Una

18 0 0
                                    

CHAPTER I

Vienne POV.

*KRIIIIIIIINNNNNGGGGG*

"ay anak ka ng kabayo!" napatalon nalang ako sa gulat ng biglang tumunog itong pesteng alarm clock nato.

Di ba nito alam na napuyat ako kakagawa ng lintek na SIP na yun?! Kelangan ko pa matulog ng mahaba. Anak ng tokwa.

Tsk. Hinagis ko nalang kung san banda ung alarm clock at natulog ulit.

"ABA Vinisya! Baka gusto mong gumising na at alas singko na? Bumangon ka dyan at magsaing ka na" Sigaw ng mama ko. Agang aga pa eh! Panira nga naman ng umaga. Hayy.

Total eh wala na din naman akong magagawa eh bumangon na ako. Kinuha ko ung kalderong may tutong pa at hinugasan para makapagsaing na ako.

"Ma, si kuya? Gising na po ba?" tanong ko. Aba ang kapal naman ata ng kuya ko at ako ang nag iintindi ng kakainin namin. Kelangan ko ng hustisya!

"Tulog pa yon! Asa ka pang gigising ng maaga yun eh galing nanaman un sa Girlfriend nya!" sinasabi ko na nga ba eh, mas paborito talaga ng mama si kuya. Ano pa nga ba?

"Ahh. Ganun po ba? Pakibantayan nalang po ung sinaing, liligo lang ako." Agad akong dumiretcho sa kwarto at kinuha ung panligo ko. Inayos ko na din yung uniform ko para isusuot nalang. Pagkakuha ko eh dumiretso na ako sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo eh agad akong tumakbo sa kwarto para makapagbihis. Hindi kasi ako ung tipo ng babaeng madaming arte sa katawan. Pagkatapos kong magbihis eh hinanap ko agad ung suklay.

"Nasan na ba ung hayop na yun?!" lintek na suklay na yun kung kelan kailangan dun wala! -_- bwisit na yan oh!

Oh? Di pa ako nagpapakilala? Wala kang pake. Nagmamadali ako mag aalas sais na!

Dahil di ko naman Makita ung suklay eh pinusod ko nalang ung buhok ko. Ganto ako eh, ang haba haba ng buhok pero tamad magsuklay. Bakit ba? Di ko naman ginusto ito.

Ginusto ito ng mama ko.

*ppppppppppppppppeeeeeeeeeeeeeeeeeeeepppppppppppppp*

"Venisya! Bilis bilisan mo nga! Naghihintay na si papa mo sa labas!" pagtingin ko sa orasan o sheeeeettt. 6:15 na pala! Sumakay na ako sa tricycle namin, nandun na din pala si kuya. Ang bilis naman nito.

Ang gwapo ata ng kuya ko ngayun? Di naman sa pagmamayabang pero magaganda't gwapo kaming magkakapatid. Only boy lang si kuya kaya medyo spoiled kay mama.

Kinuha ko ung earphones ko at sinalpak sa tenga ko, mahaba habang byahe to. Hindi kasi kami sa mismong bayan nakatira, kaya kelangan pa naming sumakay ng tricycle para makarating sa mismong bayan.

Pagkadating namin sa kanto ng Gloria, nakita ko na ung service namin na multicab.

Agad akong lumapit at sumakay sa paborito kong lugar.

"Good Morning Bestfriend" Si Gina Reyes. Bestfriend ko since 1st year high school kami. Sya nga pala fourth year palang ako.

Un nga lang di ako mapagkakamalang 4th year kasi maliit talaga ako, maliit na maganda.

"Same to you too. Now shut up. I want to sleep." Sagot ko sa kanya.

Osya magpapakilala na ako. My Name is Vienne Icelle dela Cruz. 15 years old. Matalino? Nope. Average lang pero I might say nakakaangat ako kumpara sa iba. Sobrang maganda? Nope. Tama lang. Ung may itsura ba. Di naman ako ganun kaganda. Pero may nanliligaw naman sakin kaso puro basted.

Pagdating namin sa school, nag-ring na agad ung bell, pilahan nanaman. Nakakasawa na!

