"Hindi mo man lang kami ininvite!"
Nilayo ko ang phone sa tenga ko sa lakas ng boses ni Jack. Nagkunwari pa siyang umiiyak, at sinamahan pa nga ni Bam. Nagmamaktol sila na hindi ko sila tinawag dito sa bar na pinagdalhan sakin nila Suzy. I didn't even know na pupunta kami sa isang bar.
Medyo lumayo ako sa grupo para makausap ng maayos sila Jack.
"Pumunta kayo dito pero act like you didn't know we were here. Kunwari coincidence lang na napadpad kayo dito." And I ended the call.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko so I called the gang. Kinuntsaba ko pa sila para matulungan nila ako. I mean, okay lang sana kung si Suzy lang kasama ko but everyone from the Choral Society is with me and boy are they all wild.
Bumalik ako sa table namin at nandon si Suzy mag isa. Pinapanood niya yung mga kasama naming sumasayaw at nagiging wild at tinatawanan sila.
"Hey," I called for her attention. Humarap naman siya saakin, a glass of vodka in her hand. "Oh, whoaw," Ang naging reaction ko.
"What?" Natatawa niyang tanong. Namumula na yung pisngi niya. Mukhang natatamaan na siya. I never thought she's the type of person who drinks. But I can't judge someone base on their appearance, right?
"Nothing." Medyo nagsisigawan kami dito dahil sa lakas ng music. "You still good?"
Tumatango tango siya at natawa nanaman. Tinaas pa niya ang basong hawak niya at dirediretsong inubos. Walang hinga-hinga, walang pait pait. Damn this girl is something. "Whoo!" Tumayo siya at nagpunta sa dance floor para makisayaw sa iba.
"Mark!"
Napatingin ako sa mga kakapasok lang na mga kaibigan ko. Tinuro ko yung table sa tabi namin at doon sila naupo. Nangunguna pa sa pag-order ng alak itong Jack at Bam. Alam ba ng mga magulang niyo yan, ha?
Lumipat ako sa table nila at nakipag-apir sakanila.
"Bro, who you? We're not here for you! We're here for the drinks!" Tinaasan pa ako ng isang kilay ni Jack. Muntik ko na siyang kutusan kung di lang ako naunahan ni JB. Nakasimangot tuloy siya sa isang gilid.
"So, why do you need our help?" Seryosong tanong ni Junior habang nakacross legs pang nakaupo. Wow, CEO na CEO lang ang dating ah?
"I feel so out of place." Saad ko and poured some Bacardi on my glass at nilagyan ito ng ice. "Alam niyo namang mahiyain ako, di ba? So I needed my friends. And besides, bonding na rin natin to. Para pampalubag loob, all drinks are on me."
Nagsaya naman ang mga loko. Tinakot pa nila akong aabot sila dito hanggang 6 am at didiretso nalang sa univ. Like hell they can do that. Ako ang patay sa mga magulang ng mga to lalo na sina Jack at Bam.
![](https://img.wattpad.com/cover/61308525-288-k138951.jpg)
BINABASA MO ANG
The Delinquents (Got7 Fanfiction)
FanfictionAfter Mark's mother left them for another man, him and his father went to LA to live there. After a few years, they decided to come back to the Philippines to finish Mark's studies. He then gets reconciled with his 6 friends. After quite some time...