Mark:
Binagsak ko ang katawan ko sa kama dahil sa sobrang pagod. Katatapos namin mag-ayos ng mga gamit dito sa luma naming bahay. Yes, we have a house here in the Philippines.
Papikit na sana ang mata ko nang biglang may kumatok.
"Come in."
Bumukas ang pintuan at pumasok si Papa kaya napabangon ako.
"Pa, bakit po?"
"I just came to check on you." Hindi ko sinagot si Papa. Naupo siya sa swivel chair ng kwarto ko at nilibot ang tingin sa buong kwarto. Pagkatapos ay tumingin siya saakin. "In 2 days papasok ka na sa bago mong school. Are you ready?"
"Two days is enough for me, Pa. And besides, my friends will be there, too."
"Friends, huh? Ilang taon na ang nakaraan noong huli kayong nagkita-kita. I'm impressed by your friendship. Daig niyo pa ang mga boyfriend-girlfriend in a long distance relationship." Sabi ni Papa atsaka bahagyang natawa.
"Syempre naman po. Mahal namin ang isa't isa." Gatong ko at natawa na din.
Kaming dalawa nalang ni Papa ang magkasama kaya hindi namin pinapabayaan ang relasyon namin. Ayaw naming malayo ang loob namin sa isa't isa. Hindi hindi ko iiwan si Papa. Hindi ko siya iiwan katulad ng ginawa ni Mama. Hindi ko sasaktan si Papa.
**
"Oh, Mark, kumain ka na. Baka malate ka pa."
"It's still early, Pa. You're more excited than me." I chuckled. Kumuha ako ng dalawang pancake at kumain na. Simple lang ang breakfast namin. Nasanay kasi kami sa ganito sa LA.
"Bye, Pa!" Paalam ko kay Papa.
"Mag-iingat ka!" Bilin niya. "And speak in Tagalog!" Speak in tagalog daw pero nag-english siya.
"Opo!"
Pinaandar ko na ang kotse ko at umalis na sa bahay. My car has a GPS kaya madali ko lang mahahanap ang school.
Habang nasa daan, ang daming estudyanteng naglalakad sa kalye. I noticed they were wearing the same uniform like mine. Tumingin ako sa wristwatch ko. It's 7:15 already kaya binilisan ko ang pagdadrive. I don't wanna be late on my first day.
I reached the school I'll be attending. I'm a second-year college here at Weston University from now on. And if you're all curious, I'm taking up Civil Engineering. Pareparehas kami ng mga kaibigan ko dito dahil napag-usapan naming magtatayo kami ng firm balang araw at kami ang mga Boss.
Pagbaba ko sa kotse, napansin ko ang pagtingin ng halos lahat ng estudyante saakin. Sabi ko na nga ba nakaka-agaw ng pansin ang buhok ko eh. Is it illegal? In LA, they let us do whatever we want with our hair. But I really love this hairstyle.
I ignored everyone's stares and walked straight ahead. I went to the Dean's office first to get my schedule. After that, I went to search for my room.
BINABASA MO ANG
The Delinquents (Got7 Fanfiction)
Hayran KurguAfter Mark's mother left them for another man, him and his father went to LA to live there. After a few years, they decided to come back to the Philippines to finish Mark's studies. He then gets reconciled with his 6 friends. After quite some time...