Dahil nga maliit ako eh pangalwa ako sa una, pero minsan sa likod ako pumipila kasi gusto ko lagi katabi si Gina. Matangkad kasi sya kaya ganun.

Pagkatapos ng Flag Ceremony, bumalik na kami sa classroom.

Dahil nga madali ako mabored eh nag facebook nalang ako sa phone ko.

The day went too fast kaya di ko namalayang hapon na pala.

*RIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGG*

"Tara na Gina, Mira, at Jenny!" sigaw ko sa kanila. Hinablot ko ung bag ko at agad na lumabas, Nga pala, Si Mira Sedaria at Jenny Mendez kabarkada namin sila Gina. Bestfriend na din kung matuturing. Actually pito talaga kami, si Arianna Mutya at si Mariel Janda ung pang pito Si Wendy. Kaso medyo balimbing un. Lumalapit lang pag may kailangan ganun. Hindi kami ordinaryong magbabarkada kasi malakas talaga kami mangtrip lalo't na ako. Kasi mismong bestfriend ko pinagtritripan ko. Pero minsan ako ung ginagamit nila pag nangtritrip kasi daw makapal ang mukha ko. -_-

"Oi! Venisya! Ung file case mo!" sigaw ni mira sakin. Ai Shit! Oo nga pala.

"Pakidala. Thanks. See you sa service!" nagmadali akong tumakbo kasi tiyak na ibabato nya sakin ung file case ko. Tamad kasi yun si Mira. Ayaw mautusan. Pero nauuto ko naman yun.

"Hi kuya blue!" bati ko sa driver ng service namin. Bakit kuya blue? Kasi blue ung service namin. Actually Si gina ang unang nagtawag nyan sa kanya kaya ayun nahawa kami sa kaka kuya blue nya.

Maya maya, dumating na din yung tatlo, kasama nila si Wendy Herodion. Nakakainis minsan itong babaeng ito. Kaya minsan pinaplastic ko.

"Ang tagal nyo naman!" reklamo ko sa kanila.

"Sorry na po mahal na reyna!" natatawang sabi ni Jenny. Maganda tong babae na to. Kaso nga lang parang si Rudolph. Pag kinikilig ung ilong ung namumula. Aba, antahimik ata ni wendy mabara nga.

"Ginagawa mo dito? Kala ko di ka na namin kasama?" with matching taas ng kilay pa yan.

"Grabe ka " iiyak na ata to. Naawa naman ako.

"Joke lang. kaw naman" mabait naman ako pero konti lang. Di ko naman kasi kayang tiisin ang mga kaibigan ko.

Maya maya lang umalis na kami. Unti unti na kaming nagbabaan. Pagdating namin sa kanto ng Gloria bumaba na agad ako. Nagpaalam na ako kay Gina. Medyo malayo pa kasi ung kanto nila. Dito sa may burger station sa kanto ko kasi iniintay si mama malayo pa kasi ung bahay namin mula dito..

Napansin ko din na labasan na din ng Heart Acedemy. Maya maya lang may dumaan na pamilyar na lalaki na nagtatabon ng mukha sa harapan ko.

Sino nga to? Sino nga? Shit bakit kasi ang makakalimutin ko? Haaayyy. Sino nga? si MARK!

"MARKKKKKKKK!!!" sigaw ko sa kanya ng marealize ko kung sino sya.

"Mark! Pwedeng sainyo nalang mag movie marathon? Pleaaase?" nagpuppy eyes pa ako sa kanya.

Naalala ko kasi ung usapan naming magkakaibigan. Sinuggest nila na kay Mark la lang daw mag movie marathon. Di ko alam kung sinong mark kaya hinanap ko sa f acebook ung account nya. Nakita ko lang yung picture nya sa fb kaya namukhaan ko.

Gwapo tong lalaki na to. Crush ko.

OWMY! And landi mo Icelle!

oo. icelle ang tawag ko sa sarili ko. Bakit? Ang ganda kasi.

Shit. Tiningnan nya ako! Pero, waittt! Teka? Umalis!

Gago un ahh?! Isnobin ba naman ako! Humanda sya sakin!

_____________________________________________________________________________________________________________________________

ߡ=G

Leave or StayWhere stories live. Discover now