12

9 0 0
                                    


"Little hey, Little Hoe! Anong ginagawa mow?" Sigaw ni Ashe sakin sa telepono.

"..." -me

"Cris ano tayo ngayon? Mu? Wala lang or......friends?" Tanong niya

Wow napaisip ako dun ah. . . .

"Tayo Ashe? THERE WAS NEVER AN US! Walang tayo, walang friends..... walang Mu! WALANG TAYO NGAYON, WALA!" Pagdra-drama ko.

*Beeeeeeep*

"AY BASTOS!" Sigaw ko

Days have passed and we two still don't know what we are.

Lagi kaming lumalabas at sweet kami sa isa't isa pero ano nga bang meron samin? Palagi rin kaming pinagkakamalan ng mga tao na magkasintahan kami, pati nga si Mama akala niya kami pero hindi.

Wala kasing kami. As in!

Valentines pala ngayon noh? Sana bigyan niya ako pero baka hindi rin kasi nga WALANG KAME! (Aray ko Beh!)

Pero gusto ko talagang maranasan na mabigyan ng kahit flower man lang! HELLO? MAY MABAIT BA JAN?

Maya maya ay tumawag ulit sa Ashe...... pero d ko ito sinagot kasi baka mga walang kwenta rin ung sasabihin niya.

Naka 5 missed calls na at sa pang anim ko lang sinagot.

"Uy Cris si Ashe!!!! Punta ka rito sa Apartment niya daliii!" Sigaw ng familiar na boses(boses yata ng friend ni Ashe?).

"TEKA WAIT LANG! Anong nangyayari ba????!!!" Sigaw ko pabalik.

"BASTAAAA DALIAN MO! Ay shet ASHE WAG KANG TATAL-" sabay end ng call.

Shit. Shit. Shit! Agad akong umalis ng bahay at di na nagbihis. FYI naka pajama at maluwang na t-shirt ang suot ko! BWESET!

Takbo dito takbo doon. Tinakbo ko na kasi tutal malapit lang apartment niya sa bahay namin.

Pagkalabas ko sa elevator ay nasa 6th floor ako at lumiko ako pakaliwa at natatanaw ko na ang kwarto ni Ashe at nakabukas ito.

Binilisan ko pa yung takbo ko kasi I have no idea what is Happening there.

Saktong pagkahinto ko sa pintuan ay nakita ko si Ashe! YES HOOH OMG! Sa wakas!

"Ashe anong ginagawa mo? Pinapunta ako dito tapos wala la-"

"AAASHE!" Sigaw ko habang tumakbo papuntang bintana ni Ashe.

Si Ashe..... nagpahulog!

"OMG OMG OMG" agad akong tumakbo pababa gamit ang hagdan dahil nasa pinakataas pa ang elevator.

Last stair na ako at kita ko na ang Exit. Pagkalabas ko ng exit ay ayun....

Si Ashe duguan at napapalibutan ng mga tao. Agad ko itong nilapitan at niyakap.

Unti unting bumuhos ang mga luha ko...

"ASHE... GUMISING KA! GUMISING KAAA! Aaaaashe!!!" Sigaw ko habang niyuyugyog ang katawan niya.

Yumuko ako nang hindi makita ng mga tao ang itsura kong umiiyak dumating na ang ambulansya at binuhat na ang walang buhay na si Ashe. . . .

Wala na si Ashe

Wala na si Ashe

Wala na si AAAASHE!

Nanatili akong nakaupo at mga ilang minuto ay may umalalay sa akong at tinayo ako.

Si Ren.... si Ren ang umaalalay sa akin ngayon.

Binuhat niya ako ng parang bagong kasal.

"Ssssh...... don't worry, susundan na lang natin si Ashe mamaya hospital at alamin kung may chance pa ba siya or wala" he said while walking straight to his car at doon niya ako sinakay.

Patuloy pa rin ang pagiyak ko nang makarating na kami sa bahay nila.

This time hinawakan niya ung beywang ko at hinawakan niya ang braso ko para hindi ako matumba. Nanghihina na kasi ako at gulong gulo sa mga nangyayari.

Pinikit ko ang mga mata ko at napansin kong nasa kwarto na niya ako. . . .

"Cris.... okay ka lang ba? Saglit lang hah, kukuhanan lang kita ng damit" sabi ni Eren ay lumabas ng kwarto.

Yumuko ako at . . .

"Lord.... ang bilis naman ho yata ng mga pangyayari, bakit niyo po siya kinuha agad? Kakaumpisa pa lang po ng pagsasama namin eh. . . . Sana naman po na may signal man lang o warning para nakapagpaalam ako sa kanya. . . . Hindi man lang ako nakapagsorry sa nagawa ko kanina dahil sinigawan ko siya. . . Hindi ko man lang siya nayakap sa huling beses. . . . At hindi ko man lang siya nasabihan ng . . .

I Love you" dasal ko habang nakayuko at umiiyak.

"Kayo na lang po ang bahala sa kanya, pakisabi na lang po na

MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO SIYA" dagdag ko habang patuloy pa rin sa pagiyak.

Makalipas ang mga kalahating oras ay dumating na rin si Ren at may hawak siyang paper bag.

Bumili pa siya ng damit para sa akin. . . .

"Oh heto mga damit. Magbuhis ka muna bago tayo pupunta sa hospital" sabi niya

Ang dumi na kasi ng damit ko. Puro bakas ng dugo ni Ashe ang nasa damit ko. Mga dugo ni Ashe. . . .

Dali dali akong nagbihis at sumakay na sa kotse ni Ren.

Umalis na kami patungong St.Luke's Hospital. Pumunta kami sa counter at tinanong kung nasaan si Ashe.

Agad naming pinuntahan ang kwartong iyon pero bago pa kami makapasok ay naroon ang doktor sa pintuan.

"Miss.... kayo ho ba ung kamaganak ng pasyente?" Stanong ng doktor.

"Uhmm. . . Hindi po namin siya kaano ano pero kami po yung kaibigan niya" sagot ni Ren ng inunahan niya ako.

"Ah ganon ba? Itong kaibigan niyo kasi ahhmm. . . ." PATENSE NI DOK.

"Wala na ho ang pasyente" sabi ng doktor.

Parang dinurog ang puso ko nang marinig ko iyon. Sobrang sakit.

Bumuhos muli ang luha ko at yumakap kay Ren.

"We did our best pero wala po talaga. Masyado po kasing mataas ang pinaghulugan ng pasyente"

Humihigpit ang yakap ko at dumadami ang luhang pumapatak nang sinasabi iyon ng doktor.

"We'll be fine. Tutulungan kita" he said hinila niya ako papalabas.

Teka. . . . San kami pupunta? Ano na kaya ang gagawin ko?

Kakalimutan ko na ba si Ashe? Kasi it's better to let go than to keep holding on.

Pero napakasakit at hindi ko iyon kayang gawin ngunit sa tulong nga ba ni Ren ay maibabalik na ang dating ako na masigla?

Si Ren na ba ang magiging Kean ko na tutulungan akong makamove on ng unti unti?


~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N

OW EM GEEE sarreh hah. Sa totoo lang mahirap magisip ng idea pero kaya PINUSH ko ito ay nakapagupdate ako! YEEEY

THANK YOU NGA PALA NG MGA READERS!!

Happy Valentines Day! may kadate ba kayo? Ako kase Family ko lang hahah

Wala bang nagmamahal sa inyo? Don't worreh LAB KAYO NI AUTHOR!

How I met my Destined OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon