Sampung taon ako noong iniwan kami ni Mama para sa ibang lalaki, para sa ibang pamilya.
"Mama!" Kahit anong iyak ko, kahit anong pagmamakaawa, walang nagawa para mapabago ang isip niya. "Mama, huwag kang umalis." Itinaboy niya lang ako habang umiiyak. Hinila na niya paalis ang malalaki niyang maleta. Pagdating niya sa pintuan, nakita ko ang paghabol ni Papa kahit na nanlalabo na paningin ko dahil sa kakaiyak.
"Marilyn, huwag mo kaming iiwan." Patuloy lang sa pag-iyak si Papa habang nagmamakaawa. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita kong umiyak si Mama.
"Hindi ko na kaya, Marco. Kung sana hindi ka naging pabayang asawa hindi tayo darating sa puntong ito." Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Mama. Pero bago pa ako makatayo, tuluyan na siyang umalis at iniwang nakaluhod si Papa habang umiiyak.
Nilapitan ko si Papa at niyakap siya. "Papa, pigilan mo si Mama. Ayaw ko siyang mawala. Papa!"
Hinarap ako ni Papa at nakita ko kung gaano siya nasaktan dahil sa pag-alis ni Mama. Hinawakan niya ang magkabilaan kong braso habang patuloy parin sa pagluha. "Ginawa ko ang lahat, anak. Pero nakahanap na siya ng bagong pamilya. Isang pamilya kung saan magiging masaya siya."
Gusto kong magalit kay Papa kasi hindi niya hinabol si Mama. Pero hindi ko magawa. Buong buhay ko si Papa ang lagi kong kasama. Sinasama niya ako sa trabaho niya, dinadala niya ako sa mga paborito niyang lugar. Ang kwento ni Lola, si Papa raw ang nag-alaga ng puspusan saakin noong baby palang ako dahil busy si Mama sa trabaho niya.
"Hindi kita iiwan, Papa. Dito lang ako." Niyakap kong muli ang Papa kong iyak-iyak. Sinabayan ko na rin siya dahil parehas lang kaming nasasaktan ngayon, pero alam ko na mas malala pa ang nararamdaman niya kaysa saakin.
"Mark, wake up! Malelate na tayo sa flight natin!" Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at ang ilang mga hakbang. Hanggang sa nagulat ako dahil sa pagsikat ng sinag ng araw sa mukha ko kaya napatalukbong ako.
"5...more...minutes..."
"It's time to get up, son. Ngayon ang flight natin papuntang Pilipinas." Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang sinabi ni Papa. Ngayon nga pala kami uuwi ng Pinas.
Dali-dali akong nagpunta sa banyo at naligo. Habang naliligo ako, narinig ko ang pagkatok ni Papa sa pintuan ng banyo.
"Pagkatapos mong maligo, kumain ka na. I'll just fix some stuff."
"Yes, Pa!"
Walong taon na ang nakalilipas mula noong iniwan kami ni Mama. Ilang taon kaming nag-adjust ni Papa, and finally, we have moved on. Tanggap ko na na hindi na babalik pa saamin si Mama. Tanggap na namin na masaya na siya sa bago niyang pamilya. Tanggap na namin ni Papa lahat. At masaya parin kami kahit wala siya.
Minsan, napag-uusapan namin ni Papa ang tungkol sa pag-aasawa ulit. Hindi naman ako tututol eh. Basta mabait ang mapapangasawa niya, at marunong magluto, ayos na sakin. Marunong naman ako sa gawain bahay dahil dati pa man, tinuruan na ako ni Papa, kaya pwedeng pwede ko siyang tulungan. Gusto ko rin naman sumaya si Papa.
Pero kahit walong taon na ang nakakalipas, alam ko na si Mama parin ang mahal niya. Hindi ko siya maintindihan noong una, pero ngayong malaki na ako at medyo mature na ang isip ko, naintindihan ko na siya.
Hindi yon pagiging martyr, o ano. Mahal niya lang talaga si Mama, at kapag nagmahal si Papa, hindi yon basta-basta nawawala.
Idol ko si Papa, pero hindi ko pinangarap na maging katulad niya. Dahil kay Mama, nasira ang tiwala ko sa mga babae. Hindi naman sa pagiging woman-hater, mahirap lang talaga magtiwala. Kung darating man ang babaeng magpapabago sa isip ko, hinding hindi ko na siya papakawalan.
"Are you ready?" Napatingin ako kay Papa. Malawak ang ngiti niya. Masaya siya kasi uuwi kami sa Pilipinas. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa ngiti ni Papa.
"Mmm." Nakangiti ako tumango kay Papa. Hila-hila at buhat-buhat ang mga bagahe namin, naglakad na kami papasok sa eroplano papuntang Pilipinas.
I might find her there.
BINABASA MO ANG
The Delinquents (Got7 Fanfiction)
FanfictionAfter Mark's mother left them for another man, him and his father went to LA to live there. After a few years, they decided to come back to the Philippines to finish Mark's studies. He then gets reconciled with his 6 friends. After quite some time...