Chapter Five

523 18 0
                                    

Akala ko misunderstanding lang ang lahat ng nakita ko. Na iaapproach nila ako after, tapos matatawa na lang ako dahil ang bilis kong magselos, tapos back to normal na ang lahat.

Pero nung nagsimula ang klase, hindi sya tumabi sa akin. Sila ang magkasama buong araw at pati narin nung mga sumunod pang araw. Hindi narin nya ako sinasama sa rehearsals nya.

Bakit ganun? Sasabihin nyang mahal nya ako tapos hindi nya ako papansinin, worse, may kasama pa syang ibang babae, at worst, bestfriend ko pa.

Si Shein, sa kanya ko sinasabi ang lahat ng nararamdaman ko kay Ronnie. Pero sa lahat ng babae, bakit sya pa ang nakita kong kasama nya? I feel betrayed. Gusto ko kong magalit pero hindi ko kaya. Kaya ko namang magparaya para sa kaibigan ko diba?

Pakiramdam ko napakalaki ng nawala sa'kin. Pero hindi ko sinasabing naagawan ako. Dahil simula pa lang naman, never syang napasaakin. Pero bakit sinabi nya pang gustung-gusto nya ako? Paasa sya!

Nakita ko na naman silang palabas ng classroom ng magkasama. Siguro ihahatid nya si Shein. Pagabi narin kasi, papalubog na ang araw. Dati ako ang kasama ni Ronnie this time of the day. Ang dami na ngang nagbago.

Tumalikod ako habang tumutulo ang luha mula sa aking mga mata.

"Mahal mo sya 'no?" Agad akong napapahid ng luha ng may narinig akong pamilyar na tinig— si Mccoy. Pumasok pala sya ngayon.

"Si Ronnie? H-hindi 'no!" Pagtanggi ko sa kanya.

"Tatanggi pa e halata naman." Napangiti sya at ginulo bahagya ang buhok ko. "Alam mo, hindi ka talaga marunong magsinungaling. Masyado kang obvious. Wala pa akong binabanggit na pangalan, sumagot ka agad na hindi mo mahal si Ronnie."

Napatungo na lang ako sa sinabi nya. I'm holding back my tears.

"Mahal mo si Ronnie at nagseselos ka dahil sa halip na ikaw, yung bestfriend mo na ang kasama nya." Lumapit sya at umupo sa isang bench malapit sa akin. "Halika. Upo ka dito." Sumunod naman ako sa kanya at naupo sa kanyang tabi. "Matagal ko naring napapansin na may gusto ka kay Ronnie, pero hindi ko akalain na ganyan na pala kalalim ang nararamdaman mo sa kanya."

"Hindi ko rin alam kung bakit e. Basta I found myself falling but he wasn't there to catch me when I did."

"You don't have to hold back your tears, Harue. Come here." Lumapit sya sa akin at isinandal ang ulo ko sa dibdib nya. "There. You can cry your heart out now."

And there, i broke down in tears.

"Ang swerte ni Ronnie dahil minahal mo sya. And I'm too late. Edi sana, naagaw pa kita."

The FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon