Chapter 2: JB's Story

17 0 0
                                    


Mark:


"So ganito yon..."


"They are called The Seven Swans. Sa pagkakaalam ko, halos sabay sabay lang tayong nabuo. They're like our female versions."

"And we're like their male versions!" Singit ni Jack.

"Yes. So magsimula tayo kay Jeremi." Napatingin silang lima kay Junior kaya napatingin din ako sakaniya.



Jeremi Castro, "Black Swan", ang pinaka-warfreak sakanilang pito. Simula pa grade school mahilig na siyang makipag-away. Bunso siya sakanilang apat na magkakapatid, puro lalaki ang mga nauna sakaniya. Ang crush ni Junior.

Maurice "Ice" Castro, "Ice Swan". Wala kang ibang makikitang expression sa mukha niya. She's totally expressionless at parang palaging bored sa buhay. She's also a warfreak like her cousin Jeremi. She's heartless when it comes to fighting. Wala siyang pinapalampas, walang sinasanto. Kung alam niyang tama siya at mali ka, hindi ka niya papalampasin.

Kimberly Tan, "Swan Princess". A graceful ballet who played the role of the Swan Princess when they were Freshmen. She performed so well that it made a mark on the Ballet history of their school. Unlike the first two, masiyahin siyang babae at may pagkamahinhin. Siya ang crush ni Gino.

Jacel Lee, "Drama Swan", ang president ng Drama Club. She's awarded as the actress of the year for consecutive years eversince she entered their school. May pagka-childish at pagkamaldita. Ang mortal enemy ni Jaeson.

Klara Mariano, the ultimate "Childish Swan". From her title and appearance, unang tingin palang, malalaman niyo na agad na childish at immature ang pag-iisip niya dahil sa mga galaw at pananalita niya. Ang pinaka-maingay at pinakamadaldal sa kanilang pito. May gusto siya kay BamBam.

Kara Mariano, "Dancing Swan", ang nakababatang kakambal ni Klara at ang President ng Dance Troupe ng school nila. Siya ang sumusunod na pinakamaingay at pinakamadaldal sakanilang pito. Tulad ng ate niya ay may pagka-childish din siya. Silang dalawa ang life of the party. Ang crush ni BamBam, ngunit ang crush niya ay si Jack.


"Ang lastly, the leader..."


Suzy Aldama, "Singing Swan", ang leader ng The Seven Swans and the president of the Choral Society in their school. Has competed in many singing contests and always landed as the champion. Kung hindi man champion, palaging nasa top 3.



"Galing sa mga tao dito sa school ang pangalan ng grupo nilang Seven Swans. Hanggang sa nakasanayan na at ganon na nga ang ipinangalan sa grupo nila. The students even paired us up with them." Jaeson.

"Paired up?" I asked confusedly.

"Yeah. Parang si JB at Ice." Pahayag ni Gino. "Jeybs, ikaw nalang magkwento kay Papa Mark, buhay mo eh." Tinignan ni JB ng masama si Gino. "P-para kay Mark naman eh!"

Napakagat sa labi sa inis si JB atsaka inirapan si Gino. He got moody all of a sudden. What's up with him? "Maurice Castro is my ex-girlfriend." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. A lot really have happened with them.

"Hindi mo man lang sinabi saakin noon?" I pouted. Acting like a child again. Yes, I also have a childish side.

"I know. I'm sorry." JB sighed. Kanina ang sungit sungit niya, ngayon naman biglang lumungkot. Mood swing. Daig pa ang babae. "Nung una kasi akala ko hindi kami magtatagal."

The Delinquents (Got7 Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon