At tsaka yun lang naman afford namin eh."

"Hmm.. Pwede bang samahan mo ako bukas?"

"Ha? Saan naman?"

"Sa mall. Mamimili sana ako ng damit para kay.. Umm.. Sa yayayain ko para sa fest."

"Ha? Eh, bakit ako?"

"Magkaparehas kasi kayo ng size kasi parehas kayo ng height and length."

"Ganun?"

"At tsaka parehas kayo ng taste eh."

"Umm.. Sige."

"Yes! Bukas ah!"

"Oo, sige. Anung oras ba?"

"Mga 2 PM, sunduin kita sa bahay niyo."

"Uh, sige."

God Gave Me YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon