Chapter Eight

555 17 1
                                    

Hindi pa ako nakakalayo sa shop nang makita ko si Ronnie na tumatakbo papunta sa akin.

"SANDALI, HARUE! ITS A COMPLETE MISUNDERSTANDING!"

At dahil tumatakbo sya ay tumakbo na rin ako. Ayaw kong maabutan nya ako.

"HARUE! MAKINIG KA SAKIN! WAG KANG TUMAKBO!"

Dahil sa sinabi nya, mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

"MAG-EEXPLAIN AKO PLEASE!

Patuloy lang ang pagtakbo ko at patuloy lang din sya sa paghabol at sa pagsigaw sa akin. Para kaming mga ewan na naghahabulan sa kalye. At dahil natural na mas mabilis talaga sya saakin, malapit na nya akong maabutan. Wala akong choice kundi magtago na naman sa likod ng isang... basurahan ulit. Maya-maya...

"Harue! Nandyan ka lang pala, wag kang aalis!" Napatakip naman ako ng mukha nung lumapit sya.

"Hindi ako si Harue! Si Lady Gaga ako! Hindi kita kilala! Shooooo!" Naguluhan naman sya sa sinabi ko. Sinamantala ko na ang pagkakataon para makatakbo ulit. Tamang tama, malapit na ang bahay namin dito.

Tumakbo ulit ako at humabol ulit sya pero pagkalagpas ko ng kalsada, maraming dumaang mga sasakyan kaya na-stranded sya dun.

Nung makarating ako sa bahay, dumeretso ako sa may bubongan. Dito ako tumatago minsan e. Masarap ang simoy ng hangin dito. Haaaay. Sana lang hindi sya papasukin dito nina Mommy. Huhuhu.

Nang mawala na ang pagod ko sa pagtakbo. I don't know but i just broke into tears.

...

...

"Harue." Ugh. Ang boses na yun na naman. The way he say my name. It kills me but it makes me feel alive at the same effin' time!

"Go away! Hindi mo ba nakikitang ayaw kong makipag-usap sa'yo?!"

"Umiiyak ka ba?

"E ano kung umiiyak ako? Who cares, anyway?"

"I do."

"Ano ba Ronnie! Tama na kasi!" Napatayo ako at napaharap sa kanya. "Umalis ka na!"

"Harue, umalis ka na dyan. Pumunta ka na dito. Mag-usap tayo ng maayos."

"Hindi ako aalis hanggat hindi ka umaamin! Ay hindi— Tatalon ako mula dito sa bubong kung hindi ka aamin!"

O diba ang lakas ng loob ko? Wag nyong isipin na desperate ako to the point na magpapakamatay ako. Ang totoo nyan, sanay akong tumalon dito. Tumatalon ako pag nitatamad akong mag-stairs. Damuhan naman yung ibaba kaya ayos lang. Tinatakot ko lang sya. HAHAHA.

"Wag mong itutuloy yan! Ano ba kasing aaminin ko?"

"Na kayo na ni Shein!"

"Hah? Eh hindi naman kami nun e! Nililigawan na kaya yun ni Jon! Ikaw lang ang pinangarap kong maging girlfriend 'no!"

"Will you please stop denying?!" Mas lalo akong lumapit sa may edge ng roof.

"Hindi kami! I swear!"

"Eh bakit lagi kayong magkasama tapos ang sweet nyo tapos hindi mo na ako pinapansin?!"

"Eh bakit lagi kayong magkasama ni Mccoy, ang sweet nyo pa tapos hindi mo ako pinapansin? Kayo ba?"

"Hindi!"

"Did you get my point?" Tumigil sya sa pagsalita at pinadaan ang kamay sa kanyang buhok. "You see, Shein and I are doing this for a reason, she's just helping me."

"What reason?" Ay shet napapa-english din tuloy ako.

"Aaaah. Masisira ang plano ko." Naghesitate pa syang sumagot. "Pero ayos lang, nandito na rin naman tayo e. Ganito kasi yan, we're arranging something for your birthday."

Napatigil sya sa pagsasalita at narinig kong may binulong sya sa sarili nya. "Ugh. Natotorpe ako!"

"Actually, gagawin ko sana yun nung gabing pinapapunta kita sa library. Pero sabi ni Shein mas maganda daw kung magtatapat ako sa birthday mo kaya sabi ko nun wag ka ng pumunta."

"Magtatapat?" Tanong ko sa kanya.

"Magtatapat na mahal kita. Na liligawan na kita."

"Eh.. eh bakit nung umaga pagkatapos nun, nakita ko kayong magkahawak ng kamay?"

"Yun ba? Wala yun. Nababakla lang talaga ako pagdating sa'yo kaya iniisip ko kung paano ko hahawakan ang kamay mo pag tayo na. Nakakahiya mang aminin sa'yo pero nagpapractice lang ako nun." Sabi nya sabay tumungo. Teka, nagb-blush ba sya? "At kaya rin nakita mo kaming magkasama sa mall na ay dalang art materials dahil pinabili kami ng ganun nung planner ng party mo. Gagamitin daw sa pagdecorate ng venue ng birthday mo. You can even ask your Mom about this dahil humingi na ako sa kanya ng permiso."

Hah? So, all this time nasasaktan lang ako dahil mali ang pagkakaintindi ko sa lahat? Pwede pala yun? Na masaktan ka dahil mali lang ang pagkakaintindi mo sa mga bagay bagay? Stupid me.

"At kung iniisip mo kung bakit hindi kita pinapansin, sabi kasi ni Shein magpamiss daw ako sa'yo. Mas marerealize mo daw ang feeling mo sakin pag ganun. Ewan. Girl thing daw. Nakakainis naman si Mccoy, hindi kita mapansin pag magkasama kayo." dagdag pa nya.

Pagkatapos talaga nito, magsosorry ako kay Shein. Paano ko nagawang mag-isip ng masama sa bestfriend ko?!

"Hindi ko alam kung magagalit ako sa sarili ko dahil nasira ang plano ko o matutuwa ako dahil pakiramdam ko nagseselos ka." Tumawa sya ng mahina habang nakatungo pero agad din akong nilapatan ng tingin.

Sandali kaming nabalot ng katahimikan hanggang sa binasag nya ito.

"I love you Harue. I love the way you call me 'R2'. I love your awkward smiles, your innocence. I love you from that day when you called me 'Donut', to this day when I finally let my heart out— to eternity." Nakatingin sya sa mga mata ko. "At hindi yun magbabago."

Bahagya syang lumapit sa akin. Walang salitang lumalabas sa bibig ko. I'm so overwhelmed.

"Now, come here. Let's talk about this. Everything is clear to me now. I know our feeling for each other is mutual." He smiled and blushed. Cute talaga.

...

...

Papunta na ako sa kanya nang may nakita akong pusa na may hinahabol na butiki. Mabilis ang mga pangyayari. Nakita ko na lang na malapit na ang butiki sa may paanan ko. At dahil takot ako sa butiki, napaatras ako.... then I fell.

The FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon