First Case

1.1K 17 3
                                    

"Atama Family, pumunta kayo sa room ni sir Hideo." nagulat naman ako kay Ma'am Reina. Bigla ba namang pumasok. At pumunta na kami sa office ni papa.

"Atama Family, may case sa Kalibo, Aklan. Sa Visayas yun so packed your things. " sa Visayas? Uy, first time ko lang makakapunta dun ahh.

"What case sir?" napasmirk naman si Hiro. Tipid talaga ng ngiti.

"You know what Hiro, naaalala ko sayo si Mitsou." nagsmile naman si Hiro ng tipid.

"well, the mayor, governor, vice governor was killed and the vice mayor is now threatened."

"Ohh, nice." Si Ken yan. Ohh, himala hindi nabatukan ahh.

"ako ang magdadrive. Ang aangal pangit. Oh may angal ka Ken? " hala mag lakad nalang kaya ako papuntang Kalibo. Mas safe yun ehh. Kesa naman si Akane ang magdrive.

"Sir, please don't allow Akane. Mamatay kaming lahat. " binatukan siya ni Akane.

"Akemi, malayo ang Kalibo and besides hindi madaling lakarin yun. " sabi ni Hiro sa utak ko.

"Mag aairplane nalang ako. " sagot ko.

"Ok, Akane will not going to drive the jet plane."

"Yes!" Napalakas yata yung sigaw ko ahh. Nakatingin silang lahat sa akin ehh.

"Ok, go to your place and pack your things."

Ok sorry. Short update.

Tantei High (After Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon