Christmas

30 1 0
                                    

Plashback 1990

Nagbubunotan kami ngayon.( Nagbubunot ng sahig.......jk) magbubunot kung sino ang reregaluhan namen sa christmas. Pero di talaga ako interesado dito sa mga bagay na ito. Yung lahat excited na excited kung ano ang matatanggap nila, kung sinong mabubunot, at higit sa lahat ay ang pagpasyal ng buong pamilya sa araw ng pasko.

Noong pasko kasi noong bata ako ay di ako niregaluhan nina mama. Di kasi kami ganoong kayaman noon. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa sinagot sagot ko sina mama at papa.

"GUSTO KO NG TEDDY BEAAAAAR!!!! Sigaw ko ng malakas sa kanila at umupo sa sofa at nagnap.

Nakaidlip ako ng saglit at pagkagising ko ay wala sina mama at papa.

Pumunta ako sa may kusina at may mga nakahanda nang pagkain para sa noche buena mamaya. At may note dun na.
" anak may bibikhin lang kami saglit hah?"

Di kaya bibilhan nila ako ng laruan?

"YEEEEEEEEEEESssssss!!! Woooooot wooot wooooot." Sabi ko sabay sayaw ng mabagal na harlem shake....

Bumalik ako sa sala at binuksan ang tv.

Hihintayin ko na lang sila saglit. Hihihi
.
.
.
.
.
Juan R LeytEr ....

"Na-sa-an na si-na ma-ma at pa-pa" kinakanta ko habang nagju-jumping jacks. (Pampagising eh)

Pumunta ako sa kusina at trinykong tawagan sina mama sa telepono pero nung nagri-ring pa lang ito ay bigla itong naputol...

"Hah? Bat ganun... Akala ko tuloy tuloy dapat yung ring niya?"

Tinawagan ko sila ulit

*riiing *riiing *riiiing

May biglang nagsalita na babae at sinabing
"The subscriber cannot be reach....please try your call later"

"Thank you po" sabi ko sa kanya

Pero di ko toh Tinantanan ang sinunod sunod ko na ang pagtawag sa kanila hanggang sa magsawa ako at bumalik ulit sa sala at nanood nanaman ng tv.

One decade later...

Tuluyan nakong nakatulog ng mataimtim...

Paggising ko sa umaga ay wala pa rin sila?
Tinignan ko na ang kuwarto nila pero wala nmn sila dun. Pati sa likod ng bahay wala din.

Lumabas ako nang nakapajama na may print na hello kitty at hello kitty rin na shirt sa taas.

Pumunta ako sa mga pinsan ko. Malapit lang naman kasi bahay nila eh. Nagdoor bell ako dun at pinapasok ako ni tita. Nakita ko siyang umiiyak. . . . . . .

Pagkakita sa tv ay sina mama at papa pala yun. Walang buhay na nasa loob ng kotse namin.

"Tita....sila ma-mama yun?" Tinuro ko ang litrato sa tv. ..........

Ang init at ang hapdi na ng mga pisngi ko kakaiyak dahil sa nakita ko. Di ako makapaniwala nakukunin na pala ni God sila mama ng wala man lang paalam.

Nagsi-sisi ako dahil nagtampo pa kasi ako. Kung bakit di man lang ako nakapag thank you sa kanila kahit sa mga maliliit na bagay na ginawa nila sa akin.

Nagsi-sisi rin ako na tinawagan ko sila kanina......

"Pinaniniwalaan na ang magasawang ito ay na aksidente dahil lamang sa cellphone. Maari silang magulat o kaya nahulog ang cellphone sa sasakyan atsaka pinulot at tuluyang bumunggo sa pader." Sabi ng reporter sa tv kanina.

Sana pwede pang ibalik ang oras at itatama ko ang lahat pero...... Wala na at hindi pwede.

...........

Pagkatapos ng libing nina mama ay sinamahan ako ni ......

Wala akong ginawa kundi umiyak pero niya ako iniwan non.

"Criz, Magiging okay din ang lahat" sabi niya sa akin

*End of flashback

Kaya simula nun ay hindi na naging masaya at exciting ang Christmas ko. Pati na rin ang birthday ko.... Wala itong kabuhay-buhay....

Kasalanan ko naman kasi ang lahat eh.

Okay ngayon balik tayo. Nagbubunutan na sila ng mga names at ako ang huling bumunot.

Pagkakuha ko ay si.....

Author's note.

Haaaaaaay. Thank you na lang sa mga nagbabasa kahit na mangilan ilang lang kayo okay lang.

GOOD DAY EVERYONE!

How I met my Destined OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon