OPEN LETTER

14 0 0
                                    

Mga salitang....
"Sana ako naman isipin mo."
"Sana pinahalagahan mo ko una palang."
"Akala ko ako lang.,"
"Pagod na ako."
"Ayoko na..."
"Mahalnamahalkita."

October 19 lahat ng salitang yan binitawan ko sayo.. Hindi ko akalain na masasabi ko yan sayo. Takot akong mawala ka diba kaya siguro una palang di mo na ako pinahalagahan.

Before our 1st Anniversary I broke up with you... Lost of time, Distance, Trusts. Ayan yung mga nakasira saatin dahilan kung bakit tayo nag hiwalay.

Lost of Time; Nawalan kana ng oras para saakin mas mahalaga pa ang iba kesa girlfriend mo. Ilang buwan kong tiniis yun kahit nararamdaman kong wala na hindi na mag wowork...

Distance; I went to other country with my family pero sinabi ko sayo yun bago palang kita sinagot, sabi mo "Ok lang" akala ko OK lang talaga kasi ilang beses kitang kinausap iniiwas mo yung mga sagot mo.. pero bago ako umalis nag usap tayo sabi mo "Maging matatag ka Mahal, kaya natin to!" umasa ako..

Trust; Eto yung pag nasira na hindi na maibabalik kahit gusto kong magtiwala uli kaso hindi ko kaya ilang beses ang mga sakit na naramdaman ko...

Naghiwalay tayo...

Ilang araw na hindi tayo nag usap. Ang saya ko nung gabi na minessage mo ako ng "Imissyou" dahil gabi gabi umaasa pa din ako na sana isang araw maalala mo pa din ako. Akala ko nung araw na yun magkakabalikan tayo dahil sinabi mong "Hindi ko pala kaya pag wala ka, hindi ako sanay." pero hindi pala..

Alam kong nasaktan ka sa pangyayare pero sana inisip mo din ako hindi yung puro ikaw lang. Yung minemssage ako na "Hindi sya pumapasok." "Lagi syang tulala." "Pumasok syang maga yung mata." yung mga taong nag sabi sakin nyan gusto nila na balikan kita, kaya gumawa ako ng paraan para makipag ayos at makipag balikan.

Araw na nakikipag balikan ako sayo ang natatandaan kong sinabi mo na di na maalis sa isip ko "Mahirap kasi ee. Malayo ka." and I was like "Ooppss. Remember you told me that you'll never let me go but.." pero syempre di ko sinabi yon.

Ilang buwan din akong gabi gabi umiiyak yung tipong parang binabanlawan mo yung tuwalya sa sobrang basa na. Tiniis ko yun lahat syempre unang heartbreak ee, samantalang ikaw nagpapakasaya na sa bagong "GIRL" actually hindi bago noon pa kahit tayo pa nanggugulo na yun.

Wala ee You chose her over me but then after 3months naging masaya na ako hindi na kita naiisip kumbaga parang wala na as in. Iniwan mo ako sa ere ee. Akala ko maghihintay ka pero habang may hinihintay ka pala sumasideline ka...

One time you told my Best Friend that you "Miss me" una hindi ako naniniwala sa best friend ko pero nung pinakita na yung ss parang wala lang.

The day after you messaged me. Akala ko wala na akong nararamdaman, akala ko malakas ako, akala ko di ako magpapaapekto uli sayo. Tiniis ko naman yun ng ilang araw pero wala bumabalik ka sa isip ko hindi ko alam kung bakit. Nasasaktan ako sa pag kwento mo about sa naging Girl mo diba dapat di na ako nasasaktan hindi ko alam kung bakit pa. Lahat pala yun puro akala lang. Hindi kita maintindihan sinabihan mo ko na "Mas pinili kita kesa sakanya." Hindi ko magets. Di naman ako pinanganak kahapon para di maintindihan yun. Ang gulo lang You Chose me Over her but then you're still talking to her and telling me that you are inlove with her before. What the heck! Bakit kaya ka ba bumalik kasi hindi maging kayo? Hanggang MU lang?! Ang labo nyo. Ang daming nangyare na masasabi nating "SAYANG" pero sana yung salitang yun makapag paalala sayo kung anong hirap or saya ang naranasan mo...

Alam mo... Sana di kana lang uli bumalik ee... Sana hindi kana nag paramdam uli... Kung babalik ka man sana made some efforts na mabalik uli yung tiwala ko... Sana masaya na uli ako diba... Sana hindi ka nalang ulit bumalik kung sasaktan mo lang uli ako.. Pagod na akong masaktan ulit.. Pagod na pagod....

Alam mo hindi na dapat ako nasasaktan uli at umiiyak ee.. Dahil alam ko sa sarili ko na nakalimutan na kita... Di ko alam bakit ganto nararamdaman ko, hindi ko maintindihan.. Siguro nga hindi pa din nawawala yung nararamdaman ko... Siguro nga mahal pa din kita....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Missing Pieces...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